TRANSFORMATION


Kahit kailan ay hindi ko pa nagawang i-blog ang tungkol sa isang achievement na nagawa ko. Siguro naisingit ko sa mga posts na nagawa ko na pero yung ikwento ko at ibahagi ang paglalakbay ko patungo sa pagbabago, hindi ko pa nagawa.

Obviously, tungkol sa health ang laman nito. Hindi ako maglelecture or kahit anong related sa pagiging nurse pero lahat ng mababasa niyo ay tungkol sa akin, sa aking motivation, determination at discipline. Sana makatulong ito sa mga gusto rin maging healthy and fit.

Tabachingching ako nung bata pa ko. Yun ang laging tukso sa akin ng mga tao. Napabayaan daw sa kusina kaya mataba. Hanggang sa nag-college ako, hindi ako nilubayan ng fats. Ganun nila ko kamahal kahit na ayaw ko sa kanila. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na gusto kong pumayat pero wala akong ginagawa para matulungan ang sarili ko. Puro salita na lang. Ganun. Wala rin akong pakialam sa sinasabi ng ibang tao tungkol sa akin. Mataas ang self-confidence ko kaya hindi ko masyadong pinapansin yung mga negative comments sa akin ng mga tao. Wala akong pakialam sa kung anong gusto nilang isipin. I remained positive. Sabi ko kasi sa sarili ko na kahit na mataba ako, at least nagagawa ko pa rin ang mga bagay na gusto ko.

Bilang babae, hindi mawawala ang pagka-kikay. Siguro yung ibang babae hindi naman masyadong pala-ayos pero ako, gustong-gusto ko ang mag-ayos. Gusto ko lang maging presentable. Yun lang. Hindi ako nagpapa-impress para lang magkaroon ng kaibigan o ng lovelife. Nung high school ako, pasaway ako kasi mahaba ang kuko ko at naka nail polish pa. Every 2 weeks iba ang kulay ng kuko ko. Everyday iba rin ang hikaw na suot ko. Pero nung high school ako, hindi ako masyadong nagme-make up kasi bawal. Yun lang ang sinunod ko, ang hindi paglalagay ng make up. Bawal kasi ang mahabang kuko at may polish pero ako, pasaway. HAHA! LOL. Pero mataba.

Nung college, diyan na ko nagmake-up. Mas malaya na pag college eh. At akala ko uubra ang long nails with nail polish sa kolehiyo. Hindi pala. Dahil sa nursing ang course ko, unang-unang sinabi na kailangan maikli at malinis ang kuko. Aww. Pangalawa, bawal mag hikaw. BOOM! Ako pa naman si Ms. Earrings nung high school tapos biglang hindi pwede maghikaw nung nag-college ako. Hay buhay. Wala akong nagawa. Kailangan sumunod sa patakaran kaya goodbye long nails, nail polish and earrings. Buti na lang hindi bawal mag make up.

Siyempre kolehiyala, nagdadalaga. Nahilig na ko sumabay sa uso pag dating sa pananamit. Kahit mataba, kaya kong dalhin ang sarili ko. Sabi nga nila, “nasa pagdadala lang yan!” Camera ready rin ako pag may picture taking. Wala akong pakialam kung ako yung pinaka malaki sa picture. Basta lahat tungkol sa katabaan ko, hindi ko pinansin.

Aminado ako na kulang ako sa exercise. Wala akong ginawa kundi umupo at humilata na lang pag wala akong ginagawa. Computer lang ang lagi kong kaharap. Wala rin akong disiplina sa pagkain. Kung anong gusto kong kainin, kakainin ko. So sino bang hindi lalaki sa ginagawa ko? I reached 181 pounds.

Then I started having osteoarthritis. And it was all because of my weight. Obese kung obese talaga. Imagine 181 pounds for an eighteen year old lady?! Basta paulit-ulit yung nararamdaman kong sakit sa paa without any fractures or anything. Basta bigla na lang sumasakit and that made me realize that I’m too big.

Summer of 2011, I joined my cousins enroll to a very well-known gym. Di ko na lang sasabihin kung anong gym pero yun ang naging simula ng pagbabago ko. April 2011, araw-araw akong nasa gym. Kulang na lang talaga dun ako tumira. Sinabayan ko ng diet yung exercise ko. Mula day 1, naging strict ako sa mga kinakain ko. Piling-pili lang talaga lahat. Pati mga iniinom ko pili na din. After 2 weeks, nakita kong nabawasan ako ng weight, dun ko naisip na kailangan kong seryosohin. Pagod na ko maging mataba kaya kinarir ko ang pagpapapayat. Kumuha pa ko ng personal trainer para may magpush sa akin.

I lost 34 pounds in 4 months. Pero dahil sa naging busy sa school at hospital duty, kailangan huminto sa gym. Pero hindi ko hininto yung diet ko. Okay na sa akin yung pumayat ako. Regalo ko sa sarili ko yun. All in all, I lost 47 pounds. My hard work had paid off. Mas lalo ako na-inspire magsuot ng magagandang damit. Hindi na ko nahihirapan pumili ng size. At ang importante sa lahat, hindi na rin sumasakit ang paa ko. Lahat yun nagawa ko nung pumayat ako. I can wear heels already na hindi agad napapagod.

Pero may problema ako. Feeling ko kasi bumalik na ko sa dati kong taba eh. LOL. I gained a little lang kasi lumaki na naman ang mukha ko. Kaya starting September 1, 2012, back to gym girl na ko. Isasabay ko sa diet at sa busy schedule ko. Para pumayat ako lalo. Gusto ko kasi payat ako sa grad pic. Hahaha!

Baka sabihin niyo kwentong barbero ito. Ipapakita ko sa inyo ang ilan sa mga pictures ko…

Ayan. Yan ang transformation ko. Looking back at my pictures made me say like “WOOOOOOAAAAAAAH!” Hindi ako makapaniwalang nagawa ko. Tatamad-tamad kasi ako. Gusto ko lang laging nakahiga o naka-upo. But everything changed when I shed my fats. Hindi pa ko payat na payat kaya kailangan ituloy ang pagda-diet.

Hindi muna ko maglalagay ng 2012 picture kasi hindi pa tapos ang taon. HAHA! Malay niyo may pagbabago ulit. Basta ang goal ko, hindi ako babalik sa 181 pounds.

“No pain, no gain.” Para sa mga katulad kong malulusog na gusto rin magpapayat, start now. Compose yourself. Tanungin niyo sarili niyo kung ready na ba kayo. Kailangan maging disiplinado para ma-hit niyo yung weight na gusto niyong abutin. Take it slow. Nung obese ako, gusto ko makita yung BMI ko na pumalo within normal range. Masarap sa pakiramdam ang ganitong klaseng pagbabago. Wag susuko. Pawis lang yan. Set something for yourself and be rewarded!

4 thoughts on “TRANSFORMATION

  1. Inspiring ito Ms. Nurse. Kung hindi pa nagkafracture eh hindi pa ano? Ako naman running ang pinagkakaabalahan ko to fight my gouty arthritis, ang taas kasi ng uric acid ko sa katawan. Kung may time ka mas masarap tumakbo lalo na kapag umuulan. Walang kapalit na sarap..Ohhhh..ahhhh..ohhhhh. Ganun. Seryoso, masarap tumakbo. Kakarelaks.

    Kongrats ha?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s