TOPIC: PANLILIGAW


Isang buwan na ang lumipas matapos akong pumili ng mga taong malalapit sa akin para ma-interview. Kinailangan ko lang talaga ng opinyon ng ibang tao para sa paksang ito.

PANLILIGAW

Maraming pwedeng maging tanong tungkol dito. Gaano katagal, paano ang proseso, gaano kahalaga, at marami pang iba. Bawat tao, may iba’t ibang pananaw tungkol sa panliligaw. May mga tao akong nakilala na hindi naniniwala sa kahalagahan ng panliligaw. Basta nagtapat ng nararamdaman, maghihintay na lang sa oo o hindi. Pag gusto mo at gusto ka rin, wala ng paligoy-ligoy pa. Wala ng ligaw-ligaw, kayo na agad. Meron naman nagsabi na sa panliligaw mo maipapakita ang tunay na halaga ng isang tao para sa’yo at kung gaano ka ka-sincere sa nararamdaman mo.

Bago ko ibigay ang sarili kong opinyon tungkol sa panliligaw, alamin muna natin ang opinyon ng dalawang taong aking nakausap tungkol sa bagay na ito.

Bilang isang lalaki, kailangan mong ibigay ang 100% ng pagmamahal at pag-aalaga sa taong gusto mong makaramdam nito. Ayon kay Don Macero (edad 21), yan ang dapat mong ipakita o iparamdam habang nanliligaw ka pa lang. Kailangan mapasaya mo siya palagi. Pag malungkot siya, gawin mo ang lahat para lang mapalitan ng ngiti ang labi niya.

Satisfied ba kayo, boys and girls? Kahit ako nabitin sa pahayag na yan. Pero dahil sa hindi ako nakuntento sa sagot niya, nagfollow-up question ako kung yun lang ba talaga ang paraan niya sa panliligaw. Sabi ni Don, oo. Kusang lumalabas yung mga paraan para maging mas masaya yung tao ngayon na kasama ka kesa nung hindi pa kayo magkakilala o magkasama.

Tumungo naman tayo sa pananaw ng isang babae. Babae na nililigawan, hindi nanliligaw. Para lang klaro ang lahat. Nililinaw ko lang.

Tayong mga babae (kasama ako, siyempre!), mas malawak ang imahinasyon natin pagdating sa panliligaw. Marami sa atin ang mga hopeless romantic. Dahil sa kakapanuod natin ng mga romantic movies, teleserye at kung ano-ano pa, hindi talaga maiwasan na humiling tayo na sana isang araw eh may manligaw sa atin na gagawin ang mga bagay na nakikita natin sa paligid.

Sabi ni Roxanne Barrios (edad 26), ang panliligaw ay hindi dapat sa pamamagitan ng pagbibigay ng regalo o ano pang mga materyal na bagay. Ang mga tsokolate, nasisira o nauubos. Ang bulaklak naman ay nalalanta o nalalagas. Pero yung oras na maibibigay ng manliligaw kahit gaano pa siya ka-busy, wala itong katulad.

May point naman hindi ba? Kanya-kanyang point of view yan pag dating sa panliligaw. Ako? Basta makita ko lang yung effort ng isang tao, kasama na ang tiwala at respeto, okay na ko. Siyempre di pwedeng mawala yung pagmamahal na sabi nga ni Don ay dapat pinaparamdam na.

oOoOoOoOo

Ikaw? Gusto mo rin bang mapabilang sa mga susunod pang blog posts? May topic ka bang gustong mapag-usapan? Bukas ang Ngiti Tayo Kaibigan™ para sa inyong mga mensahe at opinyon. Maraming salamat po!

 oOoOoOoOo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s