MOVE ON: MAHIRAP O MADALI?


May iba’t ibang pamamaraan kung papaano malalampasan ng isang tao ang sakit na naramdaman mula sa hiwalayan. Kaniya-kaniyang diskarte na lang din yan kung papaano ka makakalimot. Ang tanong, papaano mo malalaman kung kinakailangan mo nang mag move on? Gaano kahirap ang mahirap at gaano kadali ang madali? Ating alamin.

Hindi ako batikan sa larangan ng pag-ibig ngunit alam ko sa sarili ko na naranasan ko na ang magmahal at masaktan. Sino ba namang tao ang ayaw magkaroon ng “lovelife”? Lahat tayo naghahangad niyan. Kahit na minsan tinatago natin na bitter tayo, napapansin at napapansin yun ng mga taong nasa paligid natin. Nahahalata sa bawat salitang binibitiwan natin. Ano bang magagawa natin hindi ba? Mas okay na siguro ang maging bitter kesa naman sa itago na lang natin yung sakit na naramdaman natin.

Naalala ko yung naging pasyente ko sa isang rehabilitation center. Na-confine siya sa psych ward dahil sa matinding depresyon. Habang inaalam ko ang naging sanhi ng kanyang sakit sa kaisipan, napag-alaman kong na-depress siya dahil sa kanyang ex-boyfriend. Medyo nakakatawa yung mga sagot niya sa mga tanong ko pero ramdam ko yung sakit na tinatago niya sa puso niya at hanggang sa araw na nakausap ko siya ay dinadala pa niya. Dun ko napatunayan na nakakabaliw nga ang pag-ibig.

Isang halimbawa yun ng hindi pa naka move on. Isang napakagandang halimbawa ng negatibong resulta ng hindi maka-move on. Sa pasyente kong iyon, kahit hindi ko tanungin kung naka-move on na siya, halatang nahirapan siya maka move on. Ayun tuloy ang naging epekto sa kaniya, nasiraan siya ng ulo. Ang bagay na dapat maiwasan ng lahat.

Kung ipapasok ko ang kaalaman ko (gusto ko maging psych nurse), may iba’t ibang halimbawa ng coping strategies at defense mechanism. Lahat ng tao ay may ganyan. Hindi nga lang aware ang iba sa kung papaano nila hawakan ang matinding pagsubok sa buhay nila. Sa kaso nung sinasabi kong pasyente, isa siya sa mga taong mahina ang coping skills. Pwedeng sinarili lang niya yung sakit at problema niya, nagdesisyon na mapag-isa, nag-isip ng kung anu-ano kaya umabot sa ganoon.

Pero may mga tao rin naman na hanep sa bilis maka move on. Yun bang parang walang nangyari at wala man lang bahid ng puot o galit sa katawan. Nakakabilib ‘no?! Gaya nga ng sabi ko, iba-iba ang coping strategies ng mga tao pagdating sa moving on process. Yung iba matagal bago maka move on. Yung iba naman sandali lang. Yung iba nahihirapan at yung iba nadadalian.

Ako? Depende. Pero sigurado ako na hindi ako aabot sa puntong masiraan ng ulo. Positibo akong tao kaya hanggat maaari ayoko ng stress sa katawan. Tama na sa akin ang stress na nararamdaman ko sa eskwela lalo na pag maraming requirements. Pero pag dating sa lovelife, kaya kong ibalanse lahat. Oo, masakit pag dumadating sa punto ng hiwalayan. Naisip ko, pag dinibdib ko masyado, baka matulad ako dun sa pasyenteng sinasabi ko. Kung hindi ako makakapagmove on sa tamang panahon, kawawa naman ako. Yun bang naisip ko na sarili ko lang ang pahihirapan ko kung hindi pa ko magmomove on.

Kung tatanungin niyo ko kung mahirap o madali, ang isasagot ko ay mahirap. Mahirap mag move on kung attached ka sa isang tao. Malamang! Minahal mo eh. Mababaw akong tao dahil ultimo joke, mabagal ako magmove on lalo na pag madami akong tawa. LOL! Mahirap magmove on sa totoo lang. Nagiging madali lang ang moving on process pag alam mo kung ano ang dapat mong gawin para makalimot. Ganun lang naman yun. Divert your attention. Maraming pwedeng gawin para maka move on ka. Wag pahirapan ang sarili sa kakaisip. Nakakabaliw yan! Keep yourself busy. Hindi mo mamamalayan, naka move on ka na.

Mahirap sagutin kung mahirap o madali ang pag mumove on. Depende yan sa tao kung papaano niya haharapin ang mga masasakit na bagay na dumadaan sa buhay niya. Kayo? Masasagot niyo ba?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s