BREAK-UPS


It’s funny how couples end their relationships. Hindi mo alam kung ikalulungkot o ikatutuwa mo ang paghihiwalay ninyo dahil sa mga actions right after letting go. Minsan iniisip niyo na kailangan na tapusin ang lahat ng pinagsamahan niyo at kalimutan ang lahat para lang hindi na makaramdam ng sakit. After all those fun and sweet memories, biglang mapupunta sa wala lahat ng pinagsamahan niyo. Bakit ba kasi kailangan maghiwalay? Bakit nauso pa ang break-up? Ganun na lang ba ang kahihinatnan ng lahat matapos niyong aminin sa isa’t isa na nagmamahalan kayo?

Iba-iba ang dahilan ng hiwalayan. Depende rin yan sa level of maturity ng tao. May mga sitwasyon din sa buhay ng tao na nadadamay ang relasyon kaya nararapat na lang na tapusin ang lahat kahit na labag sa kalooban nito. Mahirap, masakit, nakakaloko at kung ano pang emosyon ang nararamdaman ng sinomang nakakaranas ng break-up. 

Ganito lang naman ang pinagmumulan ng paghihiwalay eh. May isang sumuko. May isang napanghinaan ng loob para ipagpatuloy o ipaglaban ang pagmamahal niya para sa isang tao. Meron din namang hindi nakatakas sa tawag ng temptasyon at piniling bitiwan ang kasalukuyang relasyon. Ang iba naman ay biglang naguluhan at lumipat na lang sa iba. Kesyo hindi na niya mahal ang ka-relasyon niya ngayon dahil may iba na siyang minamahal. Masakit hindi ba? Yun na siguro ang pinaka masakit sa lahat, ang ipagpalit ka sa iba. Siyempre hindi pahuhuli ang medyo nakakatawa at nakakainis na dahilan ng hiwalayan: immaturity.

Papaano mo malalaman kung ang dahilan ng break-up ay immaturity? Simple lang. Ang hindi pagkakaintindihan. Diyan pumapasok yung “time and effort” issues. Kulang lang talaga sa understanding kaya nahahantong sa hiwalayan. Eh kung ganyan kababaw ang dahilan ng break-up, nakakatuwa ba? Hindi diba? Actually mas madali nakaka-move on ang taong galing sa immature reasons of break-up. Kesa sa paghihiwalay dahil sa third party or any other more serious reasons. Kung ganyan lang, para na rin sinabing laro lang ang tingin sa relasyon niyo. At the first place, kung mahal mo ang tao, iintindihin mo lahat tungkol sa kaniya. Tatanggapin mo ang mga pagkukulang niya. Iisa man ang relasyon niyo, magkaibang tao pa rin kayo. May kanya-kanya kayong ginagawa at inaatupag. Isa man ang mundong ginagalawan niyo, iba pa rin ang sitwasyong dumarating sa buhay niyo. 

Hindi puro sarap at saya lang sa relasyon. Hindi pwedeng 24/7 nandiyan ang boyfriend/girlfriend mo sa tabi mo. Busy rin naman sila. Hindi lang ikaw ang priority. Kaya kung mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo pakakawalan ng dahil lang sa mababaw na dahilan. Kung seryoso ka talaga sa taong pinili mong mahalin, handa ka dapat harapin ang pagsubok. Hindi ito dapat tinatakasan. 

Kung ikaw ang nakipagbreak, panindigan mo kung anong sinabi mo. Panindigan mo yung desisyong ginawa mo. Una sa lahat, ikaw ang naka-isip makipag hiwalay. Ikaw ang unang nakasakit. Malabong paniwalaan na doble ang sakit na naramdaman mo dahil sa ginawa mo – CHOICE MO YAN! Ikaw ang sumuko, ikaw ang naglet go kaya wag kang umasa na ikaw ang hahabulin. IKAW ANG MAGHABOL! Ikaw ang nang-iwan kaya wag mong asahan na babalikan ka kung wala ka namang ginagawa.

Sa mga nasaktan at iniwanan, think of the bright side. Wag din naman masyadong magmalinis. Isipin niyo rin ang dahilan kung bakit ka iniwan. Baka naman ikaw talaga ang may kasalanan kaya hindi tumagal sa iyo ang boyfriend/girlfriend mo. Kung iniwan ka dahil sa mababaw na dahilan o hindi alam ang dahilan, cheer up! May problema lang siguro yung lalaki/babae. Ipaglaban mo kung nararapat. Pero kung matigas talaga, sorry na lang. Move on and continue life. Marami pang iba diyan.

