WISHLIST


16 days na lang birthday ko na. 

Ilang araw ko rin inisip kung ano yung mga gusto kong matupad ngayong taon. Dahil sa katunayan, buong buwan ng Nobyembre ay subsob ako sa pagtapos ng aking thesis. Sa totoo lang, ngayong taon lang ako nawalan ng gana magplano ng handaan. Taon-taon kasi ay nagpapaparty ako. Pero ngayon, sa hindi maipaliwanag na dahilan, tinamad na ko. Senyales na ba ito ng maturity? LOL. O sadyang graduating lang ako kaya ipagpapaliban ko muna ang matinding kasiyahan?

Kung ano man ang dahilan ko, hahayaan ko na lang na ganito. Mabilis lang naman dadaan ang birthday. Pero dahil sa ang kaarawan ng isang tao ay ang dapat na pinaka-masayang araw ng taon, hindi ko ipagkakait sa sarili ko ang maging masaya kahit na tadtad ako sa deadlines. Kaya gumawa ako ng Birthday Wishlist. Kahit dun man lang maramdaman ko na birthday ko na. LOL. Haha!

Pagmasdan niyong maigi ang larawan sa kaliwa. Yan lahat ang wish ko. Kung bibilangin niyo, 21 lahat yan (wag niyo ng bilangin dahil sinabi ko na). Hahaha! Kasama yang malaking question mark na yan sa wish ko. At yan ang bumubuo sa wishlist ko. Kung hindi ako ang mismong gumawa niyan, maiisip ko na ang malaking question mark na yan ay simbolo ng pagkawala ng ideya kung alin sa mga maliliit na litrato ang matatanggap ng may birthday. Ganun ba ang inisip niyo? LOL. (Parang wala na kong masulat ah?!!) Anyway, bago pa maging malabo ang post na ito, hayaan niyong ipaliwanag ko ang bawat litrato. Clockwise po ah, simula dun sa unang-unang maliit na litrato sa itaas na kaliwang bahagi ng buong larawan.

#21 iPhone. Dalawang taon ko na gamit ang BlackBerry <unknown unit> ko. Hahaha! Pasensya na. Hindi ko talaga alam kung anong klaseng curve itong telepono ko. Basta alam ko dalawang taon na kaming magkasama at ngayon ay medyo pumapalya na siya. Kaya hiling ko na sana iPhone na ang ipapalit sa kanya. iPhone 4s lang okay na. Haha!

#20 Planner. Gaya nga ng sinabi ko, mahilig ako magtago ng memories sa pamamagitan ng pagsusulat at pagbablog. At kung may planner man ako na nais matanggap ngayong birthday ko, yun ay ang planner mula sa Starbucks (yung kulay white ah!). HAHAHA! Never pa kasi ako nagkaroon ng planner mula sa Starbucks kahit na ilang taon akong nangongolekta ng stickers. Pinamimigay ko kasi yung mga nakukuha ko kaya sana ngayong kaarawan ko, ako naman ang mabigyan.

#19 Watch. Kung hindi lang nasira yung ka-isa isang relo ko na ginagamit sa duty, hindi ko hihilingin ‘to. Seryoso! Nagkataon lang na nasira kaya naisip ko na sana may magbigay sa akin. Kahit hindi na Ice Watch, basta magamit ko lang sa duty ko okay na. Hahaha!

#18 Havaianas. Hindi ako tulad ng ibang taong mahilig bumili ng tsinelas na mamahalin tulad ng Havaianas. Pero dahil sa nasira ng magaling kong aso yung binili ko dati, humihiling ako na sana may magbigay sa akin ng tsinelas. Haha! Kahit anong kulay o design basta size 9.🙂

#17 Lip Palette. Sabi ko nga sa inyo babaeng-babae ako. Hahaha! Isa ito sa laman ng kalandian kikay kit ko. Mas marami nga lang akong lipstick pero kasi nahihirapan akong magdala ng tatlong lipstick sa bag pag umaalis ako kaya gusto ko lip palette na lang para kahit isa lang yung dala ko, marami akong pagpipiliang kulay. Fact: lagi akong namumutla kaya kinakailangan ko lagi ng lipstick. Inaasar kasi ako na mas mukha pa akong pasyente kesa sa mga pasyente ko. Kaya mahalaga sa akin ang lipstick.

