THERE’S MORE TO LIFE


Ang lahat ng tao ay may kanya-kanyang talino depende sa larangang kanilang napili. Ayon nga sa teorya ni Howard Gardner, mayroon tayong tinatawag na multiple intelligence. Kaya wag kayong papayag na may magsabi sa inyong wala kayong kwenta kung madalas ang pagbagsak niyo sa isang subject, kung hindi kayo makasunod sa tinuturo sa inyo o kung saan pang mga bagay na pumapalpak kayo. Wag kayong magpa-apekto sa negatibong naririnig niyo sa mga taong walang magawa sa buhay nila kundi ang pumuna ng kamalian ng iba. Isipin niyong mabuti kung para saan talaga kayo at kung anong hilig niyong gawin. Dun mo masasabi kung saan ka nakaka-angat.

Hindi ko binanggit ang multiple intelligence para maglecture. Naisip ko lang yan ilagay para malaman nating lahat na meron pa tayong naitatagong talento. May mga kakayahan tayong hindi pa natin masyadong nagagamit. Nandito ako para tulungan kayong alamin ang mga bagay na maaaring taglay niyo pero napangungunahan kayo ng takot para gawin.

This post is not intended to boast about my field of interests. This post is made to help you out flex your mind and body and inspire you to continue doing things you want to do. Clear? Kaya sa may mga “frustrations” gawin ang ilang bagay, wag pangunahan ng takot. Try lang ng try. Walang masama pasayahin ang sarili.

Bata pa ko simula nung nahilig akong kumanta. Yun talaga ang forte ko. Ito yung isang bagay na pinagmamalaki ko at ng mga taong malalapit sa akin. Kumbaga, ito yung “God-given” talent ko. Ito talaga. I’m overwhelmed when people throw positive feedback about my voice. Endless gratitude were given in return. Kahit na alam kong may alam ako tungkol sa pag-awit, hindi ko pinigilan ang sarili ko para mag-explore. Nag voice lessons pa rin ako para lalong mapabuti ang talento ko sa pagkanta. Pero madalas akong nakakarinig ng kumentong, “buti ka pa, samantalang sa akin ayaw nung kanta.”

Dahil sa hilig ko sa pagkanta, dun na rin ako nagpasyang matuto tumugtog ng piano. Sa kasamaang palad, hindi ako natuto masyado magbasa ng nota pero laking pasasalamat ko dahil hindi ako sumuko at hanggang ngayon ay tumutugtog ako ng piano kahit chords lang. Natuto rin naman ako magbasa ng nota kahit papano. Nagpabili rin ako ng gitara para subukan kung kaya ko pa rin tumugtog. Natutuwa ako dahil kinaya ko pero piano talaga ang instrumento ko.

Akala ko dati hanggang dun na lang ang kaya kong gawin. Akala ko iikot ang mundo ko sa musika. Hanggang sa nagkaroon ng composition/essay writing contest sa paaralan namin nung elementary ako at required lahat ng estudyanteng sumali. Ayoko sana pero dahil sa required, wala akong nagawa. Laking gulat ko nung isa ako sa mga mapapalad na nanalo. Doon ko nalaman na kaya ko pala maging manunulat. Kung hindi dahil dun, hindi siguro ako blogger ngayon. Akala ko kasi hindi maayos ang utak ko sa pag-organisa ng mga salita para maging ka-aya-aya sa mga mambabasa. Simula nun paunti-unti akong gumawa ng tula, articles at maging pagsulat ng script sa maiikling play.

Para lalong palawakin ang kakayahan at arte ko sa pagsulat at musika, sinubukan kong lumikha ng sarili kong kanta. Fourth year high school ako nung sinulat ko yung unang-una kong kanta na inawit ko pa sa buong klase noon. Laking pasasalamat ko ulit dahil naging maganda ang kumento ng mga nakarinig. At hanggang ngayon ay hindi nila nakakalimutan ang himig ng aking orihinal na awit.

Tulad niyo, natakot rin akong sumubok ng ibang bagay na hindi naman ako sanay gawin. Umarte sa teatro, sumayaw at deklamasyon. Ang mga bagay na kinatakutan kong gawin. Mga bagay na sinubukan kong urungan pero masasabi kong nagawa ko. Minsan, ang takot natin ay pwedeng palitan ng kakapalan ng mukha. Haha! I mean, change your fear into self-boosting. Kung napangungunahan ka ng hiya at takot, palitan mo agad ng confidence at tiwala sa sarili. Lakasan ng loob yan kaibigan. Kung hindi mo susubukan, hindi mo malalaman kung hindi mo talaga kaya.

Minsan kasi akala natin talagang hindi na natin magagawa ang mga bagay. Napangungunahan kasi tayo ng salitang “hindi ko kaya.” Ang mali pa doon, hindi mo pa nga sinusubukan sinasabi mo na. Eh kung ganun lang din, wala talagang mangyayari. Bakit hindi mo muna isiping “kaya ko ‘to” o “kakayanin ko ‘to.” Pag pumalpak, okay lang yan. At least you tried. There’s nothing wrong in trying. Pag nalampasan mo yan, congratulations! Handa ka nang humarap sa bagong talento.

Magpasalamat kayo sa mga bagay na kaya niyong gawin. Nasa inyo na yan eh. Tulad ng edukasyon, hindi yan mananakaw sa inyo. But there’s one thing more to life than doing things you like. Why not share it with others? Inspire other people by means they can’t imagine. Pano ko ba ‘to ipapaliwanag? Hmmm…

Kung may talent kayo, wag kayong mahiya ipakita sa iba. Wag niyo rin ipagdamot. Share niyo kung anong nalalaman niyo. Tulad ko, 7 years na kong kumakanta sa simbahan at tumutugtog paminsan-minsan. Sa practices, dun ko naibabahagi ang kaalaman ko sa pagkanta at pagtugtog. At doon ay nakakahikayat ako ng mga taong sumali sa amin. At this moment, I’m sharing with you the things I know to help people learn what you do. Share it with them! Spread your knowledge!

Wag puro sarili ang ibida. Tumulong ka sa iba para sila rin ay maging bida. Masarap sa pakiramdam ang makatulong at maging inspirasyon ng mga taong nasa paligid mo. Kahit sa maliit na bagay lang, may mga taong liligaya. At mas masarap sa pakiramdam na ang pagtulong mo ay may kasamang ngiti para mahawahan ang iba. Wag kalimutan, ngiti tayo kaibigan!

2 thoughts on “THERE’S MORE TO LIFE

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s