HELLO PANDA


Image

Brings back my childhood memories!🙂

Isa ako sa mga batang 90’s. 

Sino bang hindi nakaka-alam sa pagkaing ito? Yun bang hindi mawawala sa listahan ng grocery ng nanay mo para maging pambaon mo sa eskwela. Isa sa pinag-aagawan ng mga kaklase mo pag recess na. Haha! Naranasan ko kasi yan nung bata pa ko. Ilalabas ko pa lang sa bag ko, nakikita ko nang naka-abang yung mga kamay ng kaklase ko sabay sabi ng “pahingi!” 

Ewan ko kung anong pumasok sa utak ko at bigla na lang ako bumili nito. Wala na siguro akong maisip baunin sa duty kaya nung nakita ko ‘to, kumuha na lang ako at diniretso sa counter. Yung feeling na parang bumalik sa’yo lahat ng masasayang ala-ala nung bata ka pa nung sinimulan mong nguyain yung unang piraso ng cookie. HAHAHAHA! Ang hirap ipaliwanag pero ganun yung naramdaman ko. 

Masasabi kong isa ito sa mga paborito kong baunin nung bata pa ako. At isa rin ako sa mga batang nanghihingi ng baon ng kaklase. Oreo, Yan-Yan, Chips Ahoy, Choco Mallows, at iba pa! Lahat yan naging laman ng lunch box ko. Naalala ko pa na pinipili ko yung naka drawing dun sa cookie bago ko kainin. HAHAHAHA! Pag ayoko yung naka drawing, ibibigay ko sa kaklase ko. Kapalit nun ay baon niya. LOL! Oh well! Ganun ako nung bata pa ko. Pag recess, para akong tanod na rumuronda sa classroom para silipin ang mga baon ng mga kaklase ko lalo na pag ayoko ng baon ko. At pag nakakita ako ng Hello Panda, syempre hihingi ako. O kaya, makikipagpalit ako ng baon. Swerte ko na lang kung gusto ng kaklase ko yung baon ko. Malas ko kung pati siya paborito rin yun. 

Ang bilis ng panahon. Dati-rati nakikipag-away pa ko para lang sa Hello Panda. Dati nakikipaghabulan pa ko sa ibang mga bata sa eskwelahan. Wala akong pakialam kung marumihan ako. Pag nadapa habang naghahabulan, iiyak. Ngayon, ilang buwan na lang matatapos na ko sa pag-aaral. Itong Hello Panda na ito, ibinabahagi ko na sa iba. Hindi na ko madalas bumili nito dahil mas kailangan kong kumain ng mas masustansyang pagkain. 

Dahil diyan, alam niyo na ang dahilan kung bakit napakalusog ko noon. HAHAHAHA! Hindi ako conscious kung gano ako kataba. Wala rin akong pakialam sa mga pagkaing pinipili ko. Basta gusto ng dila ko at para maging masaya ang tiyan ko, go lang ng go. Kain lang ng kain. Pero ngayon na mas conscious ako sa katawan, kaya ko nang tanggihan si Hello Panda. Tutal naman hindi na mawawala sa isip ko kung anong lasa niya. HAHAHAHA! Ilang taon rin akong kumain niyan kaya kahit isang piraso lang ang kainin ko ngayon ayos lang. 

Isa ito sa mga ipapakain at ipapabaon ko sa mga magiging anak ko. Kasabay ng kadaldalan ko, ikukwento ko pa sa kanila lahat ng mga ala-ala ko noong ako’y kasing edad nila. Kaya naniniwala ako na magiging “cool mom” ako in the future. HAHAHAHAHA! 

Dahil sa isang pagkain, maraming ala-ala ang nagbalik sa isipan. Isang pagkaing naging bahagi ng buhay ko na habang buhay kong dadalhin. Isa sa mga bagay na bumuo sa aking pagkatao. Naks! Lumalalim! HAHAHA! Kayo? Anong nagpapa-alala sa inyo ng inyong pagkabata?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s