THE 500-CALORIE DIET

Start losing weight with The Slim Firm’s HCG drops and Garcinia Cambogia. 

The Products

Human Chorionic Gonadotropin (HCG) drops. It is a hormone produced by pregnant women to help their body feed the baby with fat stores rather than the muscles. This is why it’s helpful for weight loss. HCG also helps your body burn your stored fat instead of your muscles to make up for the calories you are no longer eating. When your body is burning extra calories especially from fat, you lose weight.

Garcinia Cambogia capsules. This is for those with active lifestyle. Garcinia Cambogia supplement contains a proprietary blend of 20 proven weight-loss/fat-burning, and appetite suppressant ingredients that helps curb appetite, increase your energy and boost your metabolism. It also supports cholesterol level, blood pressure and immune system and is an excellent addition to the HCG Diet program. 

How does HCG works?

HCG modifies eating behavior by regulating the hypothalamus in the brain that manages the homeostatic control of food intake by receiving, coordinating and responding metabolic cues and signals from the digestive system. By integrating the metabolic signals, the hypothalamus tells the body when to eat and maintain the body weight “set point”. Therefore, the activity of HCG in the hypothalamus helps regulate food intake while reducing food cravings.   

You must follow the entire HCG diet protocol based on Dr. Simeons’ research. HCG drops should come along with the strict 500-calorie diet to have good results. If you try feeding yourself with 500-calorie meals per day without taking the HCG drops, you are obviously STARVING yourself and that is a big NO-NO! So here’s the program overview and the important phases of this diet program.

The Four Phases

The HCG Program is divided into 4 phases of various lengths. Here it is in order:

  1. Loading Phase (2 days). Some call this phase as “binge” or “gorge” days. You start taking the HCG drops on Day 1. For these first 2 days, you must eat the most fattening foods you can until you are completely full. Concentrate on foods high in fat and oils rather than sugar.
  2. Core Phase (13-43 days). On the morning of Day 3, you begin the 500-calorie diet per day. You also continue taking the HCG drops at the specified dosage. The length of this phase depends on how much weight you want to lose. 
  3. Transition Phase (3 days). Stop taking the HCG drops at the end of the Core Phase. Continue on the 500-calorie diet for the 3 days in this phase while your body transitions and eliminates the high level of HCG in your body.
  4. Maintenance Phase (21 days). Slowly increase your food intake and begin eating any foods you want except sugars, starches, or artificial sweeteners. Your metabolism is still trying to stabilize during this phase. Therefore, watch your weight closely, and slowly increase your calorie intake at a rate that allows you to maintain your new lower weight.

How to take the HCG?

  1. For best results, do not eat or drink anything for 15 minutes before or after taking the dose. 
  2. Fill the dropper with HCG liquid. 
  3. Hold the tip of the dropper over a spoon. Squeeze the bulb very gently until a single drop of liquid falls into the spoon. Repeat until you get the number of drops for the desired dosage level.
  4. Pour the liquid from the spoon under your tongue. Hold it for 1 minute before swallowing. 
  5. Remember not to drink or eat anything for 15 minutes after taking the dose for maximum absorption.

Food Choices

The total daily caloric intake during the core and transition phases should not exceed 500 calories.

  • Proteins – Eat 2 servings anytime during the day but not at the same time. Meat can be cooked by boiling, grilling, or broiling, but don’t use any additional fat or oils during cooking. One serving is about 100 grams weighed raw. Remove all visible fats. Allowed items are beef, veal, chicken (breast, skinless), and fish (NO eel, tuna, salmon, mackerel, herring, dried or pickled fish). 
  • Vegetables – Eat 2 servings anytime during the day but not at the same time. Best eaten with the protein serving. One serving is 2 cups for green leafy vegetables and 1 cup for other vegetables. One item per serving. NO MIXING OF VEGETABLES!
  • Fruits – Eat 2 items anytime during the day but not at the same time. 
  • Starches – Only melba toast and grissini (breadsticks) are allowed. Serving size is one melba or breadstick.
  • Fluids – For you to achieve your desired weight, it’s best to drink at least 8 glasses of water. No alcohol, carbonated drinks or juices allowed. Herbal or green tea are allowed. Coffee without sugar is also okay. 

