ISANG DAAN (#100ThingsAboutMe)


Trending eh! Alam kong dagdag tweets pag inisa-isa ko ang mga bagay tungkol sa akin. Kaya lang mas maganda kung lahatin ko na at ilagay ko na lang sa blog ko. Bukod sa mas madali at hindi masyadong aksayado sa oras, bawas perwisyo pa sa mga followers ko. Baka kasi minumura na nila ko dahil sa pagsabog ng timeline nila. LOL. HAHAHA! Kaya dito na lang.

Sige na nga. Sisimulan ko na.

  1. Mahilig ako mag-isip. Tungkol sa mga bagay na pwedeng mangyari sa buhay ko. Sa mga taong pumapaligid sa akin, sa mga taong nakikilala ko at nagiging parte ng buhay ko. Yung posibleng maging trabaho ko pag naka-graduate ako. Lahat! Lahat iniisip ko. Pati kung papaano nag-uusap ang mga hayop at insekto iniisip ko rin. Ang mga nakaraan, pangkasalukuyan at hinaharap ay iniisip ko.
  2. Masungit ako. Depende sa mga taong kaharap at kausap ko. Minsan ginagamit ko ang kasungitan ko pag mag-isa lang akong lumalakad. Sa panahon ngayon, maraming gago sa paligid. Di ako pwedeng magmukhang mabait dahil baka kung anong mangyari sa akin. Dapat laging palaban. Haha! Masungit din ako sa mga taong makukulit na nakakainis. Kasi diba may makukulit naman na nakakatuwa. Pero pag nakakainis, nagsusungit ako. Pag pagod ako at puno ng problema, lumalabas ang kasungitan ko. Ayun. Basta, masungit ako sa paningin ng karamihan. Aminado naman ako pero mas maganda kung kikilalanin ako ng lubos.
  3. Tamad na masipag. Labo ‘no? Hahaha! Tamad ako sa mga bagay na ayokong gawin pero dapat kong gawin. Yun bang napilitan lang. Tamad na tamad ako pag dating diyan. Pero lumalabas ang kasipagan ko depende sa mood at lalo na pag interesado akong gawin ang isang bagay. So kung wala akong interes, tamad ako. Pero pag medyo nasa mood ako, ayan. Lumalabas ang kasipagan ko.
  4. Certified lakwatchera. Oo. May pera man o wala, gala ako. Hindi lang ako mapirmi sa bahay kuminsan kaya gusto ko laging umaalis. Kahit maglakad lang sa buong subdivision okay na sa’kin. Tambay sa kung saan kasama ang mga kaibigan, masaya na ko dun. Hindi ako tatagal ng isang linggo na nasa bahay lang. Gusto ko umaalis kasi pakiramdam ko mababaliw ako pag nasa bahay lang. Pero siyempre pag wala sa mood o kaya may sakit, nasa bahay lang ako.
  5. Sociable. Ako yung tipo ng tao na hindi mahirap makisama sa iba. Kung yung iba nahihirapan akong pakisamahan, ako, kaya ko maging flexible sa kahit na sinong tao. Masungit man ako sa paningin ng karamihan, basta once na i-approach ako, namamansin naman ako. Hindi ako yung tipo ng tao na “pasikat”. Basta hindi ako namimili ng taong pakikisamahan. Kahit anong estado sa buhay ng tao, kaya kong pakisamahan.
  6. Procrastinator. I don’t do things at once. Depende na lang pag sinipag. Pero mas mahilig ako magcram. Kahit sa pag-aaral. Feeling ko lumalabas ang talino ko pag biglaan eh. Hahaha! Ewan ko kung bakit pero ganito talaga ako.
  7. Pink lover. Since birth! Nagkaroon din naman ako ng ibang gustong kulay pero napaka dominant ng pink sa akin. Diba? Para babaeng-babae! Hanggang ngayon in love na in love pa din ako sa pink.
  8. Only child. Kung tatanungin niyo ko kung anong pakiramdam, sakto lang. Hindi malungkot at hindi rin naman masaya. Tama lang. Minsan malungkot pero kadalasan masaya. Marami naman akong pinsan at kaibigang tinuturing na kapatid kaya masaya na ko.
