Archives

FUTURE RN

image

 

Sa wakas, GRADUATE NA KO!

Isang buwan na akong graduate ngayon pero damang-dama ko pa rin ang pagiging estudyante ko. Yun nga lang, hindi na ako sa eskwelahan nag-aaral at hindi ko na rin kasama ang nag-iisa kong kaklase. Hindi ko na rin araw-araw nakikita ang mga tao sa office sa tuwing pumapasok ako. Ngayon, iba-ibang tao na ang nakakasalamuha ko. May iba fresh graduate din tulad ko mula sa iba’t ibang nursing schools. Yung iba, hindi pinalad sa mga nakaraang board exam kaya nagrereview pa rin at nagbabakasakali na sa susunod ay papalarin.

Ako? Nagtitiwala lang. Umaasa at naninindigan na ipapasa ko ang board exam. Pero syempre hindi ko magagawa yung kung nganganga lang ako at magwawalang bahala. Mahirap na umasa sa “stock knowledge” lalo na kung out of stock na talaga ang utak mo. LOL! HAHAHA! I mean, inaamin ko na hindi lahat ay pumasok talaga sa isip ko sa ilang taong pag-aaral ko ng nursing. Natutuwa ako dahil pumapasa ako sa mga sample exams o diagnostic tests sa review center. Dun ko nasusukat yung sarili ko kung kakayanin ko ang board exam. Naniniwala ako sa sarili ko na kaya ko! I claim to be a board passer

Tiwala sa sarili ang mahalaga. Sabi nga sa psychology, what you think will surely happen. Kaya kung iisipin ko na hindi ako papasa, eh talagang hindi ako papasa. Eh sa unang araw pa lang ng review ko, inisip ko na agad na magiging top notcher ako at sana mangyari yun. 

Goal 1: to pass the board exam. Goal 2: to be a top notcher.

Hindi ko lang siguro goal yan. Goal din yan ng iba pang nursing graduate. Una syempre para sa parents tapos yung school kung san graduate. Well. Ako baliktad. I’m doing this for my school, next is to my family. Kasi yung pag graduate ko, yun yung para sa parents ko eh. Natapos ko ang kursong gusto nila para sa’kin. Kaya yung diploma ko, para sa kanila. Ang magiging resulta ng board exam ay para naman sa school ko. Sineseryoso ko ang pagrereview ko dahil iniisip ko na kailangan one take lang ako sa board exam. Sayang ang pera! Marami pa kong haharaping gastos pag pumasa na ko ng board exam. Sunod-sunod na training ang kailangan kong gawin at hindi yun libre! Ako mismo ang magbabayad sa ospital para payagan ako mag training. 

Oh siya. Tama na muna at kailangan ko na magprepare para sa review class. Para sa mga BSN graduate tulad ko at kukuha ng board exam sa darating na June 2 & 3, 2013, God bless sa ating lahat! Kaya natin pumasa at maging tunay at rehistradong nurse. 🙂 Tiwala lang at ngiti tayo kaibigan!

-Anna Dominique S. Reyes, future RN

HAPPY ANNIVERSARY!

ImageApat na taon na tayo mga kangitian! YEHEY! 🙂 

Nawala sa isip ko na January 2009 nga pala ko nagsimula magblog. Nakakatuwang maka-tanggap ng notification na nagsasabing apat na taon na kong nandito sa WordPress kahit na ang original blog site ko naman talaga ay Tumblr. Mas feel ko magpost dito sa WordPress pag may mga photos akong sinasama saka pag medyo seryoso ang topic (kahit na feeling ko lang seryoso pero hindi naman talaga). Ewan. Freestyle naman kasi talaga ang paraan ko sa pag-gawa ng mga blog posts. 

Sa apat na taon ko bilang bloggera, marami akong natutunan. Marami rin akong nakilala at lumawak pa lalo ang kaisipan ko sa mga bagay-bagay. Dahil sa mga kapwa ko bloggero’t bloggera, mas nagkakaroon ako ng ideya tungkol sa paggawa ko ng sarili kong post. Hindi ibig sabihin nun ay kinokopya ko ang mga likha nila. Hindi ganun ang ibig kong sabihin. Sa tuwing nagbabasa ako ng iba’t ibang likha ng mga tao, nakakagawa ako ng sarili kong blog na tumatalakay sa sarili kong opinyon, reaksyon, sama ng loob, at kung ano pang anik-anik sa buhay ko. 

Gumawa ako ng blog apat na taon nang nakalipas hindi para malaman ng publiko ang mga kaganapan sa buhay ko. Sa totoo lang, ang blog ko sa Tumblr ay ang tinatawag kong “online diary”. Akala ko kasi walang papansin. Pero hindi ko akalain na habang tumatagal ang blog ko at parami ng parami ang mga posts ko, may mga bumabasa pala. Kahit nga simpleng daan o bisita lang sa site ko masaya na ko eh. Pero yung nakikita mong nadadagdagan ka ng followers at nakakatanggap ka ng likes, nakakataba ng puso. Lalo na pag nakatanggap ka ng mensahe mula sa iyong mambabasa. Yun bang sasabihin nila na nagiging inspirasyon nila yung mga posts na ginagawa mo. Masarap sa pakiramdam! 🙂 Dahil dun kaya lalo akong ginaganahan magsulat. 

Hindi ako consistent na blogger. Kahit i-check niyo pa yung mga dates kung kailan ako nagpopost. Dumarating rin sa akin yung pagkatamad gumawa ng isang sulatin. Minsan kasi, kahit na nakaka-isip ako ng magandang i-blog, nauunahan ako ng katamaran. Kaya umaabot ng buwan o linggo bago ako makapag-update. May ibang pinagkaka-busy-han din ako. Hobby lang ang pagiging blogger ko. Kahit na minsan naiisip ko na gusto ko rin magkaron ng sarili kong libro tulad ni Bob Ong at Marcelo Santos III. Dahil sa kanila kaya na-inspire ako magsulat ng magsulat. 

