#5ThingsIFindAttractive


Panibagong hash tag na naman ng Twitter ang papatulan ko. HAHAHAHA! Matagal-tagal ko na ring hinayaang amagin ‘tong blog ko kaya panahon na para maglagay ng panibagong post.

Pano mo masasabing attractive ang isang tao? Ano bang ibig mong sabihin pag narinig mo ang salitang attractive? Minsan kasi diyan nagsisimula ang mga pagkakaroon ng crush at inspirasyon eh. Aminin niyo man o hindi. Lumalandi rin kayo. Lol!

May mga bagay tayong nakikita sa isang indibidwal na kuminsan ay mahirap ipaliwanag. Yun bang nagugustuhan natin sila nang hindi natin inaasahan. Iba-iba rin naman ang mga natitipuhan ng mga tao. Ang gusto ko ay pwedeng ayaw niyo. Ganun rin naman na ang mga gusto niyo ay posibleng kaayawan ko.

Narito ang limang bagay na masasabi kong pumupukaw ng atensyon ko.

  • SENSE OF HUMOR. Mababaw ang mga tawa ko, alam niyo yan. Kahit gaano pa ka-corny, tinatawanan ko. Masarap tumawa eh. Iwas negative vibes na rin. Kay click sa akin ang mga taong may sense of humor. Diyan pa lang malalaman niyo nang hindi ako mahirap paligayahin. Hahahaha!
  • FAMILY CENTERED. Gusto ko yung mga lalaking malapit sa pamilya niya. Dun ko kasi malalaman kung anong klaseng tao siya o kaya naman kung papaano siya pinalaki ng mga magulang niya. Naniniwala kasi ako na kung anong ugali mo sa loob ng bahay ay magiging ugali mo pag ikaw na mismo ang may sariling pamilya.
  • ADVENTURER. Kasi mahilig ako sa adventure. Kaya ako na-aattract sa mga tulad kong adventurer kasi alam ko na may sigurado akong mayayaya pag gusto kong magliwaliw. Hahahaha!
  • MAHILIG SA BATA. Dahil mahilig rin ako sa bata. HAHAHAHA! Cute sa mga lalaki yung mahilig sa bata. Bihira lang kasi ako makakilala ng mga lalaking mahaba ang pasensya sa mga bata eh. Yun bang nakikipaglaro sa mga bata kahit hindi niya kilala. Ganun kasi ako. Lalo na pag medyo hebigats tulad ko. LOL. Hahahaha!
  • GOD-FEARING. Mahalaga yun sa akin. Lalo na kung pipili ako ng lalaking pakikisamahan o mamahalin, yan ang una kong tinitignan. Yun bang nagsisimba tuwing Linggo. Basta ganun. Gusto ko yung malalakas yung faith kay God.

Kulang pa! Nabitin ako sa lima. LOL. Yan ang mga napili ko kasi ganyan ako. Ewan. Ganun naman talaga hindi ba? Pag nakita mo ang katangian mo sa ibang tao, lalo na sa opposite sex, dun nagsisimula yung desire mo na kilalanin siya at magustuhan siya.

Kayo? Anong mga bagay ang nakakakuha ng attensyon niyo?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s