  9. Creative. Gusto ko ng art. Dahil diyan kaya minsan ako taga-gawa ng project ng mga pinsan ko. Hahaha! Yun bang artworks. Gusto ko nagdedecorate or nagdedesign. Pero hindi kasama sa pagiging creative ko ang drawing. Di ako marunong magdrawing ng maganda. HAHAHA!
  10. Tahimik na maingay. Malabo number two. HAHAHA! Tahimik ako pag hindi ko pa masyadong close yung kasama ko. Pero pag close ko na, hindi ako nauubusan ng kwento.
  11. Secret keeper. Pag sinabing secret, hindi ko talaga pinapakawalan. Kahit na sa ka-close ko pa, hindi ako nagsasabi ng lihim sa iba.
  12. Makakalimutin. Kaya masarap ako pagsabihan ng sikreto kasi nalilimutan ko rin agad. Para akong si Dory ng Finding Nemo. Pero mas malala naman yung kay Dory. HAHAHA! Sakin tama lang. Ewan. Mahirap na magpaliwanag.
  13. Matandain. Hahaha! Contradicting sa #12 ‘no?! Matandain ako sa mga dates lalo na pag dating sa birthdays and anniversaries. Pati yung mga first meetings and others. Natatandaan ko rin yung mga pangyayari years ago. Kaya ko pa i-kwento mga karanasan ko nung 4 years old pa ko. Hahaha! Basta ganun.
  14. Non-smoker. Proudly speaking! Never tried and will never try. Ayoko ng usok. Saka gusto kong mabuhay ng matagal kaya kahit kailan, hinding-hindi ako maninigarilyo.
  15. Party animal. I love parties. Mapa-children’s party pa yan o tamang inuman sa bar hindi ko pinapalampas. Kasi nga diba, certified lakwatchera. LOL. HAHAHA!
  16. Childish. Hindi naman madalas pero minsan tinotopak ako ng pagka-isip bata lalo na pag naglalambing.
  17. Mature. Hindi habang panahon puro joke. Marunong din ako magseryoso. At sa tuwing seryoso ang sitwasyon, lumalabas ang pagka mature ko. Lalo na pag dating sa pagbibigay ng advice sa kaibigang problemado, ayun.
  18. Earrings collector. Every week inaabangan ng mga tao sa choir kung anong hikaw ang suot ko. LOL. HAHAHA! High school pa ko nung simula akong mahilig sa mga hikaw. Ewan ko kung bakit. Hindi kumpleto ang araw ng gala ko pag hindi ako nakahikaw. Pero siyempre pag oras ng klase o ng duty, no earrings allowed!
  19. Moody. Minsan euphoric ako tapos biglang magsuswitch sa pagiging malungkot. Minsan naman sobrang lungkot ko, maya-maya lang hyper na ko. Depende din kasi yan sa mga iniisip ko.
  20. Pianist. Hindi nga lang ako nagbabasa ng nota. Chords lang ang alam ko. Nagbabasa lang ako ng nota pag nag-aaral ng kanta. Pero ang para tugtugin, bigyan niyo ko ng ilang buwan bago ko mamaster yung buong piyesa.
  21. Text addict. Once na may magtext, reply ako agad. Kahit ilan pa yan, di ko uurungan. Basta ba may sense ang pinag-uusapan. Kung walang sense ang pinag-uusapan pero nirereplyan ko pa rin, isa lang ibig sabihin nun. Espesyal yung taong ka-text ko.
  22. Secretive. May pagka-weird at mysterious ako. Aminado ako! May mga bagay lang kasi na ayokong ilabas. Yun bang ayoko i-share sa kahit na sino. Sasarilihin ko lang lalo na pag problema. Pero once na hindi ko na kinaya, saka ako magsasabi sa piling tao.
  23. Mataba ako. Di ko na ‘to kailangan ipaliwanag. HAHAHA! Bata pa ko mataba na ko so what do you expect? LOL.
  24. Madaldal. Na-awardan na ko ng “Most Talkative” nung elementary ako. Hahaha! Sabi ko nga, hindi ako nauubusan ng kwento lalo na pag sa mga taong ka-close ko.
  25. Matampuhin. Hindi halata pero oo. Kailangan ko ng paliwanag bago mawala ang tampo ko. Hindi ko pinapaalam na nagtatampo ako kasi nahahalata naman ako pag ganun.
