TUSOK-TUSOK


Good thing mom’s a little bit fine now. Nagyaya na siya ng mga amiga niya para maglaro ng mahjong. Yeah. Bata pa ko naglalaro na sila dito sa bahay. Siyempre nung bata pa ko nag-iinvite din ako ng friends, and together with my cousins maglalaro din kami ng snakes and ladders. HAHAHA! Kaniya-kaniyang trip yan. Pag matatanda, mahjong, pag mga bata board games.

Anyway, nung tinawag na ko ng pinsan ko to eat merienda, nadatnan ko silang lahat sa table. Mom with her friends tapos mga pinsan ko kumakain na. So nagmano muna ako bago ako kumuha ng plate at sabayan sila kumain. One of my mom’s friend said, “parang kailan lang baby pa kayo”. I smiled. And upon that smile, I remembered so many things back then. Lalo pa nung fishballs, squidballs at kikiam ang naka-hain sa mesa. Nagflashback sa akin yung lihim kong pagkain sa mga turo-turo nung elementary pa ko.

Lihim na pagkain. Lihim kasi hindi ako pinapayagan ng mommy ko at ng papa ko bumili ng mga street foods. Dati hatid-sundo ako ng driver at ng yaya sa school nung elementary pa ko. Eh madalas kaming may nadadaanan na turo-turo sa loob ng UP Diliman kaya araw-araw nagtitira ako ng pera para makabili ako. Nililibre ko yung yaya saka yung driver para hindi nila ako isumbong sa mommy ko. HAHAHA! Alam ko kasing papagalitan ako pag nalaman nila na bumibili ako ng mga ganun. Pero kasi naiinggit ako sa ibang mga bata dati na malaya silang bumibili ng fishballs sa kanto at kung ano pa. Yun bang mga gawain ng mga bata na hindi ako pinapayagan gawin. Like maglaro sa kalye kasama ng iba pang bata. Di ko naranasan yun. Kaya nag-eenjoy pa rin ako ngayon sa mga larong pambata kasi parang kulang yung karanasan ko nung bata pa ko. Mga kalaro ko dati, puro mga pinsan ko. Away-bati pa araw-araw. Hindi pa kami pinapayagan lumabas ng bahay. Bihira lang pag may kasama kaming matanda at pag maglalaro lang ng badminton. Literal na sa labas lang ng bahay. Pero yung mag tumbang preso, piko, patintero kasama ng ibang bata, hindi ko naranasan. Mga maid namin at pinsan ko lang mga nakalaro ko. Pag wala nang ginagawa yung mga maid namin, sila yung kinukulit ko para maglaro.

Lahat ng yan naalala ko habang nagkukwentuhan kami ng pinsan ko habang kumakain. Sinabi ko sa kaniya lahat ng mga ginagawa ko nung bata pa ko. Ultimo pagsisinungaling para lang magawa ko yung gusto ko (pagkain ng ice cream, pagkain ng turo-turo, atbp.). Pero lahat naman ng iyon alam na ng mommy ko. Hahaha! Sinabi ko rin sa kaniya. At na-tarantado pa ko ng bonggang bongga nung nalaman niya. Okay lang! At least na-experience ko yung gusto ko.

All of these will be part of my memory. Mga bagay na gusto kong ipa-experience sa mga magiging anak ko. Ayokong matulad sila sa akin na nagsinungaling para lang magawa yung gusto nila. Pero siyempre, nasa lugar ang pagiging maluwag ko. Thankful din ako dahil napunta ako sa strict family. Alam ko kung anong tama at kung anong dapat gawin. 

Kayo? Anong kwentong kabataan niyo? 

Feel free to tell your story by signing on my guestbook. If you want your story to be published and inspire others, put your name and your story on the guestbook. Thank you!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s