ANG TAONG NAKAKARAMDAM NG SAKIT AY ANG TUNAY NA NAGMAMAHAL


Mahal mo pero may mahal na iba. Pinakawalan mo para maging masaya siya sa piling ng iba kahit na nasasaktan ka. Ang tagal mong tinago yung nararamdaman mo pero nung nagkalakas ka ng loob sabihin ang totoo, huli na ang lahat. Sinampal na sa mukha mo na wala na kayong pag-asa dahil may mahal na siyang iba. Ikaw, dahil sa mahal mo, gusto mo lang na maging maligaya siya kahit na sa likod ng mga ngiti mo, pinipigilan mong tumulo ang luha mo.

Minsan kailangan ipamukha sayo na itigil mo na yang nararamdaman mo dahil ikaw lang ang mahihirapan. Oo nga at naka move on ka na pero doble ang sakit kapag nalaman mong nasasaktan siya ngayon dahil sa taong pinili niya. Iniisip mo tuloy na kung sana ikaw ang pinili niyang mahalin, sigurado kang hindi siya masasaktan.

Naging masaya siya sa piling ng iba at naging masaya ka na rin para sa kanila. Nakatagpo ka na rin ng taong akala mo mamahalin ka pero iiwan ka rin pala. Masakit. Sobrang sakit. Pero kahit na ilang tao pa ang makasakit sayo, hindi ka pa rin nawawalan ng pag-asa na darating ang araw na merong taong itinakda para suklian o tapatan ang pagmamahal mo.

Bakit nga kailangan ganito ang nangyayari? Minsan naiisip mo na kung sayo sana siya napunta, hindi siya masasaktan. Alam mo kasi kung pano mo hahawakan yung relasyon. Ang tibay pa nga eh! Ikaw na yung nasaktan dahil pinagpalit ka, ikaw pa mismo yung tumutulong para magka-ayos sila.

Hindi mo na siya mahal dahil nagmahal ka na rin ng iba. Pero yung minahal mo iniwan ka kaya tinanggap mo na lang. Bigla mong mababalitaan na yung tao sana na mamahalin mo, nasasaktan. Gusto mo man saluhin pero huli na. Hanggang kaibigan na lang ang tingin mo sa kaniya. Handa ka man umibig ulit, natatakot kang mahulog ulit at baka gawin kang panakip butas.

Hay pag-ibig. Masarap sana pero siyempre di maiiwasan makaranas ng sakit.

Ang taong nakakaramdam ng sakit ay ang tunay na nagmamahal. Paulit-ulit man masaktan, hindi pa rin magsasawang magmahal.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s