  26. Hindi mapagtanim ng galit. Naiinis ako pero nawawala rin naman lahat. Once lang ako nagalit at ayoko na maulit yun. Pag galit ako, ipaparamdam ko na galit talaga ako. Ayoko ng bigla na lang kitang hindi papansinin ng wala kang alam. Ipapaalam ko pag galit ako.
  27. Takot sa butiki. Lalo na yung malaki at yung naka tingin sa akin. HAHAHA! Basta takot ako. Parang nakakadiri lang sila tingnan kaya ayoko sa kanila.
  28. Ayoko sa ahas. Literal man o hindi, ayoko sa ahas. LOL. HAHAHAHA! Ahas na hayop, takot ako dun. May phobia ako sa mga ahas. Yun namang mga taong ahas (you know what I mean), kinaiinisan ko yan. Nakakapang-init ng ulo yang mga yan.
  29. Loyal. Pag sinabi kong “kaibigan kita”, kaibigan talaga kita at kaibigan mo ako. Pag sinabi kong “ikaw lang”, maniwala ka dahil totoong ikaw lang. Lalo na pag sinabi kong “mahal kita”. Panghawakan mo yun dahil hindi ako marunong mangaliwa.
  30. Cute na selosa. I get jealous without people noticing. Magaling lang ako magtago. Ang hirap ipaliwanag nito grabe! HAHAHA! Basta. Pero ang pagiging selosa ko ay nasa lugar. Hindi ako tulad ng iba na mahilig pagdudahan ang ka-relasyon. Hello?! Kaya nga nauso ang “tiwala”.
  31. Mababaw ang kaligayahan. Masarap tumawa! Kaya kahit na gaano pa ka-corny ang joke, tinatawanan ko. Ewan ko kung bakit. Kaya benta sa akin kahit local comedy movies. Saka kahit na sa maliit na bagay nagiging masaya ako.
  32. Pinangarap maging magtataho. Eh gusto ko lang magscoop ng taho. HAHAHAHA! Yun lang. LOL.
  33. Bibo kid. I have a crazy mind. Hyper din ako most of the time. Kumbaga sa energy level, nasa high ako. HAHAHAHA!
  34. Dreamer. Sa dami ng iniisip ko, hindi pwedeng mawala ang mga bagay na pinapangarap ko. Masarap isipin ang mga bagay na napapanuod ko lang sa telebisyon ay gusto kong maisakatuparan sa totoong buhay. Maaari mang mangyari o hindi, wala namang masama mangarap.
  35. Risk taker. Ayoko kasing pinapasakit ang ulo ko sa mga tanong na hindi masagot. Sabi nga nila, papaano mo malalaman kung hindi mo itatanong. Yun bang pano mo masasabing bigo ka sa isang bagay kung hindi mo pa sinusubukan. Ganun lang. Ako, kahit na may pagdadalawang-isip o natatakot, go go go lang. Basta inihahanda ko muna ang sarili ko sa mga posibleng mangyari.
  36. Singer. Bata pa ko mahilig na ko kumanta. Hanggang ngayon hindi na ko iniwan ng musika. Lagi ako naiimbitahan kumanta sa mga programs o events.
  37. Frustrated ballerina. Nagballet ako nung bata pa ko. Dahil nga sa sagana ako sa timbang, hindi ko na itinuloy. Kaya natutuwa ako manuod ng mga recital.
  38. Pikon. Lalo na sa games. LOL. HAHAHAHA! Mga video games to be exact. Lalo na pag 2-players. Pag medyo napaparami na ang pagka-talo ko, ayoko na maglaro. HAHAHA!
  39. Hindi marunong magbike. Okay. Ako na loser. May bike ako dati, yung may maliit na gulong sa gilid. Tinuruan ako ng yaya ko dati magbike pero hindi talaga ako natuto.
  40. Loyal globe user. Simula nung magkacellphone ako, globe na ako. HAHAHA! Grade 2 pa ko nun. Ngayon ga-graduate na ko. So isipin niyo kung gano katagal yun. LOL1
  41. Kikay. In my own way. Hindi ako nawawalan ng lipstick at face powder sa bag. Okay lang sa akin walang blush-on pero di pwedeng walang lipstick. HAHAHA! Maputla kasi ako kaya hindi ako pwedeng mawalan ng lipstick.