Kung papansinin niyo ang laman ng blog ko, iba-iba ang mga posts. Iba-iba ang mga temang sinusulat ko. Depende kasi yun sa mood ko. Hindi kasi ako gumagawa ng post pag di ko feel. Ewan. Minsan naman kahit na walang ka-kwenta kwenta, nilalagay ko pa rin. Ewan. Sadyang magulong nilalang lang ako. At aminado ako na magulo ako. HAHAHAHAHA! I don’t please anyone eh. I mean, hindi ako namimilit ng tao para subaybayan ang mga likha ko. Kung ayaw basahin, edi wag. Wala namang mawawala sa akin eh. Hindi ko ikakamatay kung walang bumisita sa blog ko. Ang mahalaga, nakakapaglabas ako ng mga nararamdaman ko. Yun lang. Kaya nga “personal blog” eh. Handa pa rin naman akong tumanggap ng iba’t ibang klaseng kumento. Positibo man o negatibo, natatanggap ko. Syempre naman! Iba-iba ang pananaw ng mga tao. Hindi ko pwedeng manduhan ang lahat na sumang-ayon sa mga sinasabi ko. Mahalaga sa akin ang kalayaan. 

Para sa mga magsisimula pa lang magblog, go lang! Wag niyong pigilan ang sarili niyong sumulat. Wag niyong isipin yung mga sasabihin ng iba. Pero paalala lang, wag niyong kalimutan ang iba niyo pang prayoridad. Hindi masamang magblog, ilagay niyo lang sa tamang panahon o oras. Wala namang deadline yan eh. Makakapaghintay yan. Express everything you want! Maikli man o mahaba, walang pipigil sa inyo. Go lang ng go!

Sa mga matagal na sa mundong ito, ipagpatuloy! Kahit na feeling niyo walang bumabasa sa mga posts niyo, tuloy lang! Hindi niyo alam na sa bawat salitang binibitawan niyo, may mga taong natutuwa, na-iinspire at natutulungan niyo… tulad ko. 🙂

Maraming salamat!

-Ngiti Tayo Kaibigan! 🙂

HELLO PANDA

Image

Brings back my childhood memories! 🙂

Isa ako sa mga batang 90’s. 

Sino bang hindi nakaka-alam sa pagkaing ito? Yun bang hindi mawawala sa listahan ng grocery ng nanay mo para maging pambaon mo sa eskwela. Isa sa pinag-aagawan ng mga kaklase mo pag recess na. Haha! Naranasan ko kasi yan nung bata pa ko. Ilalabas ko pa lang sa bag ko, nakikita ko nang naka-abang yung mga kamay ng kaklase ko sabay sabi ng “pahingi!” 

Ewan ko kung anong pumasok sa utak ko at bigla na lang ako bumili nito. Wala na siguro akong maisip baunin sa duty kaya nung nakita ko ‘to, kumuha na lang ako at diniretso sa counter. Yung feeling na parang bumalik sa’yo lahat ng masasayang ala-ala nung bata ka pa nung sinimulan mong nguyain yung unang piraso ng cookie. HAHAHAHA! Ang hirap ipaliwanag pero ganun yung naramdaman ko. 

Masasabi kong isa ito sa mga paborito kong baunin nung bata pa ako. At isa rin ako sa mga batang nanghihingi ng baon ng kaklase. Oreo, Yan-Yan, Chips Ahoy, Choco Mallows, at iba pa! Lahat yan naging laman ng lunch box ko. Naalala ko pa na pinipili ko yung naka drawing dun sa cookie bago ko kainin. HAHAHAHA! Pag ayoko yung naka drawing, ibibigay ko sa kaklase ko. Kapalit nun ay baon niya. LOL! Oh well! Ganun ako nung bata pa ko. Pag recess, para akong tanod na rumuronda sa classroom para silipin ang mga baon ng mga kaklase ko lalo na pag ayoko ng baon ko. At pag nakakita ako ng Hello Panda, syempre hihingi ako. O kaya, makikipagpalit ako ng baon. Swerte ko na lang kung gusto ng kaklase ko yung baon ko. Malas ko kung pati siya paborito rin yun. 

Ang bilis ng panahon. Dati-rati nakikipag-away pa ko para lang sa Hello Panda. Dati nakikipaghabulan pa ko sa ibang mga bata sa eskwelahan. Wala akong pakialam kung marumihan ako. Pag nadapa habang naghahabulan, iiyak. Ngayon, ilang buwan na lang matatapos na ko sa pag-aaral. Itong Hello Panda na ito, ibinabahagi ko na sa iba. Hindi na ko madalas bumili nito dahil mas kailangan kong kumain ng mas masustansyang pagkain. 

Dahil diyan, alam niyo na ang dahilan kung bakit napakalusog ko noon. HAHAHAHA! Hindi ako conscious kung gano ako kataba. Wala rin akong pakialam sa mga pagkaing pinipili ko. Basta gusto ng dila ko at para maging masaya ang tiyan ko, go lang ng go. Kain lang ng kain. Pero ngayon na mas conscious ako sa katawan, kaya ko nang tanggihan si Hello Panda. Tutal naman hindi na mawawala sa isip ko kung anong lasa niya. HAHAHAHA! Ilang taon rin akong kumain niyan kaya kahit isang piraso lang ang kainin ko ngayon ayos lang. 

Isa ito sa mga ipapakain at ipapabaon ko sa mga magiging anak ko. Kasabay ng kadaldalan ko, ikukwento ko pa sa kanila lahat ng mga ala-ala ko noong ako’y kasing edad nila. Kaya naniniwala ako na magiging “cool mom” ako in the future. HAHAHAHAHA! 

Dahil sa isang pagkain, maraming ala-ala ang nagbalik sa isipan. Isang pagkaing naging bahagi ng buhay ko na habang buhay kong dadalhin. Isa sa mga bagay na bumuo sa aking pagkatao. Naks! Lumalalim! HAHAHA! Kayo? Anong nagpapa-alala sa inyo ng inyong pagkabata?

ANG NGITI NG MGA MATATANDA

Gaano ba kahalaga sa isang kabataan ang ngiti ng mga lolo at lola? Katulad rin ba ito ng mga ngiting nakikita natin sa mga cute na cute na sanggol o mga nakakagigil na mga bata? Gaano kahalaga ang mga ngiti nila sa mga karamdamang dinadaing nila?

