HEAT-UP


This nonstop rain made me so moody. Well oo nga. Hindi ko naman masisisi ang kalikasan kung ganito ang panahon natin ngayon. But the thing is, the people around me are so annoying. Yung tipong ang dami na nga nasasalanta at baha na nga sa labas pero walang iniisip kundi mga sarili nila.

Dad made my nerves into heat. Uminit ang ulo ko dahil sa mga actions niya today. Walang hinto ang malakas na ulan kanina, nag-imbita pa ng mga kaibigan para mag-inuman. Fine. Sige. Wala akong pakialam. Naiinis lang ako kasi yung mommy ko alam niyang may sakit. Iistorbohin niya ang pagtulog para lang sabihin na walang yelo. Tangina lang. Nainis ako dun sobra. Tumawag pa sa telepono para lang sabihin na wala silang yelo. Yung feeling na siya may pasimuno ng inuman, edi siya gumawa ng paraan. Hindi yung mga taong nananahimik sa loob ng bahay iistorbohin niya. At yung may sakit pa ang napiling utusan.

Sabi ko sa mom ko wag na pansinin. Attitude yung mom ko, binagsakan ng telepono. Natawa na lang ako pero deep inside inis na inis ako sa dad ko. Not only to him but to his friends as well. Ang kakapal lang ng mukha. Hindi ba uso tumanggi sa inuman lalo na’t alam na alam nilang hindi maganda yung panahon? Di ba nila naiisip na perwisyo sila sa amin? Kainis lang ah. Knowing na mas bata ako pero lahat naiisip ko. