NAIINIS AKO


Hindi ako papasok sa relasyong hindi naman ako magiging masaya. Kung sa panliligaw pa lang ay nakakaramdam na ko ng pagkasakal, papaano pa kaya pag dumating yung panahong maging kami? Puro bawal? Ayoko. Hindi ako para sa ganito.

Nakakainis lang kasi. May taong nagsabi sa akin na gusto niya ko. Okay fine. Gusto niya ko. Kung ano man ang rason niya, sige. Di ko naman mapipigilan yun. Ang akin lang, ayoko yung masyadong iniinvade yung privacy ko. Kumbaga para na siyang hacker na pilit inaalam ang password o kaya naman ay papasok sa account mo para lang mag-imbistiga o kung ano man. Nakakainis yung ganun.

Isa pa. Hindi pa kami close. As in hindi pa. Masyado niya kong minamadali na gustuhin siya. Hello?! Sorry ah. Pero hindi kasi ako tulad ng ibang babaeng mabilis madala sa mga sinasabi ng mga lalaki. Yun bang masabihan lang ng “Gusto kita” ay bibigay agad. No! I’m not that kind of girl. Sinabi ko sa kanya yun. As in frankly speaking, nakakapressure siya.

Naiinis ako kasi kahit kailan hindi ko nagawang i-pressure ang mga naging ex ko. Kahit tanungin niyo pa sila isa-isa. Kahit kailan hindi ako naghigpit sa kanila kahit na nung nililigawan pa lang nila ako. But this guy?! Ilang araw pa lang kung umasta akala mo kami na. Masyado pa siyang seloso. Ayoko ng ganun! Seriously, magkaiba kami. Soooooobra!

Gusto ko kasi malaya ako. I mean ayoko ng may sumasakal sa akin. Feeling ko kasi hindi ako binibigyan ng tiwala. Ang nakakainis lang, kahit na ilang beses kong sabihin na ganito ganyan ang gagawin at ginagawa ko, palagi akong pinagdududahan. At kahit na pamilya ko ang kasama ko, pinagseselosan. SINONG HINDI MAIINIS AT MASASAKAL SA GANITONG KLASENG MANLILIGAW?!

Sa mga bumabasa, malaya kayo magbigay ng payo o ng kumento. Please lang! Sana lahat ng makakabasa o bumabasa nito, maglagay ng comment para naman lumiwanag ang pag-iisip ko.

Bibigyan ko ba ng chance ang taong ganito? Ako kasi yung tipo ng tao na ayoko ng nakakasakit. Pero kasi parang ngayon pa lang naiisip ko na hindi ako magiging masaya sa kanya. >.<

HEEEEEEEEEEEEEELP!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s