DIARY


Sino ba ang hindi dumaan sa pagkabata? Lahat naman tayo naranasan yan. Hindi nga lang pare-pareho ang mga karanasan pero lahat ng tao may kanya-kanyang istorya sa buhay pagka-bata. Hindi mawawala diyan ang diary. Siguro dahil babae ako kaya masasabi kong naging parte ito ng pagkabata ng isang tao. Mga kalaro ko dati may diary din. Hindi ko nga lang alam kung pati lalaki may diary. Pero bakit nga ba naging parte ito ng buhay ng mga bata? 

Diary… a record with DISCRETE entries about what happened during the day or other period. Yan ang nakuha ko kay wikipedia. Hindi ko nga lang kinopya lahat kasi mahaba ang description pero kung ako mismo magbibigay ng definition tungkol sa diary, ito ay simple o bonggang notebook kung saan tinatala ang mga sikreto natin sa buhay na ayaw natin ipa-alam sa kahit na sino. Pasensya na sa definition pero yan ang pagkakaintindi ko simula nung bata pa ko. Tugma naman sa sinabi ni wikipedia na “descrete entries”. Meaning, secret lang. 

Naka ilang diary rin ako nung bata pa ko. Kaya siguro blogger ako ngayon dahil na rin sa nasanay na talaga akong magkwento ng magkwento sa diary ko. Honestly, I still keep a diary. And the old ones? Nakatago pa rin kasama ng mga love letters na natanggap ko galing sa iba’t ibang tao. I keep memories! Ang kaibahan nga lang ng pagiging diarist at blogger ay, ang mga sinusulat ko sa diary ko ay ako lang at si God ang may alam. Samantalang ang pagiging blogger ko ay bukas para sa lahat. Yun bang wala na kong pakialam kung sino man ang makabasa. Pero yung diary ko ngayon, nasa isang lugar na hindi mapapakialamanan ng mga tao dito sa bahay.

Buong elementary life ko naka-diary ako. Sa kapal ng last diary ko, hindi ko naubos yung pages. At ang mahal pa ng bili ko dun ah. Hahaha! May padlock pang kasama! Secret kung secret talaga. Don’t ask kung anong itsura. Alam kong alam niyo na. Hahaha! Yeah right. Pink yun na si Hello Kitty ang cover. Tapos mukha ni Kitty ang padlock. After elem, hindi na ko nahilig sa diary simula nung nabasa ng mommy ko mga nakasulat dun. Yeah. Na-trauma ata ako kaya simula nun, hindi na ko nagdiary. 

Lumipas ang ilang taon, natapos na ko mag high school pero hindi ko na ulit sinubukan mag diary. Siguro dahil sa pagka-trauma ko, nahilig ako sumulat ng essay, articles, compositions, poems, script, at kanta. Lahat na siguro nasubukan ko. Kaya hindi ako bumabagsak sa essay part ng exam eh. Dun ako bumabawi lalo na pag sa tingin kong sablay ako sa identification. Hanggang sa natuto ako magblog habang nagsisimula ako sa kolehiyo. Hanggang ngayon na malapit na ko magtapos, patuloy pa rin ang pag post ko.

Going back to my diary, actually last year lang ako ulit sumulat sa diary. It was given to me by my best friend nung birthday ko. Alam niya kasi na mahilig ako sumulat kaya niya naisip i-regalo yun. Unlike before, hindi na puro secrets yung nilalagay ko dun sa diary ko. Everything written there are all prayers. At hindi na nagsisimula yun sa “Dear Diary”. I haven’t updated my diary for months. But it doesn’t mean I’m not praying. Nagdadasal pa din naman ako. It’s just that kaya ko sinusulat yung iba kasi minsan yun na yung nagiging way ko para makipag-usap kay Lord ng matagalan. Imbis na magsalita ako ng magsalita mag-isa, sinusulat ko na lang. Alam ko naman na iniisip ko pa lang isulat, alam na ni Lord ang gusto kong sabihin.

Hindi ko alam kung bakit ginanahan akong magkwento tungkol sa diary. Na-miss ko lang siguro yung luma kong diary. Well, nakatulong din ang diary sa akin. Dun ako natuto ilabas ang problema ko nang hindi nakaka-apekto sa ibang tao. I mean pag may problema ako dati dahil sa mga kaklase ko nung bata pa ko, wala akong pinagsasabihan kundi ang diary ko. Siguro dahil dun kaya marunong ako magsarili ng problema. Dahil dun nakilala ko ang sarili ko at nabantayan ko kung paano ako humaharap sa iba-t ibang sitwasyon. 

Kayo? Nagka-diary din ba kayo? Anong naidulot sa inyo ng pagsusulat sa diary?

-annadominiquereyes

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s