Archive | November 16, 2010

1×1 PICTURE

Dapat mahimbing na tulog ko ngayon eh. Naalala kong bigla yung kailangan i-submit bukas. Ay peste! Nahilo na ko sa kahahanap ng mga 1×1 pictures ko. Ang dami kasi nun. Tapos wala, di ko mahanap. Kaya nagprint na lang ako. Hay! Isang oras bago ko matapos i-edit. Pasensya na sa engot mag-edit. Haha! Upload lang ang alam ko. :p Good night!

OF ALL PEOPLE

Bakit ikaw pa ang nasama sa panaginip ko kagabi? Hindi naman kita iniisip at hindi rin kita gustong makita. Matagal na nga rin tayong di nag-uusap at nagkikita. Kaya bakit ikaw?! Anong ibig sabihin nun? Hay nako.

Ayun. Wala lang. Naalala ko lang bigla yung napanaginipan ko last night. Yung ex ko. Basta. Ang weird din kasi nung dream ko. Ang daming tao pero kilala ko naman lahat. Iba-iba nga lang yung place.

Tapos eto pa. Nung nag online ako kaninang umaga, siya agad yung nakita ko sa News feeds ng FB. Okay. Deadma. Haha! Okay. Whatevs!

BIRTHDAY WISH

Kung may gusto akong mangyari at matupad ngayong nalalapit na naman ang kaarawan ko, yun ay ang makasama at makita ko ang mga kaibigan kong matagal ko nang hindi nakakasama, nakakausap at nakikita. Yun lang, masaya na ko. 🙂

Kung may nag-iisa akong hiling at nais matupad, ngunit alam kong mahirap mangyari ay ang makasama ko LAHAT ng kaibigan ko mula elementary hanggang ngayon. Kahit sa isang buong araw lang. Pero malabo yun eh. Busy na kasi. 😐

But I’m hoping for a simple yet happy day on November 29. 🙂 Greetings lang okay na.

BACK TO PRACTICE

Dahil sa okay na yung paa ko, sumabak na ko sa kantahan kanina. Thank you, Lord! Weeks na lang kasi yung natitira bago yung concert kaya kailangan todo practice na. Walang oras ang dapat masayang. I really need to catch up. 2 weeks na kasi akong wala sa choir. Buti na lang na-master ko na yung isang song. Merong isa na kailangan ko pa talaga aralin. Hindi ko kasi talaga alam yun. Haha! At meron ding isa na okay naman. Alam ko na yung notes pero kailangan pang i-polish ng mabuti kasi kanina ko lang naumpisahan aralin yung second part. Hindi ko pa masyado memorize lahat ng notes. Although kaya ko naman i-piano yung melody, mahirap pa rin. Haha!

Okay naman yung naging practice kanina. May isang song na perfect na yung mga notes pero kulang na lang sa mastery para sa iba at kailangan na lang i-polish pa ng konti. Sa blending, maganda naman. More effort and feelings na lang. 🙂

Masaya! Masaya ako ngayong araw na ‘to dahil nakakalakad na ko ng maayos at nakapagpractice na ko ulit. Yun lang. 😀