10:00 PM ROUTINE


 October 15, 2012

Ito ang araw na sinimulan ko ang tinatawag kong 10 pm routine. Isang bagay na makakatulong sa akin para maka-move on, makapag-isip, makalimot, at tanggapin ang mga bagay na nangyari noon.

Sabi ko sa sarili ko na gagawin ko ang routine na ito sa loob ng isang buwan. Walang mintis! Kumbaga sa klase, wala akong absent. Naka-set na yung alarm ng cellphone ko tuwing 10pm para lalong di ko makalimutan.

Alam ko iniisip niyo kung ano bang ginagawa kong seremonyas pag sumasapit ang alas diyes ng gabi. Oy ah! Di ako nagpapalit ng anyo. At lalong hindi nahahati ang katawan ko. Di rin ako gumagawa ng kung anong mga ritwal. Simple lang ang akin. Nagsesend ako ng text message. Hindi ito group message. So malamang personal message ito. (Duh! Wala naman na atang iba.)

“Goodnight :*”

Same time, same message. Walang labis, walang kulang. Pag nagreply, edi magrereply din ako. Kapag hindi, edi hindi. Ganun lang ka-simple. Isang buwan kong ginawa yan. Nagsasabi ako ng goodnight tuwing sasapit ang alas diyes ng gabi. Ito kasi yung oras na libre ako. Yun bang hindi ako masyadong busy at naisisingit ko ang pagtetext. Pero kahit na minsan na natutulog ako pag-uwi ko galing eskwela, dahil sa pag-alarm ng cellphone ko hindi ko pa rin nakakalimutan magtext. Basta nakumpleto ko ang isang buwan, yun ang mahalaga.

Noong umpisa, nandun yung hope na sana kahit sa simpleng goodnight ay magreply siya. Natutuwa ako pag nagrereply siya. Siyempre nandun yung lungkot pag hindi. Pero habang tumatagal at lumilipas ang mga araw, nasanay na kong hindi siya nagrereply. Kung ano man ang dahilan niya, wala na kong pakialam.

Ewan ko ba! Hindi ko na rin maintindihan kung bakit naglaan pa rin ako ng kahit ilang segundo para sa taong hindi ko alam kung anong pakay. Basta alam ko naging parte siya ng buhay ko kahit papaano at naging masaya din naman ako sa kaniya. Okay naman kami ngayon. Nagkaka-usap minsan. Pero dahil sa 10 pm routine na ito, naisip ko na oras na talaga para mag move on. Though naka move on na ko matagal na, it’s just that this time I have to give chance to others and to myself. Hindi ko na ikukulong yung sarili ko sa taong iyon.

Ilang buwan na rin naman ang nakalipas. Naisip ko lang ang routine na ito dahil din naman sa kaniya. Ewan. Magulo siya! Puro salita na lang kaya nawawalan na rin ako ng gana. Sabi ko nga sa mga posts ko, “aanhin ko ang taong magaling lang sa salita kung may tao namang tipid nga magsalita puro naman kilos o gawa”. Kesa isara ko ang puso ko sa taong di naman ako sigurado, mas mabuti nang buksan ko ulit ito at bigyan ng pagkakataon ang ibang tao. Hindi lang para sa iba pero para sa sarili ko na rin.

Punong-puno ako ng pagmamahal sa katawan. Mahirap ibigay sa taong hindi ka naman kayang mahalin hindi ba? O yun bang minahal ka nga pero panandalian lang. Tapos biglang mag-iiwan ng mga salita pero di mo naman makitaan ng effort. Nako. Tama na. Bale ang isang buwan kong pagtetext ng goodnight ay ang chance para mapatunayan ko kung seryoso siya.

Eh wala eh. So move on na talaga.

November 15, 2012

Huling gabi na ng 10 pm routine. Nakapagtext na ko labing limang minuto na ang nakakalipas. Hindi na ko umaasa sa reply niya at hindi na rin ako magtetext ng goodnight sa kanya. Okay na kami sa ganito.🙂

Simula bukas, handa na ko bigyan ng pagkakataon ang taong ilang buwan akong hinintay at paghihintayin ko pa. LOL. HAHAHAHA! 7 or 8 months na ata siyang naghihintay sa’kin. Pero siyempre pinag-iisipan ko pa diba. Ayoko na kasi magkamali sa pagpili.

Salamat sa mga naglaan ng oras para dito kahit na hindi niyo siguro na-gets.😉

2 thoughts on “10:00 PM ROUTINE

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s