#16 Teddy Bear. Hindi basta-bastang teddy bear ah. Gusto ko yung kasing laki ko. HAHAHAHA! Oo seryoso! Human-sized teddy bear ang gusto kong matanggap. Para mas masarap ang tulog ko sa gabi. At kung sino man ang magbigay sa akin niyan, isusunod ko sa pangalan niya yung ibibigay kong pangalan dun sa bear. Hihihi!🙂 Hindi kasi ako mahilig sa stuffed toy. Pero dahil sa never pa ko nagkaroon ng malaking bear, yan ang isa sa mga hiling ko.

#15 Earrings. High school pa lang ako ay mahilig na ko mangolekta ng hikaw. Araw-araw iba-iba ang suot ko. Nahinto na nga lang ako sa ganoong bisyo ko nung nagkolehiyo na ko. Bawal kasi sa kursong nursing ang magsuot ng hikaw sa duty. Pati sa loob ng eskwelahan ay bawal na. Kaya ayun. Pero dahil sa graduating na ko, nagsisimula na ulit ako bumalik sa bisyo ko. Kaya sana madagdagan na yung mga hikaw ko.🙂

#14 Sweat Suit. For the sake of perspiring. Hahaha! Hindi na ko motivated mag-exercise ngayon dahil sa dami ng ginagawa at pagod pag duty. Kaya pag nabigyan ako nito, uumpisahan ko na ulit tumakbo ng tumakbo. Madadagdagan pa yung pawis na ilalabas ko. (Utang na loob! Bigyan niyo ko nito! Hahahaha!)

#13 Perfume. Paubos na yung pabango ko galing sa Penshoppe na iniregalo sa akin nung nakaraang pasko. Naging paborito ko yun simula nung may nagsabi na babaeng-babae yung amoy ko pag yun ang gamit ko. Ops! Teka lang. Baka iniisip niyo bakla ako ah. LOL! Hindi! Babae talaga ako. Ang ibig ko lang sabihin, sweet kasi yung amoy. Basta! Mahirap ipaliwanag.

#12 Bag. Gusto ko yung may print na piano or any musical symbol. Ewan. Wala pa kasi akong ganun eh. Pero siyempre depende sa magbibigay sa akin. Basta bag na pwede kong gamitin sa simpleng araw. Yun bang madadala ko sa mall at casual parties. Puro malalaking bag kasi ang meron ako. Duty bag ang tawag ko dun kasi kulang na lang buong cabinet ko ang dalhin ko. Konti na lang kasing laki na ng maleta. Hahaha!

#11 Shower Gel. Isang dahilan kung bakit nagtatagal ako sa loob ng banyo. Masarap maligo! Hahaha! Gusto ko yung mga sweet na amoy ng mga shower gel. Yun bang kahit hindi na ko maglotion, amoy na amoy pa rin. Haha!

#10 Star Strips. Ito yung paper strips na ginagawang star at inilalagay sa bote. Tamang libangan lang pag wala akong ginagawa. Namimiss ko na kasi gumawa ng stars eh. Nakapuno nga ako ng bote ng Chivas Regal noong high school ako kaya gusto ko ulit gumawa. Haha!

#9 Sticky notes/Note pad. Makaklimutin kasi ako kaya kailangan laging nakalista. Hindi pa sapat ang calendar sa phone at planner. Kailangan ko pa ng papel na ididikit ko sa noo ko este sa cork board ko para lagi kong naaalala yung mga bagay na dapat kong i-prioritize.