  42. Online chatter. Hindi man sang-ayon ang iba, pwes kanya-kanyang pananaw, dahilan at opinyon yan. Masama bang makipagkilala online? Buntot mo hila mo. Kung magpapaloko ka sa mga taong nakakasalamuha mo sa internet, problema mo na yun.
  43. Future nurse. Isang sem na lang, graduate na ko. Hindi biro ang pinagdaanan ko sa kursong nursing. Sa ngayon, student nurse. Hindi pa ganap na nurse. Pero pag naipasa ko ang board exam, isisigaw ko sa mundo na “RN NA AKO!”
  44. Adventurer. Gusto ko ng mga kakaibang outdoor experience. Ayokong matakot kasi pag puro takot ang pina-iral ko sa buhay, hindi ako mag-eenjoy. Try lang ng try. Pag nagustuhan, ulitin ulit. Pag nasaktan, tigil na. Life is beautiful!
  45. Traveler. Hindi ako magiging certified lakwatchera kung hindi ako traveler. Gusto ko ng mga long drive. I wanna go somewhere far from home. Sa ganung paraan, nakakapag-unwind ako. Paraan lang para makalimutan ang mga problemang dinadala.
  46. Ma-drama. Parang di ko alam kung papaano ko ito ipapaliwanag. LOL. Pwedeng basahin niyo na lang blog posts ko? LOL. HAHAHA!
  47. Burara. That’s my way of organizing. LOL. HAHAHAHA! Basta pag may nakita akong pwedeng pagpatungan ng gamit, magpapatong ako dun. Kung san-san ko nilalagay mga gamit ko kaya pag may hinanap ako, madalas di ko nakikita. Kasi nga diba makakalimutin ako. HAHAHA!
  48. I love shoes. Naniniwala kasi ako na kahit simple ang damit mo, nagiging elegante pag nagsuot ka ng magandang sapatos. Ewan ko. Gusto ko kasi na yung sapatos ko ang nagsa-standout sa porma ko lalo na pag simple lang ang damit ko. Pag nasa formal event ako, I prefer wearing heeled shoes. Kasi napagkaitan ako ng height kaya kahit dun man lang tumangkad ako. Pag casual lang, I wear flats. Basta magandang sapatos, gusto ko yun.
  49. Blogger. Need I say more? LOL! HAHAHA! Ang madaldal ay hindi nakakatagal ng walang kinakausap. Pag dumating sa puntong wala akong maka-usap, buksan ang laptop at kausapin ang blog. Ganun lang ka-simple yun. HAHA!
  50. Mahilig sa bata. Naging bata rin ako at naranasan ko ang kahiligan ng mga tao. (NAKS!) Hahahaha! Hindi naman sa pagmamayabang pero cute kasi ako nung bata pa ko. Hindi ko nga alam kung anong nangyari ngayon eh. LOL. Basta mahilig ako sa bata at magaling akong mambola ng bata (lalo na pag pasyente).
  51. Hopeless romantic. Ata? Basta! I’m in love with love. Masarap makinig sa love stories ng iba habang iniisip mo yung sarili mong love story kahit ang totoo, nasa utak mo lang talaga. >.<
  52. Dog lover. Masarap sa pakiramdam yung may sasalubong sa’yo sa gate ng bahay pag nalaman niya na nakauwi ka na. Yung sasampa sa’yo para magpapansin pag gusto niya makipaglaro at makipagkulitan. Oh I love my dog, Hugo.πŸ™‚
  53. Manhid. Di ko kasi alam kung may nagpaparamdam (nanliligaw) hanggat hindi mismo sinasabi. LOL. Ayoko kasi mag-assume. Ayoko masaktan kaya mainam na yung manhid ako. HAHAHA!
  54. Straightforward. Ayoko sa mga taong plastik kasi hindi ako plastik. Kaya ko makipagplastikan pero hanggat maaari, mas gugustuhin ko pang magsalita kesa manahimik. Pag ayoko sa’yo, ipapaalam ko. Isa sa katangian kong kinaiinisan ng marami. Oh well, I don’t please people. I have my reasons.
  55. Marunong makuntento. Hindi ako “What Nikki wants, Nikki gets”. A big NO! Sabi nga sa pelikula, hindi lahat ng gusto mo makukuha mo. Bata pa ko namulat na ko sa ganun kaya nadadala ko hanggang ngayon.
