POST-BIRTHDAY SURPRISE


  5rrqdi2gammuxf764rum2liueugz6jlu

Ilang araw na rin ang nakalipas matapos kong ipagdiwang ang aking kaarawan ngunit hindi pa pala natatapos ang sorpresang bumubulaga sa akin. Hindi ko inaasahan na may ganitong kaganapan kanina sa eskwelahan. Wala lang. Sakto lang ang pakirmdam ko kahit na may nararamdaman akong hindi maganda sa katawan ko. Hindi ko talaga inaasahan na may masasaksihan akong ganito pagkatapos ng aking klase.

Buong buhay ko, ngayon lang ako nakaranas ng isang surpresa mula sa mga kaibigan. Hindi ko talaga inaakala na may naghihintay palang cake at lobo sa akin.

Dahil sa may hormonal imbalance ako, iba ang awra ko ngayon. Para bang may mabigat na pinagdadaanan pero wala naman talaga. Mukha akong baliw na basag na praning na ewan. Basta ganun. Plain lang. Ewan ko rin kung bakit. Puyat? Antok? Gutom? Naaaaah! Parang hindi naman. Pero basta kakaiba ang pakiramdam ko ngayong araw na ito. Medyo hindi maganda ang timpla ng tyan ko ngayon at medyo masakit pa rin yung braso ko kaya siguro naaaburido ako.

So yun nga.

(Ang alin?!)

Ang kwento.

(Asaan?!)

LOL! HAHAHAHA! Kwento ko na nga.

Bago matapos ang ka-isa isang klase ko kanina, nagquiz muna kami. Dahil sa hindi ko gusto yung nararamdaman ko, hindi ko na-retain yung maganda kong nasimulang marka. HAHAHA! Pero okay na yun at least pasado. Pagkatapos, nagmamadaling lumabas si Kalabasa (Kim). Ang dahilan niya sa prof namin, giniginaw siya. Edi ako, deadma lang. Busy rin kasi ako sa pag fill up ng graduation form kaya hindi ko na lang siya pinansin.

Pag labas ko ng kwarto, nilagay ko muna yung mga gamit ko sa loob ng sasakyan at hinanap si Kalabasa at si Kamote (Macy). Sa canteen lang naman kasi sila tumatambay lagi pag tapos ng klase pero kanina wala sila. Kaya ang inisip ko, nakipagkita sila sa isang prof na nagkaklase. Hindi ko talaga naisip na may plano na pala silang surpresahin ako.

Hanggang sa bigla ko na lang na-aninag sa salamin ng canteen ang mga pink na lobo. Lumabas akong bigla pero hinarang ako ni Melea. Hinarang ako kung kailan alam ko na. HAHAHAHAHA! Natuwa ako at nabigla talaga ng sobra dahil may cake pa pala. Tinatanong ko sa kanilang dalawa kung papaano nila naitago sa akin yun samantalang ako ang unang dumating sa school. Kinantahan nila ako ng Happy Birthday Song at hinipan ang kandila pagtapos kong humiling. Bigla kong naalala na hindi pa nga pala ako umihip ng kandila ngayong taon.

Para hindi malimutan ang ganyang eksena, hindi siyempre mawawala ang picture taking. Kahit yan lang, masaya na ko. Masasabi kong hindi ko na-miss ang ganitong bagay.

Kaya para sa mga kaibigan kong gulay na sina Kamote at Kalabasa, kahit na hindi ko pa rin alam kung papaano niyo nagawang itago sa akin yang mga ganyan niyo, maraming salamat dahil napasaya niyo ko kahit na tapos na ang mismong birthday ko. MAHAL NA MAHAL KO KAYO.

-Patatas🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s