#8 Enchanted Kingdom. Hindi ko hiniling na ibigay sa akin ang buong theme park. Ang ibig ko lang sabihin ay ilibre ako ng entrance at ng pagkain. Hahahaha! Wala lang. I want to be a kid again. Nag-eenjoy pa rin ako sa rides. Kahit sino pa ang kasama ko basta go sa mga rides okay na. Haha! Nakalimutan ko na kung kailan ang naging huling punta ko pero alam ko kasama ko barkada ko nun. Ngayong taon kaya? Sinong manlilibre sa akin at sino ang makakasama ko? Hmmm.

#7 Flat shoes. Dagdag collection lang. Size 9 or 10. Kahit anong brand pwede na. Basta magiging kumportable ang paa ko okay na. Haha! Doll shoes ang lagi kong suot pag pumupunta ako ng mall at pag nagsisimba. Minsan lang ako mag heels. Depende sa mood. Pero most of the time naka flats ako.🙂

#6 iPad 3. Kung hindi man ako mabigyan ng iPhone, edi iPad na lang. Hahaha! For fast learning kasi yun. I mean pwedeng hindi ko na dalhin laptop ko sa school. Handy din kasi at pwedeng dun na ko mag-aral ng piyesa.

#5 Balloons. Gusto ko ng maraming maraming maraming balloons. Yung tipong malulunod na ko sa dami ng balloons. Hindi lang basta balloons ah, gusto ko yung may nakalagay na something sa loob. At yung something na yun ay hindi tubig or kahit anong nakakadiring pwedeng ilagay. Yun bang papel at may message para sa akin. Parang message in a bottle. Pero dahil sa balloon nga, message in a balloon ang tawag. HAHAHAHAHA!

#4 Mango Bravo. Kahit na wala akong party, gusto ko pa rin ng birthday cake. At sana Mango Bravo ng Conti’s kasi hindi masyadong matamis yun at matagal na kong hindi nakakakain nun. Ayun. HAHA!

#3 Video. Wala lang. Gusto ko lang yung feeling nung debut ko. Nanuod ako ng video presentation na ginawa ng kaibigan ko. Gusto ko ulit maranasan yun.🙂 Diskarte na lang nung taong gagawa ng video para sa akin.

#2 Letter. I love writing love letters and I miss receiving one. I want this to be personal. Sentimental kasi akong tao. Tinatago ko yung mga natatanggap kong sulat. Sa katunayan nga may box ako na punong-puno ng mga sulat sa akin simula pa noong high school ako. Lahat yun nakatago pa rin hanggang ngayon. Way na rin ito para sa mga readers ko sa blog (kung meron man). Mga readers ko na gusto akong regaluhan pero hindi alam kung papano ako bibigyan ng regalo o kung anong ireregalo, ito na yung pinaka madali sa lahat. Marami namang ways para sulatan ako eh. Nandyan ang FB, Twitter at e-mail.🙂 Hihihi!

#1 Unknown. Ito yung malaking question mark. Surprise me! I mean bahala na yung tao kung anong ibibigay niya sa akin. Maliit man o malaki, mahal man o mura, basta galing sa puso magiging masaya na ko. Yun lang naman. Basta bahala na. Basta magiging masaya ako sa araw ng birthday ko, alam kong magiging unforgettable yun.

Hindi ba halatang nagpaparinig ako? LOL. HAHAHAHA! Hindi. Wish ko lang naman. Wish nga eh! Pwedeng matupad at pwede rin namang hindi. Kung hindi man matupad ngayong birthday ko, may pasko pa naman. Hahaha! Basta, matupad man o hindi ang listahan kong yan, gagawin kong masaya ang araw ko. Magsisimba ako.🙂 Pero sa mga tutupad ng ilan sa mga hiling ko, ngayon pa lang nagpapasalamat na ko. :*

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s