PASASALAMAT


Dahil sa late na ko naka-uwi kagabi at hating gabi ko na rin natapos ang tatlong blog posts ko, hindi ko na nasimulan gawin ang isa sa dahilan ng pagiging masaya ko kahapon. Para sa mga nakabasa ng Brand New Experience 1-3 ko, mapapansin na parang roller-coaster ang araw ko kahapon. May ups at may mga downs. Positive-negative, negative-positive. Pero lahat ng iyon ay parte na ng history ko bilang tao.

Nawala ang pagod ko nung binuksan ko ang Tumblr blog ko at nakitang may mga bagong likes ang posts ko doon. May bagong follower din ako at binisita ko ang blog niya. Natutuwa ako sa mga posts niya dahil tulad ko, marami rin siyang pangarap at gusto sa buhay. Tulad ko, kahit na maraming negative ang nangyayari sa buhay, nananatili siyang positibo.

Wala lang. Natutuwa lang ako sa mga ganung klaseng tao. Hindi niya ko kilala pero na-appreciate niya yung mga likha ko. Lagi ko naman sinasabi na I always appreciate little things. Kahit maliit na bagay lang yun para sa inyo, malaking bagay yun para sa akin. 🙂 Yung oras ng mga bumabasa ng mga blogs ko, yung mga nagla-like ng page ko, mga nagcocomment, mga pinopromote ang mga blog sites ko, yung nagsesend ng private message sa akin telling me that they’re inspired with what I write, at lahat lahat pa ng mga ginagawa o ipinapakita ng mga taong bumibisita sa Tumblr, WordPress, at Blogger ko, lahat yun tinatawag kong “effort”. Siguro kung panliligaw yan, hindi na ko single. LOL. HAHAHA!

Maraming salamat! Hindi ako magsasawang magpasalamat sa lahat ng nagbibigay ng oras para basahin ang mga anik anik ng buhay ko. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s