NOW PLAYING: LAMAN NG PUSO KO


Ewan ko ba kung bakit nauwi sa love songs ang laman ng playlist ko ngayong gabi. Actually umaga na pala. Anyway, nag-umpisa lang naman lahat nung naalala ko yung sinabi ng papa ko na may request daw yung ninang ko na kantahin sa reunion namin sa Saturday. So hinintay ko pa mag-online sa Facebook yung ninang ko para alamin kung anong kanta yung gusto niyang kantahin ko. Pag dating kasi sa mga ganyan, gusto ko na may nagrerequest kesa sa ako yung nahihirapan pumili.

Narito ang mga kantang tumagos sa akin. Yun bang nagbigay na naman sa akin ng “go signal” para mag-isip at magmuni-muni.

.::! PLAY !::.

Tila. Ang kanta para sa mga nawawalan ng pag-asa pag dating sa pag-ibig. Yun bang nasaktan ng taong minahal nila ng totoo. Mga nabigo sa taong inakala nilang yun na at kahit ano pang dahilan ng pagkasawi. Sa kantang ‘to ni Lani M., hinalintulad yung sakit na nararamdaman ng isang tao sa ulan at ang pag-asa ay hinalintulad sa sikat ng araw. Basta parang ganun. Ganun ang interpretation ko sa kanta.

Parang ako lang. Nasaktan, umasa, niloko… pero hindi nagtatapos dun ang lahat. Patuloy pa rin akong aasa na darating ang araw na ang dilim ng puso ko ay mapapalitan ng liwanag. Naks! Lalim! LOL. HAHAHA! Sabi nga diba “habang may buhay, may pag-asa”. Kaya habang nabubuhay ako, hindi ako mapapagod magmahal. Sure na sure yan!

.::! NEXT SONG !::.

Malaya Ka Na. Ang kanta para sa mga ex. Para naman ‘to sa mga naka move on na. Kung hindi totally moved on, tugma ito sa mga taong nagdadalawang isip kung makikipagbalikan pa. Yun bang umaasa na may susunod pang kabanata yung love story nila. Pakinggan niyo! Madali lang intindihin yung nais iparating ng composer.

Kung i-rerelate ko ‘to sa buhay ko ngayon, kukunin ko yung bridge part nung kanta.

“Kung ika’y nagbago na’t, nag-iisa
Sana ang puso ko’y
Malaya pa, at kung ‘di na
At mayroon ng may-ari na ng puso ko
Di mo masisisi ako”

That explains all. Yun na yun. Kung si ex ay nagbago na, single pa at mangangakong hindi na kailanman sasaktan ang puso ko, may posibilidad na ipagpatuloy ko ang love story namin. Yun ay kung single din ako. Pero kung dumating ang panahon na tuluyan ko nang isara ang puso ko sa kaniya at binuksan na sa iba, sorry na lang dahil nagpakawala siya. Naks na naman! Ang lalim! LOL. HAHAHAHA!

.::! NEXT SONG !::.

Para Lang Sayo.  Ang kantang handa kong kantahin para sa susunod na lalaking magmamahal sa akin. Yun bang bibigyan ko ng pagkakataong mahalin ako at mahalin ko rin. Hindi ko na kailangan ipaliwanag pa. Pero ang masasabi ko lang, ang kantang yan ay i-aalay ko sa iisang tao. Wala pa man siguro ngayon pero para sa ISANG TAO lang. Di ako uhaw sa lalaki at di ako tulad ng ibang babaeng pagsasabay-sabayin lahat. Kaya para sa taong mamahalin ko, para lang sayo yan. LOL. Hihihi!

.::! NEXT SONG !::.

Hanggang Kailan. Dito ako na-touch eh. Maiiyak na ko dapat. LOL. Well, ito kasi yung request ng ninang ko na kantahin ko. Pero itong kantang ‘to ang naka reserba para sa lalaking pakakasalan ko at siguradong makakasama ko habang buhay. Pakinggan niyo! Pang walang hanggan na. Yun bang wala ng katapusan yung pag-iibigan niyo. Hanggang sa malagutan kayo ng hininga, kayo pa ring dalawa. Tanging kamatayan lang ang makakapagpahiwalay sa inyo.

Itong kantang ‘to ang naka-inspire sa akin na wag sumuko hanapin ang prinsipe ko. Hihihi! LOL! Yun bang kakantahin ko habang naglalakad ako patungo sa altar at nandun siya nag-aabang. Hohoho! Okay. Tama na. Kanta lang ang pinag-uusapan, hindi ang mismong kasalan.

.::! PAUSE !::.

Dahil single ako, sa kanta ako mismo na-inlove. HAHAHA! Wala pa eh. Di pa ko tinatamaan ng pana ni Kupido kaya pakikiligin ko na lang ang sarili ko sa mga love songs tulad niyan. Iba ang OPM songs noh?! Tagos talaga. Hay! Ganito ang resulta ng malamig na panahon eh. Tapos sasabayan pa ng mga love songs. Ayan, napa-blog ng di oras. Makatulog na nga!

.::! STOP !::.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s