ANY OF THE TWO, PLEASE?


23 days na lang araw ko na.

Still no plans. Puro ganito na lang ang idadaldal ko habang countdown. Everyday may naiisip akong gustong matanggap. Kahapon gusto ko ng bagong phone. Tapos bigla kong naisip na meron pa kong ibang gusto. HAHAHA!

#23: BELLE DE JOUR/STARBUCKS 2013 PLANNER.

BDJ 2013

Nagsimula ako gumamit ng planner nung tumungtong ako ng kolehiyo. Naisip ko kasi na hindi pa sapat ang pagiging bloggera ko para itala lahat ng mga masasayang pangyayaring nagaganap sa buhay ko na ayaw kong makalimutan.

Taong 2010 ko nalaman ang tungkol sa Belle de Jour Power Planner. Dahil sa babaeng babae ako (pepektusan ko ang magsabing hindi lol), natuwa ako sa planner na ito. Mahilig ako magshopping kaya swak na swak sa akin ito. May mga coupon kasi sa loob na pwedeng gamitin bilang discounts sa mga piling stores.

Ginagawa ko rin kasing diary ang mga planner ko. Minsan ginagawa ko pang scrapbook. Yung tipong ultimo ticket ng bus na sinakyan ko dinidikit ko. Haha! Lalo na pag first time kong bumyahe sa araw na iyon, dinidikit ko talaga sa planner ko. Pati ticket ng sinehan at kung ano pang sumisimbolo sa araw na iyon. I don’t want to miss a single fun memory of me with the people close to me. Yung mga bagay na hindi ko nailalagay sa blog ko, paniguradong mahahanap niyo sa planner ko.

Ayan ah. Alam niyo na. Pag walang update sa blog ko, nasa planner ko na. Hahaha! Mga bagay na hindi ko kayang ipabasa sa mga tao, nasa planner ko lang. Ayun.

Tulad ng BDJ, taon-taon ay may bagong design ang Starbucks Planner. Hindi ko gusto yung design this year kaya hindi ako nangolekta ng stickers last year. Pero yung design next year nagustuhan ko (especially the white one). Ang goal ko talaga everytime na mangongolekta ako ng stickers, bago mag January 1 dapat nakakuha na ko ng planner. Siyempre! Hindi ako bumibili ng planner sa kalagitnaan ng taon.

Starbucks Planner 2013

Naalala ko yung planner 2 years ago ata yun. Ang aga kong nakumpleto yung mga stickers. Araw-araw talaga bumibili ako at nagpapatulong pa ko sa mga kaibigan ko para lang makakuha agad ng planner. Hindi nga ako nabigo. December 17 pa lang nakuha ko na yung planner. Pero dahil nga sa loyal ako sa BDJ at gustong-gusto rin ng pinsan ko yung planner na yun, binigay ko na lang sa kanya. Naka ilang sticker cards din akong napuno pero ni-isang planner ng starbucks walang napunta sa akin.

Kaya ang wish ko ngayong birthday ko, sana may mangolekta ng stickers para sa akin kasi nagtitipid ako ngayon. Saka di ko feel uminom ng kape or ng kahit ano galing sa Starbucks.

Kaya sa mga makakabasa nito at magpapasyang regaluhan ako ng kahit na aling planner, MARAMING SALAMAT! Hahahaha! Yung white na Starbucks planner yung gusto ko ah. Hihihi!šŸ™‚ Tapos kung hindi niyo alam kung san pwede makabili nung BDJ planner, sa Powerbooks po meron. Bihira lang kasi ako makakita sa National Book Store eh. HIHIHI!

Lol. Talagang sinagad na sa hiling eh noh. Bastaaaaaaa!

Anyway, wish naman ‘to eh. Pwedeng matupad, pwede ring hindi. Pero sana matupad.šŸ˜€

Kahapon nag-GM ako na sana may mangolekta ng stickers para sa akin. Sa dami ng tinext ko isa lang ang nagreply. Sana yung nagreply na yun i-grant ang wish ko. Hohoho!

Wala lang.

2 thoughts on “ANY OF THE TWO, PLEASE?

  1. naku hindi kita mabibigyan pero sana may magbigay sa iyo ng iba at yung taong hindi mo ini-expect na magbibigay sa iyo para cool!

    ako rin ma-planner pero hindi nga lang yung mamahalin. in fact nitong 2012 ako mismo ang gumawa ng sarili kong planner out of scrap materials na mayroon ako . iba rin kasi ang may planner like ng sinabi mo parang nandoon na ang lahat na puwedeng mag-record ng mga pangyayari sa buhay mo. may gusto akong bilhin na planner last year kasi limited ang stock ata so walang nangyari kaya na-motivate ako na lang gumawa, out buwisit. hehehe

    advance happy birthday!

    • Oo nga eh. Sana may magbigay. Salamat sa maagang pagbati.šŸ˜€ Hilig ko rin gumawa ng sarili kong journal dati. Pero dahil sa gipit sa oras at effort din, bumibili na lang ako.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s