PARA SA MGA KANGITIAN

SA AKING MGA MAMBABASA…

Paunawa lang po sa lahat ng mga bumabasa (kung meron man) ng aking munting blog, nais ko lang kayong pangunahan na ang mga likha ko ay karaniwang nakasulat sa “tag-lish”. Depende po sa aking mood kung anong wika ang aking gagamitin. May mga posts akong sinusulat ng purong ingles at purong tagalog. Ngunit kadalasan ay puro tag-lish.

Ang blog na ito ay punong-puno ng inspirasyon. Inspirasyong nagmumula sa mga nasasaksihan kong eksena sa pang-araw araw na nakaka-apekto sa akin bilang tao. Dito ko nilalagay ang mga sakit, tuwa, lungkot, sama ng loob at iba pang nararamdaman at naiisip ko tungkol sa mga bagay-bagay na alam kong humuhubog sa aking pagkatao. Let me remind everyone, this blog is random. Anything and everything that gets out of my mind will automatically be posted here so for everyone’s information, I am not forcing all of you to read my posts. If ever binabasa niyo at medyo hindi kayo sang-ayon, malaya kayong magbigay tugon o comment. Ako po ay open minded at handang tumanggap ng mga negatibong sinasabi ng iba. Lahat yan ay sasagutin ko ng walang halong galit o sama ng loob. Honestly, I would love hearing any comments and feedbacks from my readers. Dahil dun nalalaman kong may mga nag-aaksaya ng oras para basahin ang ibang walang ka-kwenta kwenta kong blog posts.

I created this blog not to impress. I made this to express myself in the form of writing and to inspire other people with my life experiences. Ang buhay ko ay parang bukas na libro. Kahit sino ay pwedeng bumasa pero walang sinoman ang may karapatan dungisan ang aking libro. Una, may sarili kayong buhay. Kung gusto niyo ng mapagtitripan at napili niyong mapagtripan ang buhay ko, tara! Sabihan niyo lang ako at sabay nating tatawanan ang mga katatawanan sa buhay ko. Wag niyong sarilihin ang trip niyo, isali niyo ko at kampi tayo. 🙂

Sa mga naiinspire sa aking mga kwentong buhay, mas na-iinspire niyo kong magpatuloy sa aking nasimulan bilang isang blogista. Sa mga naiinis sa aking mga likha, pasensya na po dahil kailanman ay hindi ako namilit ng tao para basahin lahat ng ginagawa ko. Kung ayaw niyo man ng aking mga sinasabi, malaya kayong hindi magbasa. Salamat pa rin dahil nagawa niyong bumisita. 🙂 Sa mga patuloy na nag-aabang ng mga random posts ko sa Tumblr at WordPress, maraming salamat po.

KAYO ANG INSPIRASYON KO.

Kung may problema, wag palakihin. Maging positibo lang palagi. Ngiti tayo kaibigan!

Advertisements
Leave a comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s