Lahat naman siguro tayo may lolo at lola. May mga taong hindi pinalad makasama ang mga ito habang tumatanda sila. Ang tanong, mahalaga rin ba sa inyo ang ngiting naibibigay niyo sa mga senior citizens natin kahit hindi ninyo kamag-anak? May paraan ba kayo para ipakita sa kanila na kahit napaglumaan na sila ng panahon at hindi makasunod ang ilan sa panibagong henerasyon, binibigyan pa rin natin sila ng importansya.

Kung masarap sa pakiramdam ang makapagpangiti ng mga bata, triple ang sarap sa pakiramdam na pangitiin ang mga lolo at lola. Marami tayong hindi naiintindihan at hindi nalalaman sa mga pangyayari at pinagdaanan nila sa buhay. Karamihan sa kanila ay nagkakasakit na. Ang ilan ay hindi kailanman nakatikim ng ginhawa sa buhay. May iba namang iniwan na lang ng pamilya sa iba’t ibang klaseng institusyon. Lahat ng nararamdaman nila ay hindi natin maiintindihan kung hindi natin kayang lumugar sa kinalalagyan nila.

Nasubukan niyo na bang makinig sa mga nakakalungkot na istorya ng buhay nila? Naranasan niyo na bang palitan ng ngiti ang mga naluluha nilang mga mata? Simple lang, naging instrumento ba kayo para mapasaya kahit sa maikling pagkakataon lang ang mga matatanda?

Ilang taon ba para masabing matanda? Sabi nga ng karamihan basta may senior citizen’s card ka, matanda ka na. 60 years old to be exact. Yung iba basta may hawak nang tungkod o maputi na ang kulay ng buhok, matanda na. Kung ako ang tatanungin, masasabi kong matanda na kapag umabot na ito ng 75 years old. Kung ano man ang aking dahilan, sa akin na lang muna iyon.

Maraming nagsasabi na ang mga matatanda daw ay tumatandang paurong. Bakit nga kaya? Maraming dahilan at tunog pang-iinsulto pero totoo yan. May mga scientific explanations yan. Habang tumatanda ang tao, humihina ang resistensya. Nagiging makulit, paulit-ulit at pasaway ang iba. Tulad ng mga sanggol na mahina pa ang resistensya, makulit at pasaway, ganun din sina lolo’t lola. Kung tutuusin pareho lang ang mga bata at matatanda. Ang kaibahan nga lang, ang mga mahihinang katawan ng mga sanggol ay lumalakas habang tumatanda. Ang mga matatanda naman ay humihina habang nagkaka-edad na.

Anong punto ko? Isa lang naman. Mahalin, intindihin at alagaan natin ang mga matatanda katulad ng mga ginagawa natin sa mga bata. Masarap sa pakiramdam ang makakita ng lolo o lola na ngumingiti sa likod ng karamdaman at kabigatan ng problema. Paalala ko lang, konti na lang ang nalalabi nila sa mundo. Tayong mga kabataan sana ang maging daan tungo sa kaligayahan nila.

Walang masama makipagkaibigan sa mga matatanda. Iba man ang henerasyon at agwat nila sa atin, pwede pa rin tayong makipagbiruan sa kanila ng may kasamang pag-galang. Matutuwa sila kung sasabihin niyong, “Lola/lolo, ngiti po tayo kaibigan!”

DON’T MIND ME, I’M STRESSED

Hay! May hang-over pa ko sa lahat ng mga nangyari this long weekend. Masaya naman kahit papano. Na-divert yung atensyon ko sa ibang bagay at nakipagbonding ako sa mga taong nakapagpasaya sa akin kahit sa sandaling mga oras. I can’t understand myself anymore. At alam kong hindi ito pwede. Kailangan maintindihan ko sarili ko para maintindihan din ako ng iba. People are asking if I’m okay. Ang hirap sagutin lalo na kung alam ko sa sarili kong hindi ako okay. Minsan “wala” o talagang hindi na lang ako sumasagot pag tinatanong ako kung okay lang ako. May mga bagay lang talaga na akala ko natanggap ko na pero hindi pa pala. Siguro yun yung factor kung bakit ako nagkakaganito ngayon. Masyado kong pinaniwala ang sarili ko na okay ako pero hindi naman talaga. Ayoko lang magsabi ng magsabi sa mga kaibigan ko ng mga problemang pinagdadaanan ko kasi ayokong magworry sila.

But why am I good in telling my friends to find someone to talk to when they have problems and here I am having a hard time doing it for myself? Ang labo diba? Ang galing kong magsabi ng gagawin ng iba para makapagcope up sa mga problema nila pero ito ako ngayon, maraming pwedeng maka-usap pero mas pinipili kong mag-isa at humarap sa blog ko at dito ilabas lahat ng nararamdaman ko. At least I’m releasing my stress. In this way, I know it helps. 

Last night, my bestfriend drove me home asking me why I deactivated all my facebook accounts. I didn’t answer. I have my reasons why. Bestfriend ko na yun ah! Pero hindi pa din ako nagsabi. He was forcing me to share my reasons but I resisted. Wala lang. Ayoko lang muna magsabi. And when I got home, nasermonan pa ko about the things I did. Wala naman akong masamang intensyon sa ginawa ko pero kung ano-ano na yung mga sinabi sa akin. Dun ako napuno at nagkulong na lang ako sa kwarto. I found myself crying. I was thinking of calling my bestfriend and talk to him for a while kaya lang alam kong marami na siyang gagawin kasi nga pasukan na ulit ngayon so I called a friend na alam kong to the rescue din pag may problema ako. He answered his phone, pero di ako nakilala kasi iba daw number ko. Whatever the reason behind his contacts, I don’t know. I introduced myself while sobbing. “Oh sis, bakit ka umiiyak?!” Ang tagal kong nakasagot sa tanong niya. Tinanong ko kung nasan siya knowing na wala pala siya sa bahay nila so I ended the call telling him to text me if he’s home. I called my other bestfriend pero di naman sinasagot. Wala na kong ibang option so I started blogging na lang. Nilabas ko sa previos post ko yung concerns ko last night. 

Oh well. This post is non-sense. Wala lang.

DON’T MIND ME, I’M STRESSED. 

HANGGANG KAILAN?

