GGV EXPERIENCE


Good vibes na good vibes sa Gandang Gabi Vice!

1 year na ang nakalipas simula nang magsimula ang show ni Vice Ganda every Sunday. Lahat naman tayo alam natin kung gaano kasikat si Vice pag dating sa pagpapatawa. Wala na yatang tao ang hindi natatawa sa mga banat, basag, at kung ano pang mga linya at kalokohan na lumalabas sa bibig niya. Hindi ko masasabing avid fan niya ko pero nakaka-alis talaga ng stress ang pagtawa. Kaya simula nung natuwa ako sa GGV, inisip ko na sana isang araw makita ko si Vice at ako mismo ang makapanuod sa show niya. Napanuod ko kasi mga movies niya at bentang benta talaga siya sa akin kaya sana may chance na maging studio audience ako.

Last year, ilang beses ko na sinabi na pupunta ako sa Showtime pero failed. Hindi ko alam kung bakit. Well, hindi pa tamang panahon para makanuod ako sa Showtime so okay lang. Gusto ko lang kasi malaman personally kung ang skills ba ni Vice ay natural o hindi. So ayun. May TV naman kaya tiis tiis. Ganun din naman eh, makakatawa pa rin naman ako kahit sa TV ko lang nakikita.

Hanggang sa dumating ang August 1, 2012. Sa di inaasahang pagkakataon, na-cancel ang duty ko ng araw na yan dahil sa lakas ng ulan. Bumaha sa Caloocan kaya pinapasok na lang kami sa school. Case presentation ang inatupag. From 1-9pm na shift sa ospital, ginawang 1-5pm na lang sa school kasi hindi masyadong maganda yung panahon. Tamang-tama dahil naka-schedule na guest si Valerie Concepcion sa GGV. Yun ang naging chance ko para makapasok. HAHAHAHA!

Pag dating ko dun, halos puno na ang crowd. Buti may naka-reserve na para sa akin. May stand-up comedian para hindi ma-bore yung mga tao. And when Vice entered the studio while singing, hindi ko alam na siya na pala yun. Hanggang sa dumaan na siya sa tabi ko. Na-starstruck ako, SOBRA! Siya pa mismo nag lead ng prayer bago magsimula ang taping. At eto pa! Pati pagdadasal hinahaluan ng katatawanan. It was truly a fun night for me.

Ayan. Wala kasi akong picture with Vice eh. Nagmamadali siya umalis after nung taping ng GGV kasi may shooting pa daw siya nung upcoming movie nila ni Toni G. Kaya yan na lang. 

I wasn’t expecting to see myself on TV. UMIIWAS NGA AKO SA CAMERA EH! Yung first four pictures, that was aired last August 5. Si Valerie Concepcion at Deniece Laurel yung mga guest niya na napanuod ko mismo sa studio. Yung last two pictures, yan yung pinalabas last Sunday (August 12) na si Teddy, Tutti at Kean ang guest. Pati yung opening number na pinakita at yung Vice Advice Express, napanuod ko mismo sa studio. 

Nung pinalabas yung episode nila Valerie, dalawa lang ata yung nakakita sa akin. Kasi look at the pic above, may mga katabi pa ko kaya hindi nila ko napansin. Pero yung episode nila Kean Cipriano, nakakaloka dahil ilang beses ata akong dinaanan ng camera. Pero hindi ko na kinuha lahat kasi mukhang tanga lang ako sa picture. HAHAHA! Inulan ako ng tweets na nakita daw nila ako blah blah… At may nagtext pa. Putek na yan. Imbis na si Vice lang ang pinagtatawanan, pati tuloy ako nadamay.

Busy ako sa kakalaro ng tetris kaya hindi ko nakita yung sarili ko sa ibang parts nung show. HAHA! Kaya ang ginawa ko, pinanuod ko na lang ulit sa iWantTV yung episode kaya na-capture ko ang mga screenshots. Ayun.

Vice Ganda is truly a comedian. Wala sa script ang mga sinasabi niya pwera na lang yung mga opening spiels at promotions ng shows and others. Pero yung mga banat niya, everything came from his mind. Pati yung version niya ng Call Me Maybe, wala sa script yun! Impromptu talaga. Magaling talaga siya magpatawa at bentang benta talaga siya sa akin. 

Obvious naman siguro sa nakita niyo sa TV noh?! Maka tawa daw ako wagas. Pero it was an unforgettable experience for me.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s