HALLOWEEN 2012


October 31, 2012

Matapos ang ilang taong pagpaplano, sa wakas! Natuloy rin ang inaasam na Halloween Costume Party ng Guerrier. 

Taon-taon ay may sembreak party ang barkada. Kung hindi man party na maituturing, tamang tambay lang, masaya na kami. Pero sa ilang taon naming pagsasama, ang gabing iyon ang hindi malilimutan. Hindi man kami kumpleto, naging masaya pa rin kami kahit papaano.

Minsan lang ang ganitong kaganapan kaya tinodo na. Career kung career ang mga costumes ng mga “hindi KJ”. HAHAHA! Nakakatuwa dahil lahat kami excited sa kung anong magiging itsura ng bawat isa.

Mga pinsan ko yung kasama ko sa pinalakihang larawan sa ibabang kanan. Halatang pinaghandaan namin ang party. Habang nag-aayos kami, pinag-uusapan na namin yung makukuhang cash prize kung sakaling isa sa amin ang magwawagi. HAHAHA!

Usual party lang din naman, kainan, tugtugan, kwentuhan at tawanan. Hindi rin mawawala ang inuman. Dagdag nga lang ang costume na nagbigay ng mas masayang pagsasama-sama. Saktong saya lang para sa akin.

May di inaasahang pagkakataon lang kaya medyo hindi naging maganda ang timpla ko nung gabing iyon. Kaya salamat sa mga ka-text ko at kahit papaano lumuwag ang loob ko. Kahit na inaasar ako na “text ng text” habang nasa party. HAHAHA!

Yung mga “KJ” na hindi nagcostume, sila yung naging in-charge sa games. Games na sinusumpa ko ang consequence. HAHAHAHA! LOL. Hindi na kasi ako pala-inom (ows?!) masyado. Or, iinom lang ako pag nasa mood. Kaya matapos ng ilang games, sumunod na ang botohan para sa “Best in Costume”. Gusto niyo malaman kung sino nagwagi sa best in costume? HAHAHA! Isipin niyo na lang rumarampa ang mga nakatanggap ng boto. Yung top 3 na lang yung ilalagay ko dahil nakalimutan ko na yung order ng mga boto. HAHAHA!

3rd Place “IAN THE REAPER”

Last minute binili yung costume niya. At hindi pa siya kasama nun para man lang pumili kung anong gusto niya.

2nd Place “NIKKI THE BUTTERFLY”

And the second place belongs to yours truly. HAHAHA! Please don’t mind my BIG arm. >.< Hindi ba ako mukhang butterfly? Lagi kasing sinasabi na fairy daw ako.😐

1st Place “CLARICE THE PUMPKIN”

Actually pumkin-angel daw siya kasi may pakpak. Dami kong tawa sa pumkin-angel niya. Okay naman ang pumkin lang diba? Nevertheless, siya pa rin ang nanalo.

Hahaha! Sa bahay pa lang nagtatalo na kami ni Cla kung sino sa amin ang mananalo. Sa huli rin pala kami ang maglalaban. Haha! Okay lang kahit di manalo, as long as may bumoto, masaya na ko dun. Ang mahalaga naging masaya kaming lahat.🙂

After ng ilang rounds ng game, nakaramdam na ko ng antok. Hahaha! Inalis ko na yung pakpak na suot ko pati yung headband ko. Tanging wig na lang ang natira nung nakitulog ako saglit. Haha! Actually tumakas lang ako para hindi na ako makasali sa “shot”. Ayun. Tamang nagpapatanggal din ng amats yung pinsan ko kaya 2am na kami umuwi.

Next year kaya, may costume party pa ba?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s