NGITI: NAKAKABUSOG AT NAKAKAHAWA


Dahil sa swerte kami at may isang minor case (hemorrhoidectomy) kami kanina, almost 2 hours ang lunch break namin. At dahil sa huling araw na ng pagkain ko ng kung ano-anong gusto kong pagkain, sinulit ko na at sa Tully’s ako nagyaya. Walking distance naman from the hospital kaya dun na lang. At dun din naman gusto ng mga kasama ko.

Wala kaming ginawa kundi magkwentuhan. Ang dami na namin napag-usapan tungkol sa mga nakakatawang experiences namin nung mga bata pa kami at yung mga plans namin after graduation. Lahat ng yan napag-usapan habang naghihintay kami ng orders namin. Chill lang kasi mahaba pa ang oras. Masaya makipagkwentuhan sa maraming experience. (Wag green minded! Kutusan ko kayo! :p) May seating arrangement na kami sa Tully’s kaya “same places” ang peg. Ako yung nakaupo sa may glass wall. Gusto ko kasing nakikita yung mga nangyayari sa labas.

Habang kumakain, biglang may batang sumilip. As in dun siya sa tabi ko. Ano pa nga bang ibig sabihin nun, siyempre humihingi siya ng pagkain. Street children nowadays are increasing. Kawawa naman kasi hubo’t hubad tapos naglalaro dun sa may fountain malapit sa cafe na pinagkakainan namin.

Then my classmates and I agreed to buy something for the kids. Naging dalawa kasi silang nakasilip sa amin. Mura lang naman yung mga bread loafs doon kaya nagpasya kaming bigyan sila. Plus, di ko naman kinain yung bread na kasama dun sa pasta na inorder ko kaya hanggat di pa kami tapos kumain, pinabigay ko na kay Kim yung binili naming loaf (ham and cheese or chocolate loaf ata yun) at yung tinapay na nasa pasta ko.

Natuwa ako nung nakita ko silang tumakbo palayo. Siguro magsasabi sa magulang nila na may pagkain silang dala. Maya-maya bumalik sila na may ngiti sa kanilang mga labi. At di lang ngiti, may kasama pa silang isang bata. Tapos nakatingin sila sa amin. Eh dahil sa malapit ako sa kanila, kinakausap ko sila na share-share sila doon sa loaf. Kinakawayan ko pa sila at naka-smile ako sa kanila, ganun din sila sa akin.

Dahil sa “good deed” na nagawa namin sa mga batang nagugutom, nagkakwentuhan kami tungkol sa mga bagay na akala namin katapusan na ng mundo namin. Pero dahil sa may mga batang katulad nila na salat sa pangangailangan, naisip namin kung gaano kami ka-blessed dahil nakakain namin ang gusto naming kainin ng hindi namamalimos.

Kanya-kanya kaming ways ng pagtulong pero iisa lang ang layunin. Yun ay ang ibahagi namin kung anong sobra sa amin. Tumulong sa nangangailangan at magbigay ng saya kahit sa sandaling oras lang.

Masarap sa pakiramdam na nabusog kami ng mga kaklase ko at nabusog rin yung tatlong batang inilapit sa amin ng tadhana para matulungan. Kahit sa maliit na bagay ay masasabi naming nakapagpasaya at nakapagpangiti kami ng mga anghel. Mga anghel na sana ay matulungan ng iba at magkaroon ng pagkakataong magkaroon ng magandang buhay.

Give love.

Share food.

Spread smiles.

Ngiti tayo kaibigan!

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s