PEACE OF MIND


Ito ay tungkol sa nakakabaliw, nakakatawa, nakakanerbiyos na karanasan ni Sampaguita.

Sa dami ng problemang dumating sa buhay ni Sampaguita, hindi niya na alam kung saan siya lulugar. Hindi na niya alam kung anong hakbang ang gagawin niya para lang malampasan ang suliraning bumabagabag sa kanya. Patong-patong na problema sa pamilya at sa eskwela ang naging laman ng isipan ni Sampaguita kaya naisipan niyang mag-unwind kasama ng kanyang mga kaibigan.

Tulad ni Sampaguita, masyado ring naging busy sa eskwela si Kalachuchi.. At napagkasunduan nila ni Sampaguita na pumunta sa lugar malayo sa problema. Para mas masaya, nag-imbita sila ng iba pang kabarkadang bulaklak. HAHAHAHA!

Dumating ang araw na inaasam ng bulaklak gang. Pumunta sila sa isang malawak na garden. Dahil sa dayuhan lang ang bulaklak gang sa garden at tanging si Sampaguita lang ang may kakilala, hindi siya nagdalawang isip at nakipagkita sa kakilala niyang si Campupot. Si Campupot ay matagal nang naninirahan sa garden na iyon kaya hindi siya nagdalawang isip para ipasyal si Sampaguita at ang mga kasama niyang bulaklak.

Ang bulaklak gang ay naging masaya sa garden na iyon. Sa kasiyahan, nadiligan ng masamang fertilizer si Sampaguita kung kaya’t nawala siya sa kanyang sarili. Ang bulaklak gang ay hindi nawala sa kanyang tabi para umalalay. Lalo na ang isa sa bulaklak gang na si Santan. Kahit na mas maliit si Santan kesa kay Sampaguita, hindi pa rin niya ito iniwan. Gayundin ang matalik na kaibigan niyang si Kalachuchi. Sa matinding tama sa utak ni Sampaguita, nagdesisyon na ang bulaklak gang na umuwi sa kanilang garden.

Kinabukasan, walang maalala si Sampaguita sa mga nangyari. Kaya ang bulaklak gang ang nagkwento ng lahat. Nabitin ang lahat sa pagpunta nila sa garden na iyon.

Matapos ang dalawang linggo…

Problemadong problemado pa rin si Sampaguita. Nakipagkita siya kay Kalachuchi sa isang palengke para makipagkwentuhan at sabihin ang kanyang nararamdaman. Habang kumakain sila sa Bubble Island, huminga ng malalim si Sampaguita at inilabas niya ang kanyang saloobin kay Kalachuchi. Imbis na maawa si Kalachuchi kay Sampaguita, pinagtawanan pa niya ito at sinabihang “baliw”.

Delayed ng ilang linggo si Sampaguita at kinakabahan ito na baka nagalaw siya ni Campupot. Pero sinabi ni Kalachuchi sa kanya na walang pumasok sa kwarto niya noong natutulog siya sa garden. Si Kalachuchi at Santan pa mismo ang nagbantay sa kanya. Pero sadyang hindi mapalagay si Sampaguita.

Para sa ikatatahimik ng loob ni Sampaguita, nagpasya si Kalachuchi na bumili ng pregnancy kit para mapanatag si Sampaguita. Habang kabado ang kawawang bulaklak, ang walang hiyang Kalachuchi ay tawa pa ng tawa.

PEACE OF MIND! Negative ang naging resulta ng pregnancy test ni Sampaguita. Sinabayan na niya ng tawa si Kalachuchi at napanatag.

The end.

ooooooooooo === !!! === ooooooooooo

Ang kwentong ito ay hango sa tunay na buhay. Ang mga karakter ay hindi pinangalanan at marapat na panatiliing pribado gaya ng mga lugar.

2 thoughts on “PEACE OF MIND

  1. gabda po talaga ng kwento alam ko maraming makakarelate nito sana naman wag natin e daan sa ganyang mga gawain ang ating mga problema hindi naman kasiyan nakaka.alis kundi nakaka dag-dag lang hehehehe ganda talaga

    • Salamat sa pag comment.🙂

      May mga bagay talagang nagagawa ang tao na kuminsan akala natin tama sa umpisa. Pero pag dating sa huli, maiisip natin na hindi pala ito tama.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s