NAKAKAHAWANG TAWA NI ANNA


Isang masaya, nakakapagod at nakakabusog na araw ngayong Martes. Masaya dahil nakasama ulit ako sa tour ng mga BSBA at Taiwanese students. Nakakapagod kasi traffic at masakit sa pwet ang byahe. Nakakabusog kasi minu-minuto ang kain. Iba talaga pag nasa likod naka-upo, naaabutan lagi ng relief goods. HAHAHAHA!

Ang aga-aga, ang hyper-hyper ko. SOOOOOBRA! Hindi ko alam kung sadyang mababaw ang tawa ko o talagang masayahing tao lang ako pero ang benta sa akin ng mga jokes. Kahit corny, natatawa ako. At hindi ko alam kung bakit endemic ang tawa ko. Sorry na talaga. I just can’t help myself from laughing. Masarap tumawa okay? Saka sabi nila na 5 years daw ang nadadagdag sa buhay mo pag pala-tawa ka. So siguro 50 years na ang nadagdag sa buhay ko. HAHAHAHAHA!

Pag tumatahimik ako sa bus, biglang may tatawang iba. Tapos yung magaling kong katabi sasabihin na hinawahan ko raw. Pati yung mga ibang tao sinasabi nila na sa akin daw nagmula. Aba naman! Pinilit ko ba silang tumawa?! Nakakaloka. Pati pagtawa sa akin isisisi. HAHAHAHA!

Actually hindi ko alam kung anong meron sa tawa ko at halos lahat ng kaibigan ko napapansin yun. Iba-iba sila ng version sa pagdedescribe ng tawa ko. Di ko alam kung maiinis o matutuwa ako sa mga pinagsasasabi ng mga mahal kong hinayupak pero napapangiti na lang ako pag nagkwento na sila. Naiisip ko na kahit papaano maaalala nila ko sa “trademark” kong tawa. 

Laughing is a good exercise in releasing stress. Pati calories nababawasan. Mga problema nawawala panandalian. It’s a good thing to share a laugh or make someone laugh. Para kahit papaano, kahit hindi mo alam, meron kang taong napapasaya ng hindi sinasadya. At masarap sa pakiramdam na ikaw ang dahilan kung bakit lumalabas ang ngiti nila sa kanilang mga mukha.

🙂

Nikki

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s