3 SIGNS NA KAILANGAN MO NANG MAG MOVE ON


  1. Masaya siya pagkatapos ng break up. Move on na. Wag mong sayangin ang oras mo sa pagiging stalker. Bukod sa nagmumukha kang tanga, sinasaktan mo pa sarili mo. Hayaan mo na. Kung masaya siya, magpakasaya ka na lang. Move on! Marami pang iba diyan. Pahinga ka muna.
  2. May mahal na siyang iba. Wag na umasa ‘tol! Kung maghihintay ka rin lang, dun na lang sa taong mamahalin ka. Kung minahal ka niya noon at iba na ang nagmamay-ari ng puso niya ngayon, move on. Buksan mo na lang yung puso mo sa iba. Malay mo sa kakahintay mo sa kanya, may mas deserving na tao ang naghihintay sa’yo.
  3. Hindi na siya nagpaparamdam. Kahit ano pang gawin mong pagpapapansin, hindi ka niya talaga papansinin. Kung dati hindi ka niya matiis, ngayon wala na talaga siyang pakialam. Magalit ka man o hindi, hindi yan magrereply sa simpleng “hello” mo. Move on na. Baka pumuti pa ang buhok mo sa kakahintay na sana ay kamustahin ka niya. Tama na.

Mararamdaman mo naman kung kailangan mo na talaga mag move on eh. Pwedeng bigyan mo pa ng oras ang sarili mong intindihin at i-absorb lahat ng mga nangyari sa inyo bago ka tuluyang mag move on. Pero ang payo ko lang sa’yo kaibigan, wag mong pahirapan ang sarili mo. Kung nasasaktan ka, gumawa ka ng paraan para sumaya ulit. Move on! Let go! Dahil pag hinayaan mo ang sarili mo maging malungkot sa kabila ng pagiging masaya niya na wala ka, ikaw ang kawawa.

 oOoOoOoOoOoOoOoOoOoOo

Tumblr: http://ngititayokaibigan.tumblr.com

oOoOoOoOoOoOoOoOoOoOo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s