PROUD GIRLFRIEND


If I am the girlfriend, I won’t just be proud. I’ll be overwhelmed! For sure, I’ll love my boyfriend even more. Sino bang babae ang hindi matutuwa kung ganyan ang boyfriend? Worth it mahalin at pagkatiwalaan ang mga ganyang klase ng lalaki. Ang tanong, may mga ganyan pa ba sa panahon ngayon?

Every girl dreams to have her prince charming. Iba’t ibang standards, characteristics, at kung ano pa man ang mga hinahanap ng babae sa isang lalaki. Mahalaga ba ang pagseset ng standards sa pagpili ng boyfriend?

Ako? Di ko matandaan kung nagset ako ng standards. Di ko alam kung bakit. Feeling ko kasi kaartehan lang yun eh. Ewan ko. Naniniwala kasi ako sa kasabihan na “love conquers all” kaya hindi ako choosy. Pag mahal mo ang isang tao, tatanggapin mo lahat. As in L A H A T! Positive man o negative, basta mahal mo ang isang tao matatanggap mo. Kahit ano pang sabihin ng iba, puso at isip mo ang masusunod.

Minsan kasi, hindi nasusunod ang standards mo. Halimbawa na lang gusto mo ng tall, dark at handsome. But you’ll end up having someone opposite from what you desire. So kesa ma-disappoint ako kung hindi masunod ang standards ko, edi wag na lang ako maglista pa ng kung ano-ano. Alam ko naman na darating ang araw na matatagpuan ko yung tamang tao para sa akin. Saka naranasan ko na rin naman magmahal ng tao na hindi talaga pasok sa mga gusto ko sa lalaki.

Gusto ko malinis ang maikli ang kuko ng lalaki, malinis sa katawan at tama ang gupit ng buhok. Pero mas mamahalin ko ang lalaking tanggap ako buong-buo at mamahalin ako ng totoo. Yun lang naman ang akin. Yung hindi ako lolokohin at sasaktan dahil pag ako nagmahal, ayoko ng nakakasakit. Gusto ko kahit hindi kami perfect, siguradong nagmamahalan kami at seryoso sa isa’t isa. Higit sa lahat, yung alam ang obligasyon bilang boyfriend. Hindi man kayo magkasama, hindi pa rin magpapadala sa kung anong tukso ang nasa paligid.

Tulad na lang nung nasa picture. Lasing ang boyfriend at hindi makilala ang girlfriend pero alam niya na committed siya. That explains all. I mean kung seryoso talaga ang tao sa isang relasyon, kahit saan siya magpunta at kahit ano pa ang mangyari, hindi niya kakalimutan na nasa relasyon siya. YUN ANG MAHALAGA!

Maraming maloloko sa panahon ngayon. Babae man o lalaki, kahit sino may kalokohan. I admit, makulit ako at gusto ko laging masaya. May mga kalokohan din akong ginagawa pero hindi umaabot sa puntong tao ang lolokohin ko. I crack jokes but I never played someone else’s heart. Bakit? Ayokong gantihan ako ng karma kaya maingat ako.

Kaya kung ikaw ay maloko, tigilan mo na yan. Wag mong hintayin na karma ang bumwelta sayo.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s