HE ANSWERS


Isang nakakakilabot na kwento bago ako tuluyang matulog. Paalala ko lang, maaaring matanggal ang inyong mga ngiti sa mababasa ninyo pero sisiguraduhin kong maibabalik yan. Ako nag-alis kaya ako magbabalik.

This is a true story.

Last Monday ko pa ito dapat na-share sa inyo pero dahil sa hindi pa masyadong organized ang thoughts ko at hindi pa masyadong clear ang mga kaganapan, naghintay ako ng ilang araw para lang makalikom ng sapat at tamang impormasyon.

Monday, August 27, 2012, masaya naming ipinagdiwang ang ika-79 kaarawan ng mommy (lola) ko. Kumain kami sa isang Chinese resto. Pagkatapos kumain, pumasyal kami sa isang mall malapit sa restaurant na kinainan namin para magpababa ng kinain at para makapag shopping na rin. Dahil sa puyat ko sa pag gawa ng video presentation (birthday gift), inantok akong bigla. Bihira akong antukin sa loob ng mall habang namimili pero hindi na kinaya ng katawan ko kaya naramdaman ko na gusto ko nang umuwi. Pero dahil sa kailangan kong bumili ng murang smock gown, kinailangan pa namin dumeretso sa Sta. Cruz, Manila dahil bukod sa murang medical supplies, sigurado akong may mura ding smock gown. Tinapos ko na mabilis ang pagbili ko ng mga damit at sapatos para maka-idlip ako kahit sandali habang hinihintay yung driver.

Mula San Juan hanggang Sta. Cruz, tulog ako sa kotse. Nagising na lang ako nung nagring ang cellphone ng mommy ko at tumaas ang boses niya sa gulat. Tamang-tama ang gising ko dahil nandun na kami mismo. Hindi pa kami nakakababa ng sasakyan, sinimulan na ni mom ang kwento. Pero dahil sa kailangan muna namin manaog para mabili ko na yung kailangan ko, pinutol muna namin ang usapan.

Ang istorya.

Tumawag yung kapitbahay namin para ibalitang na-carnap ang sasakyan nila. Nasa ospital sila nung mga oras na iyon dahil naka schedule sa dialysis yung asawa (lalaki) nung tumawag. Ang nakakagulat at nakakalungkot sa lahat, binatukan muna yung driver nila gamit ang baril, isinakay kotse (na na-carnap) at doon binaril.  Mula Quezon City, dinala ng mga car-nappers yung driver sa Caloocan. Itinulak siya sa lugar kung saan walang masyadong tao.

Ayon sa driver, pilit siyang pinasubsob sa loob ng sasakyan at binaril sa tagiliran. Dalawang lalaki ang nakatapak sa kaniya at naririnig pa niya itong nag-uusap. Plano pa nung mga masasamang loob ang tuluyan siyang patayin dahil narinig niyang ikinasa ulit ang baril. Nagpatay-patayan siya  habang nagdadasal at doon kinausap niya ang Diyos. “Panginoon, tulungan niyo po ako. Kung ito na po ang katapusan ko, parang awa niyo na. Tatlo po ang anak ko at papaano na ang pamilya ko?” Sa takot at kaba, hindi pumutok ang baril. Patuloy niyang naririnig ang pag-uusap nung mga lalaki at may kutob siyang maging “chop-chop boy” dahil sa narinig niya ang tunog ng plastik at ang pagtatanong ng isang lalaki kung tutuluyan na siyang paslangin.

“Diyos ko, sana po itulak na nila ako.” Nagdasal ulit yung driver at hindi nagtagal, yun nga ang ginawa. Itinapon siya sa lugar na walang masyadong tao. Buti na lang ay nakahingi siya agad ng tulong at dinala siya sa pinaka malapit na ospital sa Caloocan.

Ilang oras bago siya operahan dahil kinakailangan pa ng desisyon ng pamilya. Buti na lang hindi masyadong masama ang tama ng bala sa tagiliran nung driver kaya madali siyang naka-recover.

Ang kwentong ito ay hindi para takutin kayo. Kinilabutan ako habang naririnig ko ang buong kwento ngunit may isang bagay ang gumising sa akin. Hindi natutulog ang Diyos. Nandiyan lang Siya at patuloy na dinidinig ang ating mga panalangin. Ngayon ko naisip na ang mga panalangin ng tao ay dinidinig ng Panginoon sa tamang oras at pagkakataon. At inuuna ng Diyos ang tunay na may kailangan sa Kaniya.

Kaya para sa inyo mga kaibigan, wag magsawang manalangin. Maaaring iniisip niyo na hindi na Niya kayo kailanman didinigin. Wag. Wag niyong isipin yun. Magtiwala lang kayo at ibibigay Niya sa inyo ang hiling niyo sa tamang panahon.

Wag mawalan ng pag-asa. Ngumiti ka lang, kaibigan!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s