Ang pagpasok sa relasyon ay hindi laro. Damdamin ang naka taya diyan. Hindi masusukat ang pagkalalaki o pagkababae mo sa dami ng relasyong napasukan mo. Hindi mo masusukat ang ka-gwapuhan o ang kagandahan mo dahil lang sa relasyong dumaan sa buhay mo. Wag kang magbilang ng taong lolokohin. Wag mong bilangin ang taong nananakit sa iyo. Wag pumasok sa relasyon kung makikipag hiwalay din. Masarap umibig, alagaan niyo yan. Mapag-uusapan at masosolusyonan ang lahat ng problema. Hindi yan darating sa inyo kung hindi niyo kayang ayusin. 

Kung nakaka-relate ka, mag-isip isip ka na. Will you accept your weakness and let go or will you be brave enough and hold on? It’s your choice.

6 thoughts on “BREAK-UPS

  1. maam pano po yung Family? nya? pinapili sya? ako o pamilya nya? 25 na sya at ako 27?

    to make it short. ni let go nya ako. kahit na alam namin na mahal namin ang isat isa..
    masakit po kasi wala naman po kaming ginagawang masama. nasa hustong gulang na at wala kami ni lalabag sa rules ng Dyos, parehas namin ginagalang ang isat-isa. kasal muna ganon ang usapan bago ang lahat… masakit pala pag isa tayo sa pinag pipilian , pamilya at ako. and she choose her family kasi ayaw nya raw masira relasyon nya sa parents nya, at ako eto boom.

    • Isa sa pinakamahirap na problema pag pamilya na ang pinag-uusapan. Habang binabasa ko yung comment mo, natanong ko ang sarili ko. “Kung mahal ka niya talaga, bakit di ka niya ipaglaban?”

      Hindi maiaalis sa magulang ng mga babae ang mamili ng lalaking para sa anak nila. At her age, may karapatan siyang mamili kung sino talaga ang gusto niya. Siyempre, hindi naman natin alam kung ano ang sinasabi ng pamilya niya tungkol sa relasyon niyo noon hindi ba? Ikaw, alam mo ba yung totoong dahilan kung bakit siya nakipag hiwalay sa’yo?

      Mahirap kasi kung hindi kayo open sa isa’t isa. Ang payo ko sa’yo, kung talagang siya ang mahal mo, ipagdasal mo. Walang tatalo sa galing ng panalangin. Let it go. Let God.

      Ngiti ka lang kaibigan!🙂

      • Salamat po..

        Totoo po yan, ang hirap hirap kalaban ng mga yan… ang sakit sakit…

        hindi naman po ako perpekto na tao, my mga pagkaka mali po talaga akong ginawa sa past ko,
        yun yung hindi nila matangap sakin.

        pero mula nung naging kami ng Gf ko or should we say Ex ko na pala..
        Nag bago na Buhay ko ei.
        napunta ako sa landas na Tama,
        natigil ang pag smoke ko, ang alchohol na wala na rin sa katawan ko
        dahil gusto ko maging karapat dapat sa kanya.
        nag pa convert ako sa Church nila.
        at nasasabi ko na Masaya ako sa decision ko na yun..

        pero yung past ko yung hindi nila matangap
        hindi ko alam kung ano ba problema sa mga photo ko sa FB.
        picture na mga matagal ng panahon na nang yari.

        pictures na nag iinuman nag kakantahan nag sasaya
        e mga Family gathering naman yun. Family Reunion??

        nag judge agad sila dun… yun na po ba talaga ang sukatan ng pagkatao ng isang tao ang Facebook?

        ang babaw diba maam?

        dagdag pa yung mga pictures ko na may hikaw ako. ei kay tagal ng panahon yun
        buhay pa si Dolphy at cory yata nung mga panahon na yun.
        “hindi daw ako makaka buti sa kanya”
        hindi daw ako makaka buti sa gawain nya sa Church

        kaya pina pili sya.

        ako o pamilya
        pag ako pinili nya – wala na syang matatagap na kahit ano na mang gagaling sa family nya

        tanda ko pa yung mga sinabi nya. umagang umaga.

