HINTAYIN ANG SUSUNOD NA KABANATA


Alam niyo yung feeling na hindi mo aakalaing meron ka pang kaibigan na patuloy na naniniwala sa relasyon niyo ng ex mo? Yun bang kahit na ilang buwan na kayong wala, umaasa pa rin siya na may isang araw na magkakabalikan kayo.

Nakakatawa lang kaya nilagay ko yung nakuha kong print screen ng pag-uusap namin kanina nung kaibigan ko. Kung mapapansin niyo, inalis ko ang thumbnail picture nung kaibigan ko at tinakpan ko ang pangalan niya at nung ex ko. LOL. Kailangan panatiliing pribado ang kanilang pagkatao. HAHAHA!

Hindi ko maintindihan kung bakit napa-blog ako ng wala sa oras gawa nito. Napa-isip lang siguro ako kung bakit hanggang ngayon, ganun pa rin yung suporta ng kaibigan ko para sa amin ng ex ko. Halata naman sa pag-uusap namin na umaasa pa siya.

Bago pa man maging kami ng ex ko, isa siya sa mga nakasaksi kung papaano ko pinaghandaan yung araw na pagsagot ko ng “oo”. Isa rin ‘tong kaibigan kong ‘to na tumulong sa akin pumili ng magagandang litrato para i-post sa wall ng ex ko. Hanggang sa isa siya sa naging kasabwat ng ex ko para panatilihin akong gising para lang masalubong ang first monthsary namin.

Nagsisimula pa lang kami ng ex ko hanggang sa tuluyan ng natapos ang relasyon namin, itong kaibigan kong ‘to ay nandiyan pa rin. Patuloy na sumusuporta sa amin at naniniwala na darating ang pagkakataong magkakabalikan kami. Mas umaasa pa siya na sana magkabalikan kami ng ex ko. Kumbaga sa loveteam, siya ang number one fan. Grabe ah! Mahigit apat na buwan na kaming wala nung ex ko. Pero siya, sige pa rin sa tiwalang magkakabalikan kami. Nabanggit niya kasi sa akin na nakapag-usap daw sila ng ex ko at napag-usapan nga nila ang issue ng pakikipagbalikan. Hindi ko alam kung kailan yun pero sabi ko sa kaniya na hindi na ko umaasa. Yun lang.

Mahirap kasi umasa. Nasaktan na ko at ayoko na mangyari yun. Sabihin na nating gusto nga makipagbalikan ni ex. Ang sa akin naman, papaano ako makikipagbalikan sa taong hindi consistent? Yun bang hindi mo alam kung pursigido ba talagang bumalik ka sa kanya at ituloy yung nasimulan niyo. Ewan. Hindi ko alam. Basta magkaibigan kami ng ex ko at masaya naman kami sa kung ano kami ngayon. Yun lang okay na. Kung hanggang dito na lang kami, hindi na dapat ipilit. Kasi, kung kami talaga para sa isa’t isa, magiging kami rin.

Mabuti yung ganito na hindi ako umaasa sa kaniya. Malay natin magising na lang siya isang araw at maisip na hindi nga ako yung babae para sa kaniya. Ay teka! Naisip na pala niya yun. Kaya nga pala nagbreak eh. LOL. Ewan! Bahala na. Kung mapatunayan niya na mahal pa niya ko at sisiguruhin na hindi na mauulit yung mga nakaraang problema, bubuksan ko ulit ang puso ko para sa kaniya. Sigurado yan! Pero kung hindi, magiging masaya pa rin ako sa kung anong estado namin ngayon.

Kaya para sa number one fan namin, HINTAYIN ANG SUSUNOD NA KABANATA. LOL. HAHAHAHA!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s