CLOSE UP


Okay na sana eh. Matagal na walang usapan, walang kwentuhan o kahit na kamustahan. Wala. Totally no communication – at all. Connections are still there but you and me talking, no more. I’m over! I know! But look at me, I’m here thinking about you again because of my bestfriend’s questions last night.

Sadyang mapaglaro ang tadhana. Grabe. Parang ilang beses na ko napaglalaruan ah. Ilang beses na ko pinagtitripan at pilit kang pinapa-alala. There’s nothing I can do after all. We’re done. We tried building up the friendship but suddenly, for unknown reasons, we stopped talking. We stopped communicating. I’m clueless but I just have to go with the flow. I have to deal with the situation that we can never be friends at all. Too bad. I never thought of that. Ngayon ko lang naisip na siguro ganito yung paraan mo para maka move on totally. Okay. I know my limits. If you don’t want to talk to me, fine.

Nang dahil sa mga tanong tungkol sa kilig moments at theme song ng isang brand ng toothpaste, naalala kita ulit. Lahat bumalik! Naisip ko lahat lahat. At dahil dun bigla kitang na-miss.😦

Dahil sa course ng aking butihing bespren, nagiging suki ako sa mga projects niya. Kung ano-anong brand na lang ang pinasasagutan niya. At natyempo pa sa <insert toothpaste brand here, clue is already given> umikot ang buong interview. May mga tanong na ang sarap iwasan. Oo. Ayokong sumagot. Pero wala akong kawala. Sapilitan talaga eh. LOL. HAHAHAHA! Iwas kung iwas na lang talaga. Mahirap kasi magbaliktanaw. Bukod sa nakakabwisit, nakakasakit pa ng damdamin!

KILIG MOMENTS. I forgot the exact interview question but I answered three things. Di ko na rin matandaan kung kilig moments nga ba or sweetest thing. Ewan. Di ko na alam. Nagpakilig ata or something. Anyway, gusto niyo malaman sagot ko? Heto:

  1. Kinantahan ako sa cellphone. THE SWEETEST!
  2. Gumising ng maaga para mag paalam. Papunta kasi akong Hong Kong that time at maaga ang flight ko. Akala namin hindi kami makakapag-usap ng ilang araw kaya tinupad niya yung sinabi niyang gigising siya ng maaga.
  3. Nag trespass sa facebook at nag upload ng pictures saying “I’m sorry.”
  4. Inutusan ang mga kaibigan para i-text ako at sabihin ang “I love you, Nikki.” One person per word. This happened during our first month. Antok na antok na ko pero ilan silang pumipigil sa akin matulog. Saktong 12mn nagtext na sila.

Sinong hindi kikiligin? Sabihin niyo nga sa akin kung hindi kayo kikiligin kung ganyan. Well ako naman kasi delayed reaction lagi. Kumbaga kung ngayon ginawa, bukas o sa susunod na araw pa magsink in sa akin lahat ng pangyayari. Ganun ako kiligin. Late! HAHAHA! LOL.

Yung number one talaga yung sobrang pumasok sa isip ko eh. Lalo kong naalala (yung ex ko) kasi kung ano pa yung theme song ng brand na ito, yun yung kinanta niya noon. So like, ano ba naman ‘to! At sa pagkakatanda ko, sinabi ko sa kaniya na every time na yung song na yun ang naririnig ko, siya unang unang pumapasok sa isip ko. Siya naman talaga eh. Kasi siya din ang kauna-unahang lalaki na gumawa sa akin nun. Ang tawagan ako para kantahan. Ang sweet eh! Pero dahil sa tapos na, hanggang memories na lang lahat. :’) Thank you for the sweet memories.

Kaya move on lang ang uso sa akin. Hindi forget. I forgive, yes. I accept, yes. But I NEVER forget.

Hay nako! 5th na sana eh pero ganun talaga. Mukha namang masaya na siya at ganun din naman (?) ako.

The song keeps playing in my head! Nak ng pagong naman talaga! >.< Tsk. Namimiss tuloy kita. Kainis.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s