NOTES BEFORE BREAKING UP


Ito ay para sa mga taong nakipag break, makikipag break, o nawawalan na ng lakas para patagalin pa ang relasyon nila. Yun bang kahit anong pilit mong magpakatatag, kakalas at kakalas ka pa rin kasi hindi mo na kaya. Let’s say na ang post na ito ay para sa mga tulad ko – para sa mga katulad kong naging mahina para ipagpatuloy ang nasimulang relasyon.

Pagkatapos kong kumain, naisip kong mag-update ng attendance ng mga estudyante ko sa planner ko. Sa paglipat ko ng mga pahina ng planner ko, may nakita akong isang short bond paper na nakatupi at naka-ipit sa huling pahina ng planner. Dahil hindi ko matandaan kung anong nakalagay dun, binuksan ko ito at nagulat ako sa nakita ko. Sulat ko pala yun sa ex-boyfriend ko. Sinulat ko yun nung mga panahong naiisipan ko na talagang iwan siya. Sa pagbabasa ko, nakaramdam ako ng konting lungkot. Pero nagulat ako na hindi na ko sabik sa kanya tulad nung mga nakaraang buwan. Ito ang nakalagay sa papel:

“I love you but I can’t be with you.😦 It’s really hard for me to do this but it’s better to end this relationship early than ending up hurting ourselves more.

Akala ko okay lang na magkaiba tayo ng mundo. Pero habang tumatagal, narerealize ko na hindi pala okay yun. Hindi pala sapat yung mahal mo ko at mahal kita lang. Hindi tayo mabubuhay ng puro pag-ibig lang.

Sorry! Sorry kasi ngayon ko lang naisip ang mga bagay na ‘to kung kailan marami na tayong masasayang memories na ginawa. Sorry kasi nasasaktan kita ngayon. Maniwala ka man o hindi, matagal na kong nasasaktan dahil pinipilit kong maging okay pag kasama kita. Sorry talaga. Sorry kasi tulad din ako ng mga ex mo na iniwan ka. Ayokong maputol yung communication natin pero kung yun ang way mo para maka move on, wala akong magagawa.

Minahal kita, totoo yun! Dahil hindi ako mag-e-effort kung hindi. Wala akong magagawa kung magagalit ka. Bago ako magdesisyon, inisip ko na ang mga posibleng mangyari. Tatanggapin ko kung magagalit ka. Sorry!

Salamat ah? Salamat dahil minahal mo ko sa paraang alam mo. You will remind me of so many things. So many! Thanks for the fun memories. Ikaw pa lang ang lalaking nagbigay sa’kin ng masasayang araw. Sayo ko lang naramdaman mahalin ng ganito.”

Ayan. Siguro nga parte na ito ng moving on process ko. Siguro ito na yung simula para masabi kong tuluyan na kong naka move on. Hindi ko rin alam eh. Pero natapos na kong umiyak at mag-effort na mag reach out sa kanya. Napagod na kong magparamdam ulit sa kanya na namimiss ko siya kasi ayokong maging way yun para umasa siya sa akin. Ayoko na. Tama na. Nakasakit na ko ng tao kahit ayoko siyang saktan. Nakapag desisyon na rin ako at dalawang buwan na kaming hiwalay ngayon. Masaya na ko. At sana masaya rin siya sa kung ano ang buhay niya ngayong hindi na kami magkasama. 

Marami man ang manghusga dahil sa ginawa ko, wala na kong pakialam dun. Dahil alam ko sa sarili ko na may reason ako kung bakit ko ginawa yun. Wala na kong plano ipost yung dahilan ko kung bakit ako nakipag break. Ang mahalaga, mas mabuti na yung nagkasakitan kami ngayon kesa sa tumagal pa kami.

Yun lang.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s