HANGGANG BESTFRIENDS NA LANG BA?


Taas ang kamay ng mga nakaka-relate! If you guys are thinking that I can relate, no comment. HAHAHA! Nadadala lang ako sa mga nangyayari sa paligid ko kaya naisipan kong gumawa ng post tungkol dito.

Karamihan ng magka-relasyon ay sa pagkakaibigan nagsisimula. Depende na lang yun sa kung paano kayo pinagtagpo ng tadhana.  Ganun naman talaga ang dapat. Kilalanin muna ang isa’t isa bago sumabak sa next level. Pero pano kayo pupunta sa next level kung nakakaramdam ka ng takot aminin sa bestfriend mo na may nararamdaman kang kakaiba sa kaniya? Lalo na kung babae ka na naunang makaramdam ng love para sa bestfriend mo. Mahirap yun, dude!

Basahin mabuti yung nakalagay sa picture na “kaso baka masayang mo yung friendship niyo.” Yung salitang “kaso”. Meaning, pagdududa. Nagconclude ka agad pero di mo pa sinusubukan. Yun ang mali sa atin eh. May sagot agad kahit wala pa namang tanong. May resulta agad kahit wala pang ginagawa. Bakit kaya di muna kumilos bago magbigay ng resulta? Mas maganda na yung may siguradong resulta dahil sa sumubok umamin kesa naman sa may resulta ka agad ng wala man lang ginagawa.

Lakas ng loob. Yan ang kulang sa karamihan. Oo nga naman. Mas mahalaga ang friendship. Pero pano nga kung nagkakandarapa na yang puso mo para sa bestfriend mo? Mahirap pigilan yan.

Kung babae ka, mahirap talaga sa point mo. Marami kang maiisip na baka hanggang bestfriend lang talaga ang tingin niya sayo. Kung lalaki ka, mas may advantage ka na magsabi ng nararamdaman. Pano kung pareho pala kayo na gusto na umusad para sa next level? Pano kung hinihintay ka lang niya na maunang magsabi pero natatakot ka nga kasi baka masira friendship niyo?

HAY EWAN! Ang gulo ano? Hindi mo alam kung papano mo sasabihin. Di mo alam kung tatanggapin niya o hindi na may iba kang nararamdaman para sa kaniya. Pano kung pareho kayo ng nararamdaman? Pano kung hindi?

Maraming tanong pero mahirap sagutin. Isa lang ang solusyon sa ganyang problema, magtanong o magsabi ka. Aminin mo na. MAGPAKATOTOO ka. Kahit mahirap, kung yan talaga ang nilalaman ng puso mo, go for it. Baka maunahan ka pa ng iba. Nandiyan na nga, makakawala pa. Wag mong hayaang ganun ang mangyari dahil sa kabagalan mo. Sige ka, ikaw rin ang magsisisi.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s