  56. I forgive, but never forget. Kaya ko magpatawad pero hindi ko kayang makalimot. Oo nga makakalimutin ako pero hindi sa eksenang sinaktan ako. Malaking impact yun eh. Mahirap man ibalik ang tiwala, at least nagpatawad ako. Nagpatawad ng hindi napilitan.
  57. Vain. Once na mahawakan ko ang camera, asahan niyo puro mukha ko ang nandun. Pero pag kasama ang mga kaibigan, ayokong ako ang photographer. Kasi kung sinong may hawak ng camera, siya parati ang wala sa picture. HAHAHAHA!
  58. Fighter. Oy ah! Hindi ako basagulera! Baka mamaya iniisip niyo na warfreak ako. HAHAHA! Hindi po. Hindi lang po ako mabilis sumuko. Laban lang ng laban.
  59. Kalog. Ayoko kasi ng masyadong seryoso. Ayoko rin ng masyadong tahimik. So ako ang pambasag katahimikan. Barkada ko ang nagsabing kalog ako. HAHAHA!
  60. God-fearing. Siya lang ang numero unong kinakatakutan ko. Kaya natatakot ako makagawa ng kasalanan kasi gusto kong umakyat sa langit. Ito yung isang bagay na ipapasa ko sa mga magiging anak ko.
  61. Gusto ko ng patatas. Pampalaki daw ng boobs yun eh. LOL. HAHAHAHA! Joke lang! Sinabi lang sa akin ng kaibigan ko. Well, favorite ko ang kahit anong luto na gawa sa patatas. Mula fries hanggang salad, gusto ko yon!
  62. I hate goodbyes. Ayoko ng malungkot na eksena.
  63. I’m blessed. Everyone is. Iba-iba lang ang pananaw ng mga tao sa blessing. Yung iba hindi napapansin na blessed sila dahil sa hirap ng buhay. Yung iba naman kasi hindi kuntento sa kung anong meron sa kanila. I don’t count my blessings, I share them.
  64. Iyakin ako. Lalo na pag dating sa pamilya ko. Weakness ko sila eh. Saka umiiyak ako pag hindi ko na kaya.
  65. I prefer balloons instead of flowers. Ewan ko kung bakit. Gasgas na kasi yung flowers pag sa ligawan eh. LOL. But I appreciate flowers too. Gusto ko yung lobo na helium ang laman. Para lumilipad.πŸ™‚
  66. Song-writer/composer. Hindi lang sa pagba-blog ko nilalabas ang laman ng puso ko. Pag emo ako, sa musika ko binabaling ang atensyon ko. Uupo na ko sa harap ng keyboard ko at may ballpen at papel na nakahanda.
  67. Simple lang ako. Hindi man halata pero oo. Akala ng marami sosyalin ako. Pero hindi.
  68. Gusto ko ng adobong manok. Lalo na pag luto dito sa bahay. Kahit isang linggo kong ulamin yun, hindi ako magsasawa. HAHAHA!
  69. I β™₯ Hong Kong. Naka-ilang balik na kasi ako dun kaya naging paborito ko na. At hindi ako magsasawang pumunta dun.
  70. Wala akong probinsya. Laking Quezon City ako eh. Kaya sabik ako pumunta sa iba’t ibang lugar dito sa Pinas kasi gusto ko ma-experience ang ibang lugar. Kaya pinagdadasal ko na sana yung mapapangasawa ko may probinsya. HAHAHA!
  71. I hate social climbers. Ayoko ng pa-sosyal. Mahirap ba magpakatotoo?
  72. Certified puyatera. Nagawa ko na ang 24 hours na gising. Simula nung nagcollege ako, nasanay na ang katawan ko sa pagpupuyat dahil sa pag-aaral at paggawa ng mga case study. Pati pagba-blog pinagpupuyatan ko na.
  73. I speak less and do more. Naniniwala kasi ako sa kasabihang “Actions speak louder than words” kaya dinadaan ko sa kilos ang mga bagay-bagay. Minsan pag nahihirapan ako magsorry, iisip ako ng paraan para maipahayag kong inaamin ko ang kamalian ko at hindi na mauulit yun.
  74. Matagal maligo. Eh masarap eh! HAHAHA! Sabik ako lagi sa tubig.
  75. A friend. Hindi man ako mukhang kaibigan para sa iba, wala akong pakialam. Ang mahalaga, may mga taong tinuturing akong kaibigan.