Personal Testimony

I am a proud user of The Slim Firm’s HCG Drops and Garcinia Cambogia and being that proud made me post this one here in my blog. I know that a lot of people are struggling just to lose weight and here I am want to reach out and help others be fit and healthy.

HCG drops helped me lose for about 20 pounds in one month. But before trying this diet, I researched well to make sure how effective and safe it is to be used. I also have a friend who used this before me and I see her transform that quick. It amazed me and made me decide to try it and see it for myself.

I started using HCG last April 2014 because of curiosity. And of course for me to look good and lose weight. I tried going to the gym the year 2011 but gained my weight back after 2 years of no exercise and active lifestyle. Before going to the gym, I weighed around 185-190 pounds and that was the worst of me! By having a balanced diet together with regular exercise, I lost 34 pounds in 4 months. But still, my BMI didn’t reach the normal range. 

I was still in college those days and I gained my weight back last year before taking my board exam because all I do was to eat and eat and eat while reviewing. 

The Slim Firm changed my life once again. I was able to achieve my body by following the diet program. Sometimes, I couldn’t help myself not to cheat because at first, I really felt hungry. I lost weight without doing hardcore exercises. All I did was to eat 500-calorie meals daily. For you to have an idea what food I ate, try visiting my instagram (@hcg_nikkipatoots) account. 

I took one bottle of HCG drops and dropped 20 pounds. So from 180-183, I ended at 160 pounds. I tried doing the second round of this diet but I failed due to parties and lately, I’ve been resistant to it already. So now, I’m resting and my ending weight is around 152-154 pounds. 

 I was able to wear my old clothes again and somehow feel good about myself once more. Because of The Slim Firm, I became more confident and motivated to achieve my goal weight and inspire other girls out there.

Who to contact?

The ever friendly Apple Alegro of The Slim Firm. Get your HCG bottles and/or Garcinia Cambogia Capsules by following her at instagram (@theslimfirm), liking her facebook page and send her a message at 0917-8332765. She’s nice and a good coach as well. I’ve been sending her updates about my weight loss journey and sometimes ask her questions. She answers as soon as possible. 

Try now and see the results for yourself! Be a happy loser with The Slim Firm! 

Note: Losing weight with HCG drops depends on how you follow and focus on the protocol. You need to plan your desired program before starting your diet. Goodluck! 

NOTES BEFORE BREAKING UP

Ito ay para sa mga taong nakipag break, makikipag break, o nawawalan na ng lakas para patagalin pa ang relasyon nila. Yun bang kahit anong pilit mong magpakatatag, kakalas at kakalas ka pa rin kasi hindi mo na kaya. Let’s say na ang post na ito ay para sa mga tulad ko – para sa mga katulad kong naging mahina para ipagpatuloy ang nasimulang relasyon.

Pagkatapos kong kumain, naisip kong mag-update ng attendance ng mga estudyante ko sa planner ko. Sa paglipat ko ng mga pahina ng planner ko, may nakita akong isang short bond paper na nakatupi at naka-ipit sa huling pahina ng planner. Dahil hindi ko matandaan kung anong nakalagay dun, binuksan ko ito at nagulat ako sa nakita ko. Sulat ko pala yun sa ex-boyfriend ko. Sinulat ko yun nung mga panahong naiisipan ko na talagang iwan siya. Sa pagbabasa ko, nakaramdam ako ng konting lungkot. Pero nagulat ako na hindi na ko sabik sa kanya tulad nung mga nakaraang buwan. Ito ang nakalagay sa papel:

“I love you but I can’t be with you. 😦 It’s really hard for me to do this but it’s better to end this relationship early than ending up hurting ourselves more.

Akala ko okay lang na magkaiba tayo ng mundo. Pero habang tumatagal, narerealize ko na hindi pala okay yun. Hindi pala sapat yung mahal mo ko at mahal kita lang. Hindi tayo mabubuhay ng puro pag-ibig lang.

Sorry! Sorry kasi ngayon ko lang naisip ang mga bagay na ‘to kung kailan marami na tayong masasayang memories na ginawa. Sorry kasi nasasaktan kita ngayon. Maniwala ka man o hindi, matagal na kong nasasaktan dahil pinipilit kong maging okay pag kasama kita. Sorry talaga. Sorry kasi tulad din ako ng mga ex mo na iniwan ka. Ayokong maputol yung communication natin pero kung yun ang way mo para maka move on, wala akong magagawa.

