HAPPY ANNIVERSARY!


ImageApat na taon na tayo mga kangitian! YEHEY! :) 

Nawala sa isip ko na January 2009 nga pala ko nagsimula magblog. Nakakatuwang maka-tanggap ng notification na nagsasabing apat na taon na kong nandito sa WordPress kahit na ang original blog site ko naman talaga ay Tumblr. Mas feel ko magpost dito sa WordPress pag may mga photos akong sinasama saka pag medyo seryoso ang topic (kahit na feeling ko lang seryoso pero hindi naman talaga). Ewan. Freestyle naman kasi talaga ang paraan ko sa pag-gawa ng mga blog posts. 

Sa apat na taon ko bilang bloggera, marami akong natutunan. Marami rin akong nakilala at lumawak pa lalo ang kaisipan ko sa mga bagay-bagay. Dahil sa mga kapwa ko bloggero’t bloggera, mas nagkakaroon ako ng ideya tungkol sa paggawa ko ng sarili kong post. Hindi ibig sabihin nun ay kinokopya ko ang mga likha nila. Hindi ganun ang ibig kong sabihin. Sa tuwing nagbabasa ako ng iba’t ibang likha ng mga tao, nakakagawa ako ng sarili kong blog na tumatalakay sa sarili kong opinyon, reaksyon, sama ng loob, at kung ano pang anik-anik sa buhay ko. 

Gumawa ako ng blog apat na taon nang nakalipas hindi para malaman ng publiko ang mga kaganapan sa buhay ko. Sa totoo lang, ang blog ko sa Tumblr ay ang tinatawag kong “online diary”. Akala ko kasi walang papansin. Pero hindi ko akalain na habang tumatagal ang blog ko at parami ng parami ang mga posts ko, may mga bumabasa pala. Kahit nga simpleng daan o bisita lang sa site ko masaya na ko eh. Pero yung nakikita mong nadadagdagan ka ng followers at nakakatanggap ka ng likes, nakakataba ng puso. Lalo na pag nakatanggap ka ng mensahe mula sa iyong mambabasa. Yun bang sasabihin nila na nagiging inspirasyon nila yung mga posts na ginagawa mo. Masarap sa pakiramdam!🙂 Dahil dun kaya lalo akong ginaganahan magsulat. 

Hindi ako consistent na blogger. Kahit i-check niyo pa yung mga dates kung kailan ako nagpopost. Dumarating rin sa akin yung pagkatamad gumawa ng isang sulatin. Minsan kasi, kahit na nakaka-isip ako ng magandang i-blog, nauunahan ako ng katamaran. Kaya umaabot ng buwan o linggo bago ako makapag-update. May ibang pinagkaka-busy-han din ako. Hobby lang ang pagiging blogger ko. Kahit na minsan naiisip ko na gusto ko rin magkaron ng sarili kong libro tulad ni Bob Ong at Marcelo Santos III. Dahil sa kanila kaya na-inspire ako magsulat ng magsulat. 

Kung papansinin niyo ang laman ng blog ko, iba-iba ang mga posts. Iba-iba ang mga temang sinusulat ko. Depende kasi yun sa mood ko. Hindi kasi ako gumagawa ng post pag di ko feel. Ewan. Minsan naman kahit na walang ka-kwenta kwenta, nilalagay ko pa rin. Ewan. Sadyang magulong nilalang lang ako. At aminado ako na magulo ako. HAHAHAHAHA! I don’t please anyone eh. I mean, hindi ako namimilit ng tao para subaybayan ang mga likha ko. Kung ayaw basahin, edi wag. Wala namang mawawala sa akin eh. Hindi ko ikakamatay kung walang bumisita sa blog ko. Ang mahalaga, nakakapaglabas ako ng mga nararamdaman ko. Yun lang. Kaya nga “personal blog” eh. Handa pa rin naman akong tumanggap ng iba’t ibang klaseng kumento. Positibo man o negatibo, natatanggap ko. Syempre naman! Iba-iba ang pananaw ng mga tao. Hindi ko pwedeng manduhan ang lahat na sumang-ayon sa mga sinasabi ko. Mahalaga sa akin ang kalayaan. 

Para sa mga magsisimula pa lang magblog, go lang! Wag niyong pigilan ang sarili niyong sumulat. Wag niyong isipin yung mga sasabihin ng iba. Pero paalala lang, wag niyong kalimutan ang iba niyo pang prayoridad. Hindi masamang magblog, ilagay niyo lang sa tamang panahon o oras. Wala namang deadline yan eh. Makakapaghintay yan. Express everything you want! Maikli man o mahaba, walang pipigil sa inyo. Go lang ng go!

Sa mga matagal na sa mundong ito, ipagpatuloy! Kahit na feeling niyo walang bumabasa sa mga posts niyo, tuloy lang! Hindi niyo alam na sa bawat salitang binibitawan niyo, may mga taong natutuwa, na-iinspire at natutulungan niyo… tulad ko.🙂

Maraming salamat!

-Ngiti Tayo Kaibigan!🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s