  76. Baliw. In line sa pagiging kalog. May mga kalokohan din akong ginagawa. Mga kalokohang hindi masama. HAHAHA!
  77. Gusto ko ng love letters. Gusto ko sumulat at gusto ko rin maka-tanggap. Hihihi!πŸ™‚
  78. I love birthdays. Pinaka-espesyal na araw yun para sa lahat ng tao. Kaya hindi ko nakakalimutan batiin ang mga taong espesyal sa puso ko.πŸ™‚
  79. Sentimental. I value the reasons behind rather than realism. Paano ko ba ‘to ipapaliwanag? Ganito na lang, I keep gifts given by special people. Kahit ano pang mangyari o kahit magmukhang basura na, tinatago ko pa rin.
  80. Proud Filipino. Hindi ko na kailangan ipaliwanag pa ito. Kahit na maraming kapalpakan ang ibang tao dito sa Pilipinas, taas noo kong sasabihin sa lahat na “PILIPINO AKO!”
  81. Certified first-aider. Totoo yan. May lisensya ako. HAHAHAHA!
  82. Magugulatin.Β Kaya minsan ayaw nila akong katabi sa sinehan pag horror ang palabas. Kasi mas nagugulat sila sa akin pag tumili ako.
  83. Magalang. Turo sa akin na maging magalang lalo na sa mga nakakatanda. Hindi pwede mawala ang “po” at “opo”.
  84. Ayoko ng langaw. Marumi kasi yun. Saka kung saan-saan dumadapo. Basta naiinis ako sa langaw.
  85. I love hugs and kisses.Β Para sweet.πŸ™‚
  86. I love surprises.Β Gusto ko lang maging masaya.πŸ™‚
  87. Band member. Naging miyembro ako ng banda noong high school ako. Pianist ako sa Aslesha band. (Memasabi lang)
  88. Church choir member. Pitong taon na akong naninilbihan sa aming simbahan. Soprano sa umaga, alto sa gabi. Minsan pala instrumentalist sa gabi. HAHAHA!
  89. Wedding singer. Ikinagagalak ko ang maimbitahan sa isang kasalan. Kasi nagiging inspirasyon ko yung ikakasal para maging maganda yung pagkakakanta ko.
  90. Ayoko sa pusa. Pero gusto ko si Hello Kitty. HAHAHA! Ang panghi naman kasi masyado ng ihi ng pusa.
  91. Soft-hearted. Maawain ako sa mga naaabuso at kinakawawa. Kaya bukas sa puso ko ang tumulong.
  92. Hindi ako marunong magbake. Naranasan ko na magbake ng cookies. Masarap naman yun nga lang bato ang kinalabasan. LOL. Simula nun, di ko na inulit. HAHAHA!
  93. Kulot ako. Natural curls. Nagpaparebond lang ako kasi naiinitan ako sa kulot kong buhok. HAHAHA!
  94. November 29. Pinaka-importante at pinaka-masayang araw ko taon-taon.
  95. Wala akong lahing intsik. Sadya lang talaga na medyo singkit ako. Madalas akong napagkakamalang chekwa pero pure Pinoy po ito. HAHA!
  96. I love. Pag nagmahal ako, tapat at totoo. Walang halong loko. Yun nga lang, nakakatapat ako ng tao na hindi pinahalagahan yung pagmamahal ko.
  97. I laugh. A lot. Mababaw nga lang kasi ako. Kahit malaki pa problema ko, nagagawa ko pang tumawa.
  98. Allergic sa hipon, pusit, alimango/alimasag at pain relievers. Tanggap ko na hindi ako pwede kumain ng hipon, pusit o alimasag pero ang uminom ng gamot?! Nakakainis.
  99. Emcee/host. Sa mga maliliit na events lang or programs. HAHAHA! Ewan ko ba. Mas gusto ko pa maghanda ng song number kesa maging emcee. Pero wala akong magawa eh. LOL.
  100. Ako si Anna Dominique. Diyan nakuha si Nikki.πŸ˜‰

SA WAKAS! Natapos din. Sa mga tinapos ‘to, MARAMING SALAMAT!

4 thoughts on “ISANG DAAN (#100ThingsAboutMe)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s