STUDENT HEAD NURSE


Left: Taken at Pres. Diosdado Macapagal Memorial Medical Center
Right: Taken at Fe Del Mundo Medical Center

“Endorsing patient blah-blah in Ward 21 Bed 1, 2 years old female with the diagnosis of NSVI with MDHN. On diet for age; with ongoing IVF  of D5IMB 500cc to run for 24-25 gtts/min. VS q4, I&O q2. With medications of Paracetamol 250mg/5ml; give 3ml if T= >37.6C PRN…”

So on and so forth. LOL. HAHAHA! Sample lang ng endorsement.

Dati-rati, nakikinig lang ako sa endorsement habang sinusulat ko sa tickler ko ang mga impormasyon tungkol sa pasyente at ang mga dapat gawin sa loob ng walong oras na duty. Ngayon, nabigyan ako ng pagkakataong mag-endorse sa mga kapwa ko estudyante bilang kanilang head nurse. Hindi lang pag-eendorse, ako na rin mismo ang nag-aassist pag nagbibigay ng gamot lalo na pag kailangan padaanin sa swero. Inaako ko na ang pagpapalit ng IV bottle at pagtatanggal ng IV mismo sa pasyente. Kung dati takot ako kumilos mag-isa at nakadepende na lang lagi sa Clinical Instructor, ngayon, lumalapit na lang ako sa CI pag may mga bagay na hindi ako siguradong gawin. TAKOT AKO MAGKAMALI DAHIL BUHAY ANG NAKASALALAY. Mas mabuti na yung magtanong sa mas nakaka-alam kesa sa kumikilos ng hindi sigurado.

Sa wakas! Tapos na ang duty para sa 1st sem. Makakapagpahinga na ko ng mas maaga. Ilang linggo o buwan rin mapapahinga ang mga paa ko sa ilang oras na nakatayo at magpabalik-balik mula sa station hanggang sa kwarto ng pasyente. Makakapagdiet na rin ako ng maayos at seryoso dahil hindi na ko kailangan magpalipas ng gutom lalo na pag maraming pasyente. Mababawasan na rin ang mga gabing wala akong tulog para mag check ng mga case presentation na pinapasa sa akin, mga assignment na binibigay ko at mag-edit at gumawa ng sarili kong pang case pres. At higit sa lahat, hindi na ko mamomroblema sa pagbibigay ng grade sa mga kaklase ko.

Hindi ko man nasabi lahat ng trabaho ng isang head nurse, ang masasabi ko lang ay mahirap. Mahirap siguro sa umpisa kasi nga estudyante pa lang ako. May next sem pa ako para masanay. Kumbaga “warm up lang ito”. HAHAHA!

Good job to my student staff nurses, na-toxic man sila at least dahil sa kanila na-experience ko ang ganito.

Oras na para magpahinga. Hindi biro ang mambola ng mga bata sa tuwing magbibigay ng gamot. Makakita pa lang ng naka-puti, iiyak na. Nevertheless, I still love kids. And I’ll be a pedia ward nurse someday.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s