        “Sorry Honey mahal kita pero hindi ko kayang mawala ang pamilya ko,
        kaya i leletgo na kita
        i lelet go ko na lang ang sarili kung kaligayahan para lang matahimik na sila.
        sorry….
        hindi na kita kayang ipag tangol!, mula pa nung una ayaw na nila sayo, hindi ko rin alam kung papano nila nakita yung mga pictures mo sa FB, ayaw talaga nila sayo
        sana unawain mo ako na hindi ko to gusto ito pero kailangan ko tong gawin, kailangan na nating mag hiwalay…
        sorry honey sorry talaga”

        maam yan po yung mga huling sinabi nya pag kagising ko, Goodmorning call po namin yan

        muli salamat po sa reply. salamat po talaga…

      • I really can’t imagine myself giving advices to people older than me. Pero thank you kasi isa ka sa mga taong nakaka-relate sa mga sinusulat ko.

        Going back to your issue, may mga tao talaga na nahihirapan tanggapin kung ano ang past ng isang tao. Minsan nasa isip nila na “once a gago, always a gago”. Pero for me, kaya magbago ng isang tao kung gugustuhin niya. Like you, mahal mo siya kaya nagawa mong talikuran yung mga bisyo mo. Natutuwa nga ako na nagpa-convert ka pa para sa kaniya eh. Konti na lang yung mga taong ganyan.

        I’m just hoping na sana dumating yung panahon na makilala mo yung taong talagang para sa’yo. Malay natin ma-realize ng ex mo yung ginawa niya sa’yo. Napagod siyang ipagtanggol ka? Asan ang pagmamahal dun?

        Tulad ng ex mo, babae rin ako. At iba talaga pag pamilya na yung namamagitan. Sa buhay ko, minsan na rin nilang nasilip yung mga hindi magagandang bagay sa boyfriend ko ngayon. Pero hindi solusyon ang paghihiwalay. Open ako sa boyfriend ko. Kahit alam kong masakit sa kaniya marinig yung mga sinasabi ng pamilya ko, nagiging totoo pa rin ako. Sana naging ganun yung ex mo. Hindi ko sinasabing sana pareho kami ng pag-iisip. Ang point ko lang, sana mas na-explain niya sa’yo lahat. Hindi yung ganun na lang ang ending.

        Hayaan mo, kuya. Isasama kita sa prayers ko. Alam kong nasa age ka na naghahanap ng babaeng makakasama sa buhay. Magtiwala ka kay Lord. Ipagdasal mo yung babaeng ilalaan niya sa’yo. Ipagdasal mo rin na tulungan ka Niya maging karapat dapat sa babaeng ibibigay niya.

        Ganito talaga ang buhay. Ngiti lang tayo. Magiging okay din ang lahat.🙂

      • Thank you po talaga..

        sa ngayun po eh medyo na ka-ka moveon na ko. salamat sa mga blogs na ang mga topic ei
        Breakingups..🙂
        nakaka tulong talaga yung malayang pag papahayag ng sarili at ng mga pananaw sa buhay..

        kaya maswerte parin talaga ako kasi yung iba, ang breakingups may 3rd party

        ang totoo mahal ko parin sya at sabi nya ganon rin nmn sya, kahit na sa kabila ng lahat na nangyari, masaya naman yung naging relasyon namin..

        sayang lang talaga… nakaka pang hinayang…

        kaya medyo na kaka tayo pa ako at tumatawa. kasi alam ko na pinili nya ei yung pamilya nya, at siguro kasi mahal ko din yung pamilya nya. madaming beses narin kasi ako nakapunta sa kanila, kumakain sa hapag nila kasabay sila, nag sasamba tuwing Sabado ( SEVEN DAY ADVENTIST )
        at ako galing ng IGLESIA NI CRISTO. tuloy parin sa pag convert ko sa kanila. sa ibang Church nga lang.

        hindi na ako katulad nung dati na talagang down na down.
        pag break. inum agad paka lasing.. hindi na ei. talagang binago nya ko..

        Pero may sakit parin lalo na pag simisiksik sa utak ko yung mga question na

        “Bakit hindi nya ko pinag laban.”

        >>I really can’t imagine myself giving advices to people older than

        Maam ah bata pako hahaha im turning 27 this 31 of August,

        Salamat po talaga. and sorry dito pa ako sa blog nyo napunta at nag drama. hahahaha

        salamat po nakaka tulong po kayo..🙂

        Godbless po

      • Haha! Turning 22 pa lang ako sa August.

        Anyway, okay lang yan. Mas na-aappreciate ko yung tulad mo na nag-iiwan ng comments. Malay mo, sa mga comments na iniwan mo may iba pang maka-relate.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s