LAST YEAR’S WISH


Sa pananahimik at pag-iisip, may mga ala-alang tila nagpapahiwatig. Pilit kang ibabalik sa nakaraang magkahalo ang lungkot at saya ngunit puno ng pag-asa. Kasabay ng musika at mga ilaw ay ang mga hiling na nabuo sa iyong kaisipan at patuloy na pinanghahawakan. Minsan, sa tagal ng panahon bago matupad ang iyong kahilingan, hindi mo na namamalayan na unti-unti mo na itong nakakalimutan. At isang araw, nagulat ka na lang dahil muli itong lumitaw sa iyong isipan.

Ilang araw na lang ay pasko na. Nagsimula na ang countdown. Tumutugtog na rin ang mga pamaskong awitin sa mga radyo at nakikita na ang kinang ng mga parol, nagkikislapan at tila’y sumasayaw na Christmas lights sa mga nagtataasang Christmas tree.

Ayala Triangle Symphony of Lights Show 2011

Sa pagtingin ko ng aming mga litrato sa Facebook, bigla kong naalala yung hiniling ko noong nakaraang pasko. Hindi ko alam kung bakit naalala kong bigla. Sa katunayan nga, nakalimutan ko na yung hiling na yun dahil hindi ko na masyadong iniisip. Hindi ko maipaliwanag ng husto kung bakit biglang sumagi sa isip ko yung naramdaman ko noong araw na iyon at ang mga salitang nasabi ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang mga kumikinang na ilaw sa Ayala.

Taon-taon, sinasalubong namin ang pasko dito lang sa bahay. Wala naman kasi kaming probinsyang uuwian. Noong nakaraang taon, sinalubong ko ang pasko dito sa bahay at itinuloy ang buong araw kasama ng aking mga pinsan sa Makati.

(L-R): Ninang Ayie, Kingsley, Lola Glory, Lolo Andy, Clarice, me, Kim, Tita Beng
Down: Kevin

Nagcheck-in sila sa hotel at doon na sinalubong ang pasko. Wala naman akong balak na doon na matulog pero dahil sa minsan ko lang makasama ang mga pinsan ko, pumayag na rin ako kahit na wala akong baong damit. Buti na lang ay kaliwa’t kanan ang mga malls na nakapaligid sa hotel kaya wala akong naging problema. Ayaw pa nga akong payagan ng mommy ko na maiwan dun dahil ang plano lang naman talaga ay bisitahin lang ang mga kamag-anak namin at umuwi na. Ganun lang. Pero dahil sa nag-enjoy ako kasama sila, naisipan ko na magpaiwan.

Ang highlight ng aking pasko noong 2011 ay ang Symphony of Lights sa Makati. First time ko kasi. Naglakad kami mula Ascott Hotel hanggang Ayala Triangle. Malayo pero hindi ko naramdaman ang pagod dahil kasama ko naman ang mga pinsan ko at nagdadaldalan pa kami habang naglalakad. Yung mga ninang ko at iba ko pang pinsan ay naka sasakyan. Oh diba?! Hiwa-hiwalay na lakaran lang ang peg pero iisa lang ang pupuntahan. Hahaha! Bumili pa kasi ako ng damit para may magamit man lang sa pag tulog at pag-uwi kinabukasan. LOL!

Pag dating namin, grabe ang dami ng tao. Dun namin sana plano kumain ng hapunan pero walang pwesto. Hindi na rin kami naka-upo. Tamang-tama lang na hindi pa nagsimula yung show nung dumating kami. Excited ako nung mga oras na yun. Hindi ko man kasama yung pamilya ko para manood, hiniling ko na sana sa susunod na taon (which is ngayong 2012) ay makasama ko sila. Kaming dalawa lang kasi ni Clarice yung nagpaiwan kaya pareho naming hiniling na sana sa susunod na punta namin doon ay kumpleto na kaming pamilya.

Hindi nagtagal at nagsimula na ang show. Lahat ng mga nanonood ay namangha sa mga nagniningningang mga ilaw at mga parol na umiindak sa musika. Ang galing! Parang nawala lahat ng problema ko nung mga oras na ‘yon. Nakangiti ako habang nakatingala sa mga ilaw. Napapa-WOW ako pag nagpapalit ng mga kulay at effects. Masaya! Sobrang saya.

Pero habang patapos na, bigla akong humiling. Hiling na sana matupad. Hiling na hindi mo alam kung kailan mangyayari. “Wish ko na sana sa susunod na bigyan ako ng pagkakataong bumalik dito at manuod, sana kasama ko yung lalaking magmamahal sa akin at mamahalin ko ng totoo.” 

Ayun. Ewan ko kung bakit bigla ko na lang naalala ulit ngayon. Hindi naman siguro dahil sa may nagsabi na sa akin na mahal niya ko. Ewan! Hindi ko alam. Basta ayoko magmadali.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s