STOP SMOKING


Alam naman nating lahat kung anong pwedeng kahinatnan ng isang taong may bisyo sa paninigarilyo. Sabi nga ng iba, kada hithit mo ng isang stick ng sigarilyo ay nababawasan na ng pitong minuto ang buhay mo.

Maraming sakit ang pwedeng makuha pag nasanay ang katawan mo sa sigarilyo. Maaaring hindi ito maramdaman agad ngunit asahan na sa pagtagal ng panahon, sari-saring sakit ang pwedeng masuri. Emphysema, Chronic Obstructive Pulmonary Disease (COPD), at Lung Cancer ang ilan sa mga sakit na pwedeng makuha ng isang taong adik sa paninigarilyo.

Sa mga taong nakaka-usap ko, ang paninigarilyo ay isang paraan para maiwasan ang matinding stress at problema. Ginagawa itong paraan para magrelax. Pero hindi ba nila alam na mas matinding problema at stress ang naghihintay sa kanila pag tumagal pa ang bisyo nila sa paninigarilyo?

Bilang isang estudyanteng nars, marami na kong naging pasyente na nagkasakit ng dahil sa paninigarilyo. At ang pinaka masaklap sa lahat, kinailangan ng aking pasyenteng tanggalan ng isang baga. Oo. Tama ang nabasa ninyo. Pneumonectomy ang operasyong tawag doon.

Hindi ko naman na kailangan mag health teaching tungkol sa cigarette smoking. Bukod sa dami ng mga napapabalitang resulta ng sigarilyo, marami na ring uri ng babasahin ang matatagpuan sa internet tungkol sa bagay na ito. Nandiyan naman ang Google para matulungan kayo.

-> May duty ako kaya tamad ako magdiscuss! LOL. <-

Ang bottom line lang naman nito ay sana iwasan na ang paninigarilyo. Kung akala niyo sa matatanda lang lumalabas ang senyales ng matagal na paninigarilyo, diyan kayo nagkakamali. Dahil sa panahon ngayon, wala nang pinipiling edad ang mga pwedeng magkasakit. Parang diabetes lang ito na pati sa mga bata edad sampu ay pwede na magkaroon ng komplikasyon.

Kaya ko naisipan gumawa ng maikling sanaysay tungkol sa bagay na ito dahil nabalitaan ko kagabi na sumakabilang buhay na ang isang professor sa school. Hindi ko man siya naging professor sa kahit anong subject ko, siya naman ang isa sa naging panel ko sa thesis defense. Nakakabigla at nakakalungkot ang pangyayari. Pero noon pa ay aminado naman siya na grabe talaga ang paninigarilyo niya.

Kaya ang payo ko sa inyo mga kaibigan, tigilan niyo na yan. Kung gusto niyo pang humaba ang buhay niyo at matupad ang mga pangarap niyo, kalimutan niyo na yang bisyo niyo. Walang mabuting maidudulot sa inyo yan. Okay?

Advertisements

One thought on “STOP SMOKING

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s