HELLO, FOLLOWERS!


Hindi porket nakilala mo online ay manloloko na. May mga taong ikinagagalak kang makilala dahil sa hindi malamang dahilan at hindi mo namamalayang ang mga taong ito sa likod ng computer ay may malaking impact sa buhay mo. Malay mo, sa pagkakakilala nila sa’yo ay may naitulong ka ring maganda para sa kanila.

 Para sa mga followers ko sa Twitter, Tumblr, WordPress, at sa mga naglike ng Facebook Page ko:

MARAMING SALAMAT!🙂

Hindi ko na alam kung pang-ilang blog post na ito para ipahayag ko ang taos puso kong pasasalamat sa inyo. Lalo na sa mga taong hindi naman ako kilala personally pero naglalaan ng oras para basahin ang kadaldalan ko sa blog sites ko. May iba pang nakikipagdaldalan sa akin sa Twitter kahit hindi naman talaga kami close sa totoong buhay. Ganunpaman, nais kong sabihin sa inyong lahat na napapasaya niyo ako sa tuwing nakakakita ako ng mensahe galing sa inyo. Seryoso! Mababaw lang ang kaligayahan ko at nagpapasalamat ako ng sobra-sobra dahil kahit na pagod ako o wala sa mood, nagagawa kong ngumiti dahil sa inyo. Maraming salamat po talaga.

Lingid sa inyong kaalaman ang ngiting lumalabas sa aking mukha kapag nakakakita ako ng bagong FB like at follower. Kung kaya ko lang kayo isa-isahin para pasalamatan, ginawa ko na. Kinikilig ako pag nakakabasa ako ng comment sa mga gawa kong post. Kahit gaano pa kaikli yun, masaya na ko. Kapag nalalagyan ng star ang mga tweets ko, kumpleto na ang araw ko sa Twitter. Mababaw man ito para sa iba (aminado naman ako), hindi mapapantayan ng saya ang nararamdaman ko. Dagdag tuwa pa kapag nakikita kong naka RT ang tweets ko.

Alam kong hindi ako tulad ng ibang blogera/blogerong nag-uumapaw sa libo-libong taga suporta. Masaya na ko sa pa-isa isang likes o comments. Hindi rin ganun ka-“catchy” ang iba kong post at karamihan pa ay tungkol lang sa personal kong karanasan at mga kung anong anik anik sa buhay ko pero binibigyan niyo pa rin ng oras para basahin. Maikli man o mahaba binibigyan niyo pa rin ng oras. Dun pa lang natutuwa na ko dahil ang buong akala ko, gumawa ako ng blog para sa sarili ko lang. Hindi ko lubos maisip na darating ang panahong ang mga kwento o opinyon ko pala ay babasahin ng iba. Sa totoo lang, kayo ang nagiging inspirasyon ko para ipagpatuloy ang nasimulan ko sa mundo ng pagba-blog.

Sa inyong lahat, muli, maraming salamat! Ngayon ay masasabi kong kayong lahat ay ganap kong KANGITIAN.🙂 Wag kalimutang ngumiti at magbigay ngiti sa iba. Ngiti lang tayo mga kaibigan!

Nagmamahal,

Anna Dominique “Nikki” Reyes, ang babae sa likod ng Ngiti Tayo Kaibigan™

P.S

Hindi ako magsasawang kausapin kayo.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s