Minsan naiisip mo na lang manahimik kahit punong-puno na ng emosyon ang puso mo. Lahat ng naipon mong sama ng loob, hinanakit at hindi pagsang-ayon sa iilang bagay na pinaparatang sayo ng mga taong nasa paligid mo ay hindi mo na kontrolado at biglang sumasabog. Minsan naiisip mo na lang magkulong sa kwarto o magpakalayo para lang umiwas sa mga taong mali ang iniisip tungkol sayo. Gusto mong lumaban at ipagtanggol ang sarili mo pero nauunahan ka ng pagpapakumbaba at pilitin ang sarili mong intindihin na lang yung taong yun dahil ayaw mong lumaki pa ang issue. Dumarating sa puntong nawawalan ka ng kaibigan at makakausap sa oras na ikaw naman ang nangangailangan ng tulong – hindi dahil sa iniwan ka nila ngunit ayaw mo lang masayang ang oras nila para pakinggan lahat ng hinaing mo. Hanggang kailan ka lalaban mag-isa? Hanggang kailan mo kikimkimin ang sakit na nararamdaman mo? Hanggang kailan mo sasarilihin ang problema mo? Hanggang kailan AKO magiging ganito?!

Minsan hindi ko na alam kung saan ako lulugar. Hindi ko na alam kung sadya bang mali na ang mga ginagawa ko. Hindi ko alam kung may patutunguhan pa ang buhay ko kung patuloy ako magiging ganito. Hindi ko na alam kung malaki na ang pagbabago ko sa sarili ko o mali lang talaga ng pagkakaintindi ang mga tao sa paligid ko. Hindi ko na alam kung sino yung mga taong nakakakilala sa akin. Hindi na rin ako sigurado kung may mga taong umiintindi sa akin. Alam ko namang meron. Ang mahirap lang kasi, kung sino pa yung sigurado kang iintindi sayo, siya pa yung magiging dahilan para ilabas yung luha mo sa mga mata mo kasabay ng pag-apaw ng sakit sa puso mo. 

May mga bagay akong ginagawang hindi para sa masama pero ang tingin ng iba ay masama. Kailanman ay hindi ko naisip gumawa ng kasamaan. Simpleng paninigarilyo nga hindi ko ginagawa eh. Pati paglalasing ng sobra-sobra hindi ko rin ginawa. Lalo naman ang pagdodroga! Yan ang hinding-hindi ko gagawin. Mangaliwa, manloko ng kapwa, magnakaw, manlalaki o kahit ano pa, lahat yan di ko ginawa. Kaya masakit sa akin na marinig at maikumpara sa ibang mga babae. Ilang beses ko naman na ipinaliwanag yung mga dahilan ko kung bakit ko ginagawa ang mga bagay-bagay. Nakakapagod lang ipagtanggol ang sarili kung paulit-ulit na lang din lahat ng paratang sayo. Ayoko sa lahat yung naikukumpara. Ayaw na ayaw ko nun. Naniniwala kasi ako na iba-iba ang mga tao sa mundo. Sorry kung iba ang interpretation niyo sa kilos ko. Pero sana naman alamin muna yung mga dahilan sa likod ng mga kilos ko. 

Okay lang sana kung yung “ibang tao” lang ang huhusga sayo ng kung ano-ano. Ang masakit lang, kung sino pa yung kasama mo sa bahay araw-araw ang siyang mag-iisip ng masama tungkol sayo. Inaamin kong hindi ako perpektong anak. Aminado naman ako na nagiging sakit ng ulo rin ako minsan pero kailanman ay hindi ko nakalimutan ang obligasyon ko sa bahay at bilang anak. Ang sakit! Sobrang sakit! Hindi ko na napigilan ang luha ko. Hindi ko alam kung paano ilalabas lahat ng nararamdaman ko. Ayokong manumbat, ayokong sumagot. Alam ko kasi na lalaki lang ang problema. Hindi ko lang matanggap na sa isang pagkakamali, naging iba na yung tingin sa akin. Dahil lang sa ginawa ko ng isang beses, parang napaka laki na ng kasalanang ginawa ko. 

Ang point ko lang naman, hindi ko ba pwedeng maranasan yung nararanasan ng iba? Hindi ba pwedeng gawin ko naman kung anong gusto ko na alam kong hindi naman masama? Hanggang kailan ba ko magiging sunod-sunuran lang sa lahat ng gusto niyong gawin ko? Ganito na lang ba ko lagi? Ganito na lang ba ang gusto niyong mangyari sa akin – ang manatili sa bahay? May mga kaibigan din naman ako. At hindi naman kami araw-araw nagkikita at nagkakasama. Kung tutuusin nga, nawawalan na ko ng social life dahil sa pag-aaral. Alam kong konti na lang tapos na ko pero sana mapagbigyan ako ng kahil ilang araw sulitin ang holiday at makasama ang mga kaibigan ko. Yun lang naman eh. Yun lang.

BREAK-UPS

It’s funny how couples end their relationships. Hindi mo alam kung ikalulungkot o ikatutuwa mo ang paghihiwalay ninyo dahil sa mga actions right after letting go. Minsan iniisip niyo na kailangan na tapusin ang lahat ng pinagsamahan niyo at kalimutan ang lahat para lang hindi na makaramdam ng sakit. After all those fun and sweet memories, biglang mapupunta sa wala lahat ng pinagsamahan niyo. Bakit ba kasi kailangan maghiwalay? Bakit nauso pa ang break-up? Ganun na lang ba ang kahihinatnan ng lahat matapos niyong aminin sa isa’t isa na nagmamahalan kayo?

Iba-iba ang dahilan ng hiwalayan. Depende rin yan sa level of maturity ng tao. May mga sitwasyon din sa buhay ng tao na nadadamay ang relasyon kaya nararapat na lang na tapusin ang lahat kahit na labag sa kalooban nito. Mahirap, masakit, nakakaloko at kung ano pang emosyon ang nararamdaman ng sinomang nakakaranas ng break-up. 

Ganito lang naman ang pinagmumulan ng paghihiwalay eh. May isang sumuko. May isang napanghinaan ng loob para ipagpatuloy o ipaglaban ang pagmamahal niya para sa isang tao. Meron din namang hindi nakatakas sa tawag ng temptasyon at piniling bitiwan ang kasalukuyang relasyon. Ang iba naman ay biglang naguluhan at lumipat na lang sa iba. Kesyo hindi na niya mahal ang ka-relasyon niya ngayon dahil may iba na siyang minamahal. Masakit hindi ba? Yun na siguro ang pinaka masakit sa lahat, ang ipagpalit ka sa iba. Siyempre hindi pahuhuli ang medyo nakakatawa at nakakainis na dahilan ng hiwalayan: immaturity.

