TWITTER’S HASHTAG (#NoteToEx)


This is not for a single person. This is for the boys who somehow made me feel extra special and loved me even for a short period of time. Pagbali-baliktarin man ang mundo, naging parte kayo ng buhay ko. Pilit ko man kalimutan lahat, hindi mawawala yung katotohanan na minsan din tayo naging masaya. Kung ano man ang nangyaring masaya sa atin noon like how we met, how we got to know each other, how we told ourselves that we’re both inlove and all others, all those things will be part of my memory. Hindi man nagtagal o hindi man nagwork yung relasyon natin, one thing is for sure: minahal ko kayo ng totoo. Sorry kung may pagkukulang ako na hindi niyo naman nasabi o sinabi sa akin kahit na nagtatanong ako. Akala niyo siguro magagalit ako malaman kung ano man ang problema sa akin, sa inyo, o sa atin. Pero ano pa nga bang magagawa ko diba? Wala na eh.

Seriously, pare-pareho kayong lahat eh. Na-feel ko na you guys took me for granted. Alam niyo yung parang na-bale wala lahat lahat. Yun bang naramdaman kong pinaglaruan niyo lang ako after all. In fact, alam niyo kung anong pangarap ko. Alam niyo kung pano ako maghandle ng problema at ng relasyon para lang “sana” maging maayos at “tumagal”. Pero wala eh. Everything’s not enough. Kayo sumuko eh. Salamat. Pinatatag niyo ko. Pero habang tumatagal at nagmamature ako, ganun pa rin ang pangarap ko. Walang nagbago. Hindi lang talaga ko para sa pakikipaglaro at pakikipag gaguhang klaseng relasyon. Sorry. Counting boys will not make me happy. Kung ilan kayo, hindi na mahalaga yun. As long as nagkaron na naman ako ng opportunity para maalala kayong lahat at gawin ang post na ito, okay lang sa akin kung mabasa niyo o hindi ito. I don’t care anymore. Siguro ito na yung last at broad message ko para sa inyo.

Nakakapag-usap naman na tayo after breaking up eh. And I think that’s fine for you and for me. Alam niyo naman kasi ng gulo diba? Alam niyo yan. Gusto ko okay lahat kahit sa sarili ko hindi. Di ko maintindihan sarili ko eh. Ako nasaktan, kayo nang-iwan pero nandito pa rin ako at walang pagbabago sa pakikitungo sa inyo. Well siguro hindi na nga tulad ng dati but you guys never tried approaching me. Yun ang mali eh. Yun siguro ang hindi niyo naiintindihan. Natatakot kayo or nahihiya kayong kausapin ako ulit dahil sa mga nangyari noon. Hindi niyo talaga malalaman lahat lahat ng nasa loob ko kung hindi kayo magtatanong. Anong tingin niyo sa akin? Bigla bigla na lang magmumukmok?! Alam niyong di ko gawain yan. Teka muna, ALAM NIYO NGA BA o talagang wala lang ako?

Anyway, everytime I hear new happenings about you, I’m happy. Honestly and seriously speaking. I’m still proud knowing that good things happen in your lives now and I’m 101% proud knowing that you accomplish things in your way, from your effort and from your hard work. Congratulations! You deserve it. And for those who say that I’ve been part of that change, hindi ako kinilig. Natuwa ako. Kahit papano pala may na-contribute akong maganda sa buhay mo/niyo. And behind my happiness, there’s something inside me saying “sayang”. Sana kasama pa rin ako sa pagbabagong yon. But no. That’s the sad part about it. I’m the reason, you changed, but continued it WITHOUT ME. Pero sige. That’s how life runs.

I may sound bitter doing this post but this is my way of releasing everything left unsaid. Hindi niyo na rin naman siguro mababasa ito eh. Hindi na kasi kayo interesado kaya wala na. After our relationship, nagkalimutan na. Hindi ba? So I guess I just made this to lessen my heart’s pain. Ewan ko ba kung bakit bigla kong nagawa ito. Namimiss ko lang siguro kayo. Pero hoy! Mga bwisit. Baka iniisip niyo plano ko pa kayo pagsabay-sabayin. GAGO! Namiss ko lang talaga lahat kayo. Kahit papano naman minahal niyo rin “SIGURO” ako. Kung hindi man, masakit pero okay na lang din. Tapos na naman diba? At least kahit papano napakita at napadama ko sa inyo yung pagmamahal ko. Hindi man lahat-lahat, hindi niyo man naramdaman ng sobra-sobra, alam ko sa sarili ko, sa mga taong naka-alam ng relasyon natin at ni Lord na hindi ako nagloko at minahal ko kayo ng totoo. Yun lang. I’m not telling this just for you to come back to me. Wala na kong aasahan pa. Alam kong nakatagpo kayo ng mas maganda, mas matalino, mas talented, mas mabait, at lahat na ng “mas” higit pa sa akin. One thing’s for sure: they will never be like me and I’ll never be like them.

I’m sure masaya na kayong lahat ngayon. If one day na babalik kayo, sana mahal ko pa kayo. Well, mahal ko naman kayo eh. Yun nga lang, nalatakan na. It will be in God’s hands. May reason naman lahat diba? This note is kinda long already. Enough of this.

Take care, boys.

Sincerely,

Your Ex-girlfriend

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s