NATAKOT AKO


Isang bagong pangyayari ang naranasan ko kanina. First time.

Matagal na ko sumasakay ng fx. At sa panahon na sumasakay ako dun, wala naman masamang nangyayari. Pero kanina, akala ko hindi na ko makikita ng mga pinsan ko.

Ito ang kwento. Pagkatapos ko magpasa ng reflection paper sa school, bumalik ako sa SMF. Fx or taxi yung hinihintay ko para diretso na sa loob. Ayoko na kasi tumawid pa. Plano ko talaga bumaba sa pangalawang entrance ng mall. Ako na lang natira sa loob at nasa pinakalikod pa ko umupo. Sinabihan ko yung driver na dun nga ako bababa. Tumingin pa siya sakin at sumenyas ng oo. Aba pucha! Nakailang entrance na hindi pa niya ko binababa. Sinisigawan ko na siya na “manong, bababa na ko”.

Naluluha na ko kasi nakalabas na ng sm pero di pa rin siya pumapara. Hindi naman siya bingi dahil wala naman radyo tsaka sumisigaw na ko. Binato ko ng papel si manong. Buti na lang tinamaan ko siya. Saka siya huminto. Tangena! Inaway ko talaga yung driver kanina. Kung malapit lang ako sa kaniya talaga sapatos ko yung ipupukpok ko sa ulo niya.

Kukunin ko sana yung plate number habang nasa loob ako pero burado na. Sa sobrang kaba ko, hindi ko na nakuha nung bumaba ako.

Hay! Grabe. Maluha-luha ako kanina nung nakita ko yung mga pinsan ko. Sana hindi na maulit yun.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s