Papaano mo malalaman kung ang dahilan ng break-up ay immaturity? Simple lang. Ang hindi pagkakaintindihan. Diyan pumapasok yung “time and effort” issues. Kulang lang talaga sa understanding kaya nahahantong sa hiwalayan. Eh kung ganyan kababaw ang dahilan ng break-up, nakakatuwa ba? Hindi diba? Actually mas madali nakaka-move on ang taong galing sa immature reasons of break-up. Kesa sa paghihiwalay dahil sa third party or any other more serious reasons. Kung ganyan lang, para na rin sinabing laro lang ang tingin sa relasyon niyo. At the first place, kung mahal mo ang tao, iintindihin mo lahat tungkol sa kaniya. Tatanggapin mo ang mga pagkukulang niya. Iisa man ang relasyon niyo, magkaibang tao pa rin kayo. May kanya-kanya kayong ginagawa at inaatupag. Isa man ang mundong ginagalawan niyo, iba pa rin ang sitwasyong dumarating sa buhay niyo. 

Hindi puro sarap at saya lang sa relasyon. Hindi pwedeng 24/7 nandiyan ang boyfriend/girlfriend mo sa tabi mo. Busy rin naman sila. Hindi lang ikaw ang priority. Kaya kung mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo pakakawalan ng dahil lang sa mababaw na dahilan. Kung seryoso ka talaga sa taong pinili mong mahalin, handa ka dapat harapin ang pagsubok. Hindi ito dapat tinatakasan. 

Kung ikaw ang nakipagbreak, panindigan mo kung anong sinabi mo. Panindigan mo yung desisyong ginawa mo. Una sa lahat, ikaw ang naka-isip makipag hiwalay. Ikaw ang unang nakasakit. Malabong paniwalaan na doble ang sakit na naramdaman mo dahil sa ginawa mo – CHOICE MO YAN! Ikaw ang sumuko, ikaw ang naglet go kaya wag kang umasa na ikaw ang hahabulin. IKAW ANG MAGHABOL! Ikaw ang nang-iwan kaya wag mong asahan na babalikan ka kung wala ka namang ginagawa.

Sa mga nasaktan at iniwanan, think of the bright side. Wag din naman masyadong magmalinis. Isipin niyo rin ang dahilan kung bakit ka iniwan. Baka naman ikaw talaga ang may kasalanan kaya hindi tumagal sa iyo ang boyfriend/girlfriend mo. Kung iniwan ka dahil sa mababaw na dahilan o hindi alam ang dahilan, cheer up! May problema lang siguro yung lalaki/babae. Ipaglaban mo kung nararapat. Pero kung matigas talaga, sorry na lang. Move on and continue life. Marami pang iba diyan.

Ang pagpasok sa relasyon ay hindi laro. Damdamin ang naka taya diyan. Hindi masusukat ang pagkalalaki o pagkababae mo sa dami ng relasyong napasukan mo. Hindi mo masusukat ang ka-gwapuhan o ang kagandahan mo dahil lang sa relasyong dumaan sa buhay mo. Wag kang magbilang ng taong lolokohin. Wag mong bilangin ang taong nananakit sa iyo. Wag pumasok sa relasyon kung makikipag hiwalay din. Masarap umibig, alagaan niyo yan. Mapag-uusapan at masosolusyonan ang lahat ng problema. Hindi yan darating sa inyo kung hindi niyo kayang ayusin. 

Kung nakaka-relate ka, mag-isip isip ka na. Will you accept your weakness and let go or will you be brave enough and hold on? It’s your choice.

BOYS VS. GIRLS

Bago ako tuluyang matulog ngayong gabi, may pinabasang post sa akin yung kaibigan ko na nag-trigger sa akin para gawin ang post na ito. Two weeks ago ko pa sana ito na-publish pero dahil sa sobrang busy at may inuna pa kong mga post na pinublish, ngayon na ang tamang oras para ipabasa sa inyo ang mga kumento ko sa nabasa kong post.

About the content of this post, lahat ng mababasa niyo about sa girls ay galing sa akin. Sarili kong opinyon at sagot sa sinabi nung lalaki. Haha! Kung kanino man galing ang post na iyon, salamat sa iyo. Sasagutin ko yung mga sinabi mo.

Boys: Moody, pero hindi pinapahalata, kasi ayaw namin na maging malungkot pa ang ibang tao sa paligid namin dahil sa kalungkutan namin.

Girls: Ang pagiging moody ng mga lalaki ay minsan din napapansin ng mga tao sa paligid niya lalo na kung kilalang kilala na siya ng mga ito. Ganyan din naman kaming mga babae pag moody. Kahit anong tago ang gawin namin, basta kasama namin ang mga taong lubos na nakakakilala sa amin, alam na nila kung paano kami i-aapproach.

Boys: Ayaw namin ng nanlalambing, hindi dahil sa tinatamad kami o may nagugustuhan kaming iba, dahil alam naming masama kapag napasobra kami, masyado kayong kumukulit lalo.

Girls: Hindi rin kami masyadong nanlalambing lalo na sa public dahil ang iba sa amin ay ayaw mabansagan ng “malandi” o “maharot”. May mga ibang babae (katulad ko) na ayaw ng Public Display of Affection. Kung maglalambingan lang rin, nasa tamang lugar. Hindi kailangan ibunyag sa madlang people. Gusto namin na nilalambing niyo kami kahit pa-minsan minsan lang. Ganun din ako kami. Naglalambing din kami minsan para lang merong “sweet moments” kahit papano. Kailangan din ng lambingan sa relasyon. Boring pag wala.

Boys:  Sinungaling. Oo sabihin na nilang kami ang pinakamasamang uri ng tao sa mundo pero ginagawa lang naman namin ang pagsisinungaling na ito para maiwasan na masaktan ang inyong mga damdamin. Kung minsan, hindi na lang namin pinapansin kung ano ang nakita namin, para wala ng masyadong pagtalunan.