Minahal kita, totoo yun! Dahil hindi ako mag-e-effort kung hindi. Wala akong magagawa kung magagalit ka. Bago ako magdesisyon, inisip ko na ang mga posibleng mangyari. Tatanggapin ko kung magagalit ka. Sorry!

Salamat ah? Salamat dahil minahal mo ko sa paraang alam mo. You will remind me of so many things. So many! Thanks for the fun memories. Ikaw pa lang ang lalaking nagbigay sa’kin ng masasayang araw. Sayo ko lang naramdaman mahalin ng ganito.”

Ayan. Siguro nga parte na ito ng moving on process ko. Siguro ito na yung simula para masabi kong tuluyan na kong naka move on. Hindi ko rin alam eh. Pero natapos na kong umiyak at mag-effort na mag reach out sa kanya. Napagod na kong magparamdam ulit sa kanya na namimiss ko siya kasi ayokong maging way yun para umasa siya sa akin. Ayoko na. Tama na. Nakasakit na ko ng tao kahit ayoko siyang saktan. Nakapag desisyon na rin ako at dalawang buwan na kaming hiwalay ngayon. Masaya na ko. At sana masaya rin siya sa kung ano ang buhay niya ngayong hindi na kami magkasama. 

Marami man ang manghusga dahil sa ginawa ko, wala na kong pakialam dun. Dahil alam ko sa sarili ko na may reason ako kung bakit ko ginawa yun. Wala na kong plano ipost yung dahilan ko kung bakit ako nakipag break. Ang mahalaga, mas mabuti na yung nagkasakitan kami ngayon kesa sa tumagal pa kami.

Yun lang.

MIDNIGHT REALIZATION

Iba talaga nagagawa ng katahimikan lalo na pag hindi ka makatulog. Yun bang kahit hindi siya problema, iniisip mo pa rin. Madalas kasi mangyari sa’kin yung ganyang bagay. Sa kaka-isip ko, hindi ko namamalayan na umaga na. Hindi ko namamalayan na napupuyat ako dahil sa pag-iisip na hindi ko rin naman alam kung may kapararakan.

Kahapon, 3:30am na ko nakatulog. Naghahanap ako ng taong makaka-usap. Sa kasamaang palad, tulog na yung bestfriend kong babae. Buti na lang nakita ko pang online yung isang friend ko na ka-close ko rin naman. Ganun kasi ako eh, priority list syempre ang mga bestfriend. Pag parehong hindi available, edi sa close friend na lang. So yun. Chat kami and all. Nag-open ako sa kanya ng feelings ko about sa isang taong minamahal ko ng palihim. NAKS NAMAN! Oh yes! HAHAHAHA! Tama, matagal ko na siyang minamahal ng palihim. (At baka gumawa ako ng ibang post kaugnay nito)

Sa pag-uusap namin nitong friend ko, lumuwag yung pakiramdam ko. Ewan ko pero pangatlo pa lang kasi siyang nakaka-alam ng secret feeling ko. Ayun. 

Ayoko na. Tama na ‘to. Isa na namang walang ka-kwenta-kwentang post. 

Whatever.

3 SIGNS NA KAILANGAN MO NANG MAG MOVE ON

  1. Masaya siya pagkatapos ng break up. Move on na. Wag mong sayangin ang oras mo sa pagiging stalker. Bukod sa nagmumukha kang tanga, sinasaktan mo pa sarili mo. Hayaan mo na. Kung masaya siya, magpakasaya ka na lang. Move on! Marami pang iba diyan. Pahinga ka muna.
  2. May mahal na siyang iba. Wag na umasa ‘tol! Kung maghihintay ka rin lang, dun na lang sa taong mamahalin ka. Kung minahal ka niya noon at iba na ang nagmamay-ari ng puso niya ngayon, move on. Buksan mo na lang yung puso mo sa iba. Malay mo sa kakahintay mo sa kanya, may mas deserving na tao ang naghihintay sa’yo.
  3. Hindi na siya nagpaparamdam. Kahit ano pang gawin mong pagpapapansin, hindi ka niya talaga papansinin. Kung dati hindi ka niya matiis, ngayon wala na talaga siyang pakialam. Magalit ka man o hindi, hindi yan magrereply sa simpleng “hello” mo. Move on na. Baka pumuti pa ang buhok mo sa kakahintay na sana ay kamustahin ka niya. Tama na.

