RANDOM

29 November 2012. Now I realize that birthdays are just an ordinary day. Nothing special. I’m loved, I’m blessed, and I’m thankful. That’s all. No more, no less.

28 November 2012. Sabi nila, malalaman mo ang halaga ng isang bagay o ng isang tao kapag nawala na ito sa’yo. Ang sa akin naman, kailangan pa bang dumating ang araw na mawala yun sa’yo para lang ma-realize mo yung worth nito? Kung kaya mo naman pahalagahan lahat, edi gawin mo na ngayon. Huwag magsayang ng oras. Huwag aksayahin ang panahon. Bigyang kabuluhan ang bawat sandali ng ating buhay kasama ng mga taong mahal natin.

15 November 2012. Ang lovelife ay minsang dumarating sa inaakala mong tamang panahon kasama ang tamang tao. Ang pagpili ng tao ay pinag-iisipan at hindi dapat minamadali. Wag masyadong excited dahil hindi ka mauubusan. 😉 Darating at darating din ang tamang taong nakalaan para sa’yo.

29 October 2012. Yung masarap na pakiramdam na bigla ka na lang may matatanggap na personal message sa FB na nagsosorry at nagpapasalamat sa memories ng isang tao na kasama ka. At sa mga bagay na naitulong mo para magbago siya ngayon. Nakakataba ng puso. Kahit dun naisip mo na minsan kang naging inspirasyon.

28 October 2012. Hopeless romantic ba ako? Siguro. Natutuwa ako sa mga napapanuod at nababasa kong love stories. Dahil sa mga yun, naniniwala ako na may sarili akong love story. Na ako mismo ang bida. Kung fairy tale man ang kwento ng buhay pag-ibig ko, ako ang prinsesang naghihintay na sana dumating na ang prinsipe. I’m in love with love. Hayayay pag-ibig!

27 October 2012. Yung oras na daig mo pa yung manganganak dahil sa sobrang sakit ng tiyan mo at kinakailangan mong tiisin ang mahabang byahe pauwi. Tapos habang papalapit ka na sa bahay saka lalong nag-aalboroto sa hilab ang tiyan mo. Napatakbo ka na lang bigla at pagtapos ay naisip mo ang salitang “SUCCESS!”

Eh yung maka-tanggap ka ng pasalubong na t-back o g-string panty. Hindi lang isa ah. Dalawa pa! Nakakaloka! Saan ko kaya gagamitin yun!? HAHAHAHA!

23 October 2012. Hindi mo pwedeng husgahan ang isang tao dahil sa litrato. Maaaring iba ang iniisip mo sa mismong kwento sa likod ng larawang nakita mo.

19 October 2012. Yung feeling na ang tagal mong pinagplanuhan umalis at bumyahe pero kung kailan bukas na, saka naman hindi nakikipagcooperate yung mood mo. Dapat excited ako ngayon pero bakit hindi? Gusto ko mag-enjoy! Gusto ko mag-unwind. Mangyari nga kaya? 😐

17 October 2012. Kailangan mong lumaban kung mahal mo pa. Sumuko ka pag wala ka nang pag-asa.

16 October 2012. Pag nga naman minahal ka ng stress ano? Sunod-sunod ang dating. Hindi ka pa natatapos sa isang stressor, may bago na namang dumating. Ano ba yan!

15 October 2012. May nabasa akong tweet ng isang Twitter friend na masakit daw ang kanyang braso gawa ng workout. Sabi ko na lang i-alternate niya ang warm and cold compress. Nagulat ako nung nagtanong siya kung papano kung sa puso ang sakit? Tsk tsk. Pano ako magbibigay ng advise kung sarili kong puso hindi ko magamot? LOL (drama rama)

Leave a comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s