Girls: Hindi pa rin solusyon ang pagsisinungaling para hindi kami masaktan. Hindi niyo ba naiisip na mas masakit sa amin na malamang nagsisinungaling kayo? Mas maganda na yung masaktan kami dahil nagsabi kayo ng totoo kesa sa pinapaniwala niyo kaming maayos ang lahat pero puro kasinungalingan. Kung baliktarin kaya natin at kaming mga babae ang magsinungaling? Magagalit din kayo diba? Grow up! Learn to speak up. Hurtful or not, SO BE IT!

Boys: Kawawa lalo na sa text lalo na kapag may ginawa daw kaming mali kahit hindi naman namin alam. Dapat kasi, intindihin din sana ang side ng mga lalaki.

Girls: Depende sa babae yan. Kung makitid ang utak ng mga girlfriend niyo, aba! Kawawa nga kayo. Pero kasi, wag kayong gagawa ng mga bagay na pagdududahan ng mga babae. Papaanong hindi kami magdududa kung hindi kayo marunong mag-update. Tandaan niyo, pag nasa relasyon kayo, karapatan ng bawat isa ang malaman ang mga kaganapan sa buhay niyo. Privacy is still there pero siyempre diba, you both have the right to know something about your daily activities. Hindi naman kailangan ng everyday report lalo na pag busy ang isa sa inyo but my point is, dapat may isang araw na makakapag-usap kayo about happenings in your life. Dahil dun, malalaman niyong na-miss niyo ang isa’t isa.

Boys: Mas seloso kami. Natural makikipag-usap kami sa ibang babae, hindi maiiwasan ‘yon. Ang hindi lang alam ng mga babae, kapag may kausap na iba ang mga girlfriend nila, kahit ba babae din ‘yon ay nagseselos rin ang mga lalaki. Babae lang ba may karapatan magselos? Selfish din kami. Hindi lang siguro natural na showy o masalita ang lalaki sa ganyang bagay.

Girls: Why are we jealous? Hindi maiiwasan ang insecurities ng mga babae lalo na pag alam namin na mas nakaka-angat sa amin ang mga pinagkakakausap ninyo especially sa looks. Intindihin niyo yun. Hindi makitid ang utak namin, it’s just that hindi mawawala ang insecurities namin. At kung nagseselos kami, wag kayong magalit. Isa lang ibig sabihin nun, kayo ang gumawa ng dahilan para magselos kami.

Boys: Hindi magaling magtago ang mga lalaki. Kung magaling, e bakit nakakapagbigay kayo ng pagseselos? Ibig sabihin may hint na lumabas. Oo sabihin na nating ang puso ninyo ay sa amin lang kahit makakita kayo ng 1M na mas gwapong lalaki, may chance pa rin na sa 1M na ‘yon, may isa din dun na mapupukaw ang atensyon mo. Magaling lang kayo magtago.

Girls: Naaaaah! Nakakapagsinungaling nga kayo eh, tago pa kaya. Medyo contradicting ito sa sinabi mo kanina about being sinungaling. Hay nako. Tsk tsk. Wag magpaka isda okay? Ang isda ay nahuhuli sa sarili niyang bibig. Kanina aminado na nagagawa niyong magsinungaling, tapos ngayon hindi kayo magaling magtago. Ano ba talaga, kuya?! 

Boys: Pinagmamalaki namin ang mga babae sa buhay namin sa harap ng maraming tao kasi ‘yon ang gusto nila, e. Sunud-sunuran lang kami, wag lang magkaroon ng away. Kung kami tatanungin, mas gusto namin na ipagmalaki sila ng hindi nila alam di dahil gusto namin manglandi ng iba. Gusto namin i-preserve ang babaeng iyon para lang sa amin.

Girls: Suuuuuuuus! Matanong ko nga kayo, ayaw niyo ba na pinagmamalaki rin kayo? Wag niyo sabihing sunud-sunuran lang kayo dahil kung ayaw niyo talaga ipagmalaki ang babae sa buhay niyo, di niyo pag-aaksayahan ng oras. Minsan nasasabi niyo yan na hindi dahil gusto niyo manglandi ng iba well in fact, ginagawa niyo na. Front niyo na lang yan para pagtakpan ang mga kalokohang ginagawa niyo. YES OR YES?!

Boys: Ayaw namin sa mga nililigawan namin ng ubod ng tagal. Nagmumukhang paasa. Pero sa totoo naman paasa lang naman talaga silang lahat sa umpisa. Gusto kasi nila may marinig muna bago kami kilalanin.

Girls: HAHAHAHA! Nakngpagong! Hindi lahat ng babae ganyan. Sorry ka na lang kuya kung ganyang klaseng babae ang napunta sa iyo. Pero aminin mo, nagustuhan mo siya eh. Choice mong ligawan siya kaya wag kang magrereklamo kung matagal kang sagutin. Dun masusukat kung talagang interesado at pursigido kayong mahalin ng seryoso ang isang babae. Minsan, pinapatagal namin ang ligawan stage para lubusan kayong makilala. Hindi para paasahin kayo. Sorry na lang kung sa tagal ng panliligaw ay hindi ka sagutin. Hindi lang talaga kayo para sa isa’t isa.

Boys: Kapag maingay kami, sumabay kayo. Gusto namin ng masayang buhay, at ang pagtawa man minsan ay nagsisilbing panandaliang paglimot sa aming mga problema. Gusto namin sa hirap at ginhawa nandiyan ang mga babae, kailangan man ng yakap o ano, basta ang gusto namin kasama lang sila. Tapos.

Girls: Intindihin niyo rin na minsan sumasabay sa ka-ingayan niyo ang buwanang dalaw ng babae kaya hindi makasabay. HAHAHA! Seriously speaking, hindi naman talaga maiiwasan ang ganung bagay. Pwedeng sa sobrang ingay niyo, tahimik lang kami kasi may pinagdadaanan din kami. Yun ang pagkakaiba ng lalaki sa babae. Para makalimot kayo, dinadaan niyo sa ingay at saya at kung saan pa. Kaming mga babae, minsan mas pipiliin naming manahimik. Basta alam namin na naiintindihan niyo kami at nandiyan lang kayo, walang problema. Kahit rinig pa ng ibang bayan ang kaingayan mo, kung tahimik man kami, wag niyong kalimutan na nandito pa rin kami.