Mararamdaman mo naman kung kailangan mo na talaga mag move on eh. Pwedeng bigyan mo pa ng oras ang sarili mong intindihin at i-absorb lahat ng mga nangyari sa inyo bago ka tuluyang mag move on. Pero ang payo ko lang sa’yo kaibigan, wag mong pahirapan ang sarili mo. Kung nasasaktan ka, gumawa ka ng paraan para sumaya ulit. Move on! Let go! Dahil pag hinayaan mo ang sarili mo maging malungkot sa kabila ng pagiging masaya niya na wala ka, ikaw ang kawawa.

 oOoOoOoOoOoOoOoOoOoOo

Tumblr: http://ngititayokaibigan.tumblr.com

oOoOoOoOoOoOoOoOoOoOo

WAG MAG FOCUS SA LOVELIFE!

Alam niyo guys, hindi naman sa pag-ibig lang matatagpuan ang tunay na kaligayahan. Wag kang masyadong mag focus sa lovelife kasi maraming bagay ang pwede mong pagtuunan ng pansin.

Ang pag-ibig, maraming klase yan. Hindi yan palaging para lang sa partner mo. Subukan mo kayang mahalin at intindihin muna ang sarili mo bago ka magmahal at umintindi ng iba. Sa ganung paraan, mas ma-aappreciate mo yung pagmamahal na matagal mong inaasam. Wag kang magmadali. Chill! Darating ang taong para sa’yo.

TOPIC: PANLILIGAW

Isang buwan na ang lumipas matapos akong pumili ng mga taong malalapit sa akin para ma-interview. Kinailangan ko lang talaga ng opinyon ng ibang tao para sa paksang ito.

PANLILIGAW

Maraming pwedeng maging tanong tungkol dito. Gaano katagal, paano ang proseso, gaano kahalaga, at marami pang iba. Bawat tao, may iba’t ibang pananaw tungkol sa panliligaw. May mga tao akong nakilala na hindi naniniwala sa kahalagahan ng panliligaw. Basta nagtapat ng nararamdaman, maghihintay na lang sa oo o hindi. Pag gusto mo at gusto ka rin, wala ng paligoy-ligoy pa. Wala ng ligaw-ligaw, kayo na agad. Meron naman nagsabi na sa panliligaw mo maipapakita ang tunay na halaga ng isang tao para sa’yo at kung gaano ka ka-sincere sa nararamdaman mo.

Bago ko ibigay ang sarili kong opinyon tungkol sa panliligaw, alamin muna natin ang opinyon ng dalawang taong aking nakausap tungkol sa bagay na ito.

Bilang isang lalaki, kailangan mong ibigay ang 100% ng pagmamahal at pag-aalaga sa taong gusto mong makaramdam nito. Ayon kay Don Macero (edad 21), yan ang dapat mong ipakita o iparamdam habang nanliligaw ka pa lang. Kailangan mapasaya mo siya palagi. Pag malungkot siya, gawin mo ang lahat para lang mapalitan ng ngiti ang labi niya.

Satisfied ba kayo, boys and girls? Kahit ako nabitin sa pahayag na yan. Pero dahil sa hindi ako nakuntento sa sagot niya, nagfollow-up question ako kung yun lang ba talaga ang paraan niya sa panliligaw. Sabi ni Don, oo. Kusang lumalabas yung mga paraan para maging mas masaya yung tao ngayon na kasama ka kesa nung hindi pa kayo magkakilala o magkasama.

Tumungo naman tayo sa pananaw ng isang babae. Babae na nililigawan, hindi nanliligaw. Para lang klaro ang lahat. Nililinaw ko lang.

Tayong mga babae (kasama ako, siyempre!), mas malawak ang imahinasyon natin pagdating sa panliligaw. Marami sa atin ang mga hopeless romantic. Dahil sa kakapanuod natin ng mga romantic movies, teleserye at kung ano-ano pa, hindi talaga maiwasan na humiling tayo na sana isang araw eh may manligaw sa atin na gagawin ang mga bagay na nakikita natin sa paligid.

