JC


“Tutulungan kitang kalimutan siya…”

A statement from someone I just met who randomly asked if I have a boyfriend. Hindi ako nagkwento at wala akong sinabi tungkol sa kung ano man ang nakaraan sa akin o sa amin ng ex ko. Just answered few of his questions at natawa ako nung sinabi niya yan.

I don’t need. I mean, hindi ko naman kailangan kalimutan ang ex. Kung move on lang ang pag-uusapan, wala sa bokabolaryo ko ang paglimot dun sa tao. Di uso sa akin yun. I just keep myself busy para lang less ang sakit pero it doesn’t mean I have to forget. I DON’T AND NEVER FORGET PEOPLE WHO BECAME PART OF ME. Nakasakit man o hindi, basta naging special sa akin, hindi ko magagawang kalimutan.

Natatawa lang ako dun sa taong nagsabi sa akin na tutulungan daw niya kong makalimot. Di pa kami magkakilala nito ah. As in kanina lang kami nagka-usap tapos kung ano-ano na sinasabi sa akin. Excuse me! Hindi ako tulad ng ibang babaeng kilala mo. Hindi ako tulad ng ibang babaeng naiisip mo. Ibahin mo ko. He asked for my number but I didn’t give it to him. Tapos niyayaya niya ko makipagkita bukas. Ora mismo?! Nakakaloka! Bat ba may mga lalaking walang magawa?! Hindi ako desperada para pumatol na lang sa kung sino-sino. Makikipag-usap ako, oo. Pero hindi ibig sabihin nun kailangan na alamin ang number ko at kung ano pang impormasyon tungkol sa buhay ko. 

He gave his number to me together with his complete name. And he was asking me to text him. Naah! I won’t text him. WHY WOULD I? Hindi kami close. But setting my rudeness aside, I saved his digits. But I’m not planning to text him. He was really insisting me to give him my number but I declined. Ayoko na. Nadala na ko sa pagbigay ko ng number sa kung sino-sino last time. Ayoko na pasakitin ang ulo ko.

At eto pa ah, ang lakas ng loob niyang sabihin na “pag naging kami…” HAHAHAHA! Pucha talaga. Yan ang ayoko sa lahat eh. Masyadong mataas ang self-confidence. Kahit kailan hindi ako nakarinig ng ganyan sa mga ex ko on the first meeting. Never pa talaga. Tapos itong kutong lupang ‘to ang lakas ng loob. Kairita lang.

Kung interesado ka maging kaibigan ako, sabihin mo. Di mo ko kailangan bolahin dahil wala kang mapapala sa akin.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s