Boys: Gustong gusto namin ‘yung mga babaeng malaki ang respeto sa amin, at sa paraang iyon ay rerespetuhin din naman namin sila at ibibigay ‘yung kiss on the forehead na gustong-gusto nila. Tandaan ninyo sanang kung makakagawa man kami ng kaimoralidad sa inyo, siguro dahil nagbibigay kayo ng pagpayag na gawin namin iyon, direct or indirect man.

Girls: Excuse me! Respect is earned, don’t demand for it. Respetuhin niyo muna sarili niyo bago namin kayo respetuhin. Everything starts from within. Kung ano ka sa sarili mo, ganun din ang babalik sa iyo. Kung makakagawa kayo ng kaimoralidad, naging choice niyo yun. Wag niyo isisi sa amin. Kung may nakita kayong mali sa amin, sabihin niyo. Hindi yung gagawa kayo ng mali para lang ipamukha sa amin yung nagawa naming hindi niyo gusto. Mas masarap yung kayo mismo ang nagsasabi ng mga bagay na dapat namin baguhin o iwasan. Immature lang ang gumagawa ng ganyan.

Boys:  Ang nagpapa-turn on samin ay ‘yung babaeng kayang tumayo sa sarili nilang paa. Ayaw namin ng mga pa-baby effect kasi nakakainis. Ang gusto namin ay ‘yung makakasama sa paglalakbay, hindi ‘yung kailangan mula simula kami ang aalalay.

Girls: Naiintindihan ko kayo diyan. At ayaw din namin ng ganyan. Ewan ko sa ibang babae pero sa sarili ko, hindi ko rin gusto ang ganyan. About being alalay, pareho kayo dapat. Hindi lang dapat isa ang umaalalay. Dapat pareho kayo. 

Boys: Ayaw namin sa mga babaeng pakipot sa text. Kung mahal ninyo kami, sabihin ninyo. Nakakainis. Para bang alipin ang tingin sa amin — ‘yon pa naman ang ayaw namin. Kung talagang gusto nyo kami maging parte ng buhay nyo, ilagay nyo kami dun, di na namin kelangan ipaglaban ang pwesto namin.

Girls: Ayaw namin sa lalaking hindi marunong magtext. Makapagsalita ‘to parang kami lang ang pakipot ah. Excuse me, nagiging pakipot rin kayo at times. Pwede bang isipin niyo na paglalambing yun? Pwede?! Kayo kasi gusto niyo laging sa amin nagmumula ang ka-sweetan eh. Aba naman! Unfair na yun. Teka muna nga! Dahil lang sa pakipot sa text masusukat ang kagustuhan naming maging parte kayo ng buhay namin? Dun ba nasusukat yun? Ay wow ah. Define ang babaw.

Boys: Sobra kaming natutuwa sa mga babaeng nag-eeffort din: kasi nakikita naming naaappreciate lalo ng mga babaeng ganoon ang effort na ginagawa namin para sa kanila. Hindi ‘yung kami na lang ng kami. Hindi sa nagrereklamo kami na napapagod kami, pero kapag ganoon ang nangyayari matutuwa ka bang pinagtatawanan ng ibang tao ang boyfriend mo at tutuksuhing “ander” at “takusa”?

Girls: Relationship is a two-way thing. Siguro nga may mga babaeng hindi marunong magpakita ng effort kasi umaasa na lang sa effort ng lalaki. Pero kasi I find it unfair. I mean, unfair kung isa lang ang nagpapakita ng effort. Dapat naman talaga pati babae nag-eeffort din. Wag palaging lalaki. Ang masakit lang sa aming mga babae, nag-eeffort na nga, balewala lang sa inyo. Minsan di na namin alam kung saan kami lulugar. 

Boys: Ang pangarap naming mga lalaki ay mapakilala sa mga taong malapit sa buhay niya, hindi para angkinin ang isang babae kundi para malaman ng mga taong iyon kung gaano kami kapursigido na mga lalaki na maging kalahating-bahagi sa buhay ng isang babae.

Girls: Ano?! Teka. Parang naguluhan ako dito ah. Gusto niyo mapakilala kayo sa taong malapit sa buhay ng babae? Is that it? I mean, is that the thought? Kung tama ako ng pagkakaintindi, well I guess masaya kaming mga babae kung ganun. Sana nga lahat ng lalaki ganun. Hindi yung kung anu-anong dahilan ang sinasabi o pinapakita para magduda kaming mga babae. Sa umpisa ang galing magsalita pero pag kayo na, wala na… kinain na lahat ng sinabi. Kung gusto niyo maging malapit sa mga taong malalapit sa amin, kayo mismo ang gumawa ng way. Mas magiging masaya kami sa ganun.

Boys: Mas magaling kaming magpretend. Alang-alang itong lahat sa pride namin bilang lalaki. Walang masama kung ayaw ibaba kung minsan ng lalaki ang kanyang pride, dahil ito ang bumubuo sa kanyang pagkalalaki. Kapag mag-isa ang lalaki, hindi man kami umiiyak, kayo ang pumapasok sa isipan namin. Hindi narerealize ito ng mga babae kasi sarili nila ang madalas nilang isipin kung tungkol sa relasyon ang pag-uusapan.

Girls: Ulol! HAHAHA! Uminit ang ulo ko ah. Anyway… Napaka contradicting talaga. Hindi daw magaling magtago tapos ngayon magaling magpretend. ANO BA?! Gaguhan?! Magkapatid kasi ang pagtatago at pagpepretend. Hindi ka makakapagtago kung di ka magaling magpretend. At kung hindi ka marunong magtago, edi walang rason para magpanggap. Ano ba yan. At teka nga! Sinong may sabing kayo lang ang may pride? May pride din naman kami. And wait! It won’t make you less of a person if you try lowering your pride. Kung mananatiling mataas yan, aba! Wag ka na lang pumasok sa relasyon. Hindi ka magiging bakla kung mabawasan ng konti yang pride mo dahil ang mga bakla, may pride din. Lahat tayo may pride. Kung pride lang ang bumubuo sa pagkalalaki mo, aba! Mag-isip isip ka. Walang tatagal sayo kung ganyan ang mind set mo.

At dito na nagtatapos ang mga pananaw ko tungkol sa mga sinabi ng lalaking gumawa niyan. Reminder: kung hindi kayo sang-ayon sa mga sinabi ko, pasensya na po. This is not intended to offend people. This is purely from my heart. Lahat ng part nung sa girls ay sa akin lang galing. Everything you have read was based from my own experience, understanding, belief, and opinion. That’s all.

♥ Nikki

SIMANG

Ang bansag sa akin ng magaling kong kaklase. HAHAHA! Simang daw ako kasi lagi daw akong nakasimangot sa mga taong hindi ko kakilala. And as per my professor, I seldom smile. I SELDOM SMILE daw. Napa-isip ako kung valid yun o hindi pero kasi siyempre I value what other people notice about me. I love hearing comments from other people, positive or negative, tinatanggap ko. It’s my way of knowing myself more and exploring things about me beyond my control. Hindi naman laging ako lang sa sarili ko ang nakakakilala sa akin. May mga tao sa paligid ko na makakapagsabi kung anong klaseng tao ako at kung papaano ako makihalubilo sa iba’t ibang klaseng tao.

Dahil sa on time ang dating namin ng kaklase ko sa duty at na-late ng ilang oras ang CI namin, napag-usapan namin yung tungkol dito. Bigla ko na lang tinanong kung talaga bang masungit ako. Sabi niya hindi naman daw. May times pero mas lamang pa ang kabaliwan ko kesa sa kasungitan. Palangiti at palatawa ako sa mga taong kilala ko na. At “simang” daw ako pag hindi ko pa kilala ang tao. Inisip ko lahat yun. Oo nga naman. Hindi ako ngumingiti pag di ko pa kilala. Kaya lagi ako nasasabihang masungit at minsan, yun ang nagiging first impression sa akin. I admit, masungit talaga ako at times. Kaya siguro thankful ang ibang friends ko dahil nakilala nila ko ng lubusan kasi ibang-iba na ako pag nakilala mo na ko.

Kaya for the people who judge me, know me first. All your impressions will be changed.

-Nikki

IT TAKES TWO TO TANGO

Lahat ng relasyon may pagsubok. Minsan yung iba give up agad dahil hindi nila alam kung paano sisimulan lumaban. Hindi nila alam na ang lahat ng ito ay pwedeng solusyonan. Nangibabaw lang kasi yung takot na baka masaktan lang ulit sila pero yun pala ang hakbang para ipaglaban ang pagmamahalan.

Hindi kasalanan ang magmahal at mahalin. Pero nasa mga kamay mo kung paano mo patatakbuhin ng maayos ang relasyon niyo. Hindi pwedeng isa lang ang kumikilos. Hindi pwedeng isa lang ang lumalaban ang nagdedesisyon. Dalawa kayong pumasok sa relasyon, dalawa kayong nagpasya na magmahalan, kaya dapat lang na dalawa kayo humarap sa kung anumang problema ang sasalubong sa inyo. Set your prides aside. Hindi na kasi minsan nakakatulong ang mataas na pride eh. Minsan kaya lalong lumalawak ang maliit na problema dahil sa pride. Lalaki man o babae, hindi mawawala ang pride sa isang relasyon. At sa dalawang taong nagmamahalan, hindi laging mahina o malakas ang isa. Para maging balanse ang pagsasama niyo, alam niyo dapat kung papaano niyo iintindihin ang ka-relasyon niyo pag hindi maganda ang timpla. Nasa tamang pagkilala niyo yan sa isa’t isa. Pag mahina ang isa, dapat maging malakas yung isa. Wag sabayan ang pagkahina ng isa. Walang mangyayari sa inyo. Wag din magsabay pag mainit ulo ng isa. Matuto magpakumbaba ang isa para hindi na lumala ang sitwasyon.

Simple kung iisipin pero minsan mahirap gawin lalo na pag dalawa kayong may pinupunto. Hindi porket nasa isang relasyon kayo ay pareho na kayo ng paraan ng pag-iisip at kagustuhan kung papaano niyo patatakbuhin ang relasyon niyo. Hindi! Mali yun. Pwedeng ang goal niyo ay tumagal ang pagsasama niyo, matupad lahat ng pangako niyo sa isa’t isa at maisakatuparan ang mga pangarap niyo para sa isa’t isa pero tandaan niyo na magkaiba pa rin kayo ng personalidad at paniniwala. Everyone is unique. And that uniqueness keeps the spice of the relationship. Boring pag pareho kayo lagi ng gusto. Puro enjoy na lang. Oo masaya kasi nagkakasundo kayo pero hindi masyado mag-gogrow ang relasyon niyo kasi pareho kayo lagi. Kailangan may mas mature mag-isip. Mas mag-eenjoy kayo pareho kung obvious ang differences niyo sa isa’t isa.

Differences. Malawak na paksa ito. Halimbawa na lang ang magkasintahan na magkaiba ng kurso o magkaiba ng hilig. Sabihin na nating pala-aral si babae at adventurous naman si lalaki. Makakapag-share ng adventure si lalaki na never pa nagagawa ni babae at si lalaki naman ay may matututunang iba kay babae. Simple lang, it’s fun when you learn something new from your partner. Hindi ba? Kung pareho kayo, lagi kayo mag-aaway kasi mas alam ni ganito ang ganyan. Tama ito kesa diyan at kung ano-ano pang pwedeng pagsimulan ng away. Marami akong nakikitang ganyan. Kaya ang mga kilala kong successful ang relationship, malaki ang differences.

Kung may similarities man sa profession at field of interest, malaki naman ang gap ng age. Ewan ko ah pero yan ang napapansin ko. Just like mom and dad, 5 years ang gap nila. Mom’s older. Professional si dad and mom’s a simple housewife. Pero they’re 49 years married. Away-bati man pero I believe that they still love each other. Lahat ng problema naaayos, napag-uusapan. LOVE COVERS EVERYTHING. Basta mahal ang isa’t isa, lahat makakaya.

Kung nakaka-relate ka, mag-isip isip ka. Kung ang relasyon niyo ay nasayang nang dahil sa walang ka-kwenta kwentang bagay, aba! Gumawa ka ng paraan. Kung talagang nagmamahalan kayo, mapag-uusapan at maaayos niyo yan.

-Nikki