Sabi ni Roxanne Barrios (edad 26), ang panliligaw ay hindi dapat sa pamamagitan ng pagbibigay ng regalo o ano pang mga materyal na bagay. Ang mga tsokolate, nasisira o nauubos. Ang bulaklak naman ay nalalanta o nalalagas. Pero yung oras na maibibigay ng manliligaw kahit gaano pa siya ka-busy, wala itong katulad.

May point naman hindi ba? Kanya-kanyang point of view yan pag dating sa panliligaw. Ako? Basta makita ko lang yung effort ng isang tao, kasama na ang tiwala at respeto, okay na ko. Siyempre di pwedeng mawala yung pagmamahal na sabi nga ni Don ay dapat pinaparamdam na.

oOoOoOoOo

Ikaw? Gusto mo rin bang mapabilang sa mga susunod pang blog posts? May topic ka bang gustong mapag-usapan? Bukas ang Ngiti Tayo Kaibigan™ para sa inyong mga mensahe at opinyon. Maraming salamat po!

 oOoOoOoOo

#PleaseLang

Matuto naman sana ang mga tao maglagay ng source o credits sa mga kinokopya online. Kahit pa gamitin niyo yan as your facebook status, ilagay niyo yung source niyo. O kaya i-tag niyo yung pangalan ng tunay na nagsulat.

Wag mang-agaw ng gawa ng iba. Or should I say, wag niyong nakawin yung gawa ng iba. Kung may gusto kayong sabihin, gumawa kayo ng sarili niyong post na makakakuha ng atensyon ng mga bumabasa. Hindi yung nag-uumapaw nga yung likes niyo, hindi naman sa inyo yung quote or post na yun.

Plagiarism yan tol!

UNANG SWELDO

Dahil unang sweldo, walang alinlangan ang pag gastos ko para sa pamilya. Minsan lang naman diba? Hindi na bale mapagastos ng malaki basta makita mo silang busog at masaya.

Masarap sa pakiramdam na ngayong may trabaho na ko (kahit na malayo sa kursong tinapos ko), kumikita na ko ng sariling pera. Hindi ko na kailangan humingi sa magulang ko. Diskarte ko na kung pano ko pagkakasyahin ang sweldo ko sa mga bayarin at pang araw-araw na gastusin.

Yung iba, ang unang sweldo ay ginagastos para sa sariling luho. Ako? Aanhin ko pa ang luho eh alam kong nasa akin na ang lahat. Imbis na sarili ko lang ang pasayahin ko, idadamay ko na yung pamilya ko.

Ang saya lang kahapon. Pero sa totoo lang, kinabahan ako ng konti nung naririnig ko yung mga order nila. Bukod sa hindi ko alam kung magkano yung mga order, ang dami pa nilang gusto. Pero okay lang. Basta nabusog at masaya sila okay na ko.

Next sweldo, tago muna sa bangko. Kailangan na mag-ipon. 🙂

20130916-071808.jpg

“KAYA MO BA YAN?”

– Tanong ng taong parang walang tiwala sa kakayahan mo.
Nakakagago diba? Sorry for the term pero nakakabwisit lang yung masabihan ng ganyan. Samahan pa ng sarcastic tone of voice habang sinasabi yan.

Nung tinanong ako ng ganyan, kahit ayokong sagutin nagawa ko pa rin dahil di ko mapigilan yung inis ko. “Kaya mo ba yan?!” Tangina lang. Nakakababa ng confidence eh. Ang yabang pa ng dating.

Ay ewan. Naiinis lang ako kaya nagpost ako agad. Kesa naman sa ipunin ko sa dibdib ko ang sama ng loob, dito ko na lang ilalabas.

Nainis ako kasi feeling ng taong ito ay napaka galing niya. Ang bilis manghusga pero di pa naman niya nakikita yung kakayahan ko. Peste lang talaga.

Tama na nga. Baka masira lang gabi ko.

ANG KONTING TULONG MULA SA ATIN AY MALAKING BAGAY NA SA KANILA

20130821-225837.jpg

Maraming pamilya pa po ang nangangailangan ng tulong. At may ilang lugar din na hanggang ngayon ay walang nakukuhang donasyon.
Sa mga gustong mamahagi ng kahit konti ay magiging malaking tulong para sa mga nasalanta. Kung wala man kayong maibibigay, sa simpleng pag-share o re-blog ng post na ito ay tulong na rin upang makarating ang mensaheng ito sa marami pang taong pwede at gustong tumulong.
Maraming salamat po!