Di ako nakakain ng lunch dahil una, late na ko nagising kanina at nagbreakfast. Tumambay ako sa bahay ng friend ko para magplano about sa lakad namin on Saturday. Puro usap ang ginawa namin. Di ko na namalayan yung oras pag kasama ko sila. No TV/DVD. Purong pag-uusap at slight tawanan lang. Di naman kasi kami kumpleto eh.
After tumambay, punta na ko agad sa church para sa choir practice. 8:15pm na ata kami nagstart. I’ve learned a new song. Kakantahin namin sa Christmas concert. Maganda pero di pa namin tapos. Ang plano ko talaga tatapusin ko yung buong practice time kasi 2 weeks na ko di nakakapagpractice at mamaya di na naman ako makaka-attend ng choir dahil sa lakad with family.
Tinawagan na ko ni mom sa cellphone at hinihintay daw ako ni papa. At narinig ko pa na nagagalit na daw. Edi fine. Umuwi na ko. Nagpaalam na ko sa kanila at iniwan yung songbook ko sa isang alto kasi wala siyang dalang piyesa. Kaya umalis ako nang hindi ko pa napapractice yung third song.
Pagdating ko sa bahay, ako na naglock ng gate. Tapos narinig ko boses ni papa. Di ko pa siya makita kasi natatakpan siya nung Christmas tree. Nung sinabit ko na yung susi, lumapit na ko sa kaniya habang patuloy ang speech niya. “Hanggang kelan ka ba sa choir? Diba sinabihan na kita na umalis na diyan?” Di ako sumagot. Lagi na lang kasi ganyan mga sinasabi niya pag nalalaman niyang wala ako sa bahay dahil sa choir.
“Ha, Nikki? Ano, di ka ba talaga aalis diyan? Di mo ba kayang iwanan yan? Kaya mo bang pagsabayin yan pati pag-aaral mo?” Naasar na ko. Malamang oo. Pipilitin ko ba sarili ko sa mga bagay na di ko kaya? “Opo. Kaya ko po. At once a week lang naman ang choir.” Yan na lang yung sinagot ko sa kaniya. Wala na siyang sinabi pa. Inalok niya ko ng cake pero tinanggihan ko.
Isa pa si mommy. Nagspeech din. Wala daw ba ko plano umuwi, echos-echos. Nagpaliwanag na naman ako. Sinabi ko na lang na kailangan ko talaga umattend ng practice dahil nga malapit na ang concert at marami pa kong dapat aralin na kanta. Dahil kung tutuusin talaga, isa pa lang yung mastered kong song. Yung isa kalahati pa lang. Yung Christmas song na kakantahin namin sa concert, ngayon ko lang narinig. Good luck naman sa’kin diba. Hindi naman ako super galing para matutunan yun in one day. Madali nga ako matuto at magmemorize ng lyrics pero iba ‘to eh. Buti sana kung puro melody lang yung part ko or solo ang gagawin ko. Choir ‘to. At kailangan ko rin pakinggan ang ibang boses para alam ko kung tama ba yung tonong kinakanta ko.
Habang nakatapat ako sa shower, tumutulo luha ko. As in umiyak talaga ko sa CR. Sa isip ko, lahat naman ng gusto nila sinusunod ko. Pati nga sa pagpili ng course sila ang sinunod ko eh. Nakikinig naman ako sa mga sinasabi nila. Sana naman yung talento ko wag na nilang ipagkait sa’kin. Ever since naman talaga music na hilig ko eh. Sa simbahan na lang ako kumakanta. Wag na nila sana kong pakialamanan pagdating sa mga bagay na gusto ko. Sa choir ko na nga lang nilalabas ang boses ko tapos pipigilan pa ko. Sobrang umiyak talaga ko. Pakiramdam ko kasi hindi nila naiintindihan yung point ko – kumanta. Yun lang naman kaligayahan ko.
Ilang beses na ko pinipigilan ni papa magchoir pero never ko siyang sinunod. Hindi ba niya napapansin na kaya hindi ko siya sinusunod kasi yun naman talaga ang gusto kong gawin at yun ang nakakapagpasaya sa’kin? May boses ako at never kong itatago yun. God gave me this voice to sharpen my talent. This is a gift from Him that’s why I have to love this. Hindi ko lang basta obligasyon ang mahalin ang boses at talento ko, matagal ko na talagang minahal ‘to. Kaya walang sinuman ang makakapigil sa’kin kumanta.