Dahil unang sweldo, walang alinlangan ang pag gastos ko para sa pamilya. Minsan lang naman diba? Hindi na bale mapagastos ng malaki basta makita mo silang busog at masaya.
Masarap sa pakiramdam na ngayong may trabaho na ko (kahit na malayo sa kursong tinapos ko), kumikita na ko ng sariling pera. Hindi ko na kailangan humingi sa magulang ko. Diskarte ko na kung pano ko pagkakasyahin ang sweldo ko sa mga bayarin at pang araw-araw na gastusin.
Yung iba, ang unang sweldo ay ginagastos para sa sariling luho. Ako? Aanhin ko pa ang luho eh alam kong nasa akin na ang lahat. Imbis na sarili ko lang ang pasayahin ko, idadamay ko na yung pamilya ko.
Ang saya lang kahapon. Pero sa totoo lang, kinabahan ako ng konti nung naririnig ko yung mga order nila. Bukod sa hindi ko alam kung magkano yung mga order, ang dami pa nilang gusto. Pero okay lang. Basta nabusog at masaya sila okay na ko.
Next sweldo, tago muna sa bangko. Kailangan na mag-ipon. 🙂
Wow! I remember my first sahod! Hehehe.. Make sure to save for yourself ok?!
Next sweldo sure na ko na may matitira. I just spent the first for the simple happiness of my family. 🙂
I feel the same way too! kahit maubos ang pera ko basta para sa family…oklang^^
Kaysa naman maubos sa ibang bagay na lumilipas lang din naman.
Tama! Pero mahirap din minsan gastusin lahat para sa kanila. Dumarating ang araw na kakailanganin mo ng pera pero nahihiya kang humingi sa kanila.
so awkward na if ikaw naman ang hihingi after mo silang gastusan, di ba?..hahaha. but still, the happiness is priceless… and I believe na bumabalik sa atin ang blessings na yun in one way or another.^^*
Sabi nga, “It is better to give than to receive”
Exactly! 🙂