IN A RELATIONSHIP?


“Akala niyo basta basta lang, akala niyo just go with the flow lang, akala niyo laging give and take ang umiiral, akala niyo lahat okay, akala niyo lahat tama, akala niyo lahat pwede.

Akala niyo lang yun! May recipe kasi yan – LOVE, TRUST, RESPECT, EFFORT, AND COMMUNICATION. Wag puro sarili ang iniisip. Isipin mo rin yung nararamdaman niya, yung part niya.

Lahat ng tao nagsasawa, napapagod. Kaya as a partner, lagi mo dapat siya binibigyan ng dahilan para magstay siya sayo. Ipaalala mo lagi kung bakit ikaw ang pinili niya, kung bakit ka niya minamahal. Para pag nagkaiwanan na, nagkasukuan na, atleast alam mong nagawa mo yung best mo at wala kang pagsisisihan.”

Kung sino man ang gumawa niyan, congratulations ah. Gusto ko yung recipe mo. Pareho tayo eh. Yan din ang pinaniniwalaan ko. A happy lovelife for you us! Di ko kilala kung sino original na gumawa nito. Nabasa ko lang sa facebook. Nevertheless, I admire the writer. We may have different love story and situation, but we have the same perception in handling relationship.

Gustong gusto ko yung last paragraph. Totoo kasi yan. Lalo na pag alam mong ginawa mo ang tama at nagseryoso ka, pag dumating sa punto na maghihiwalay na, wala kang pagsisisihan. Ang pagsisisi ay nasa parte ng taong nang-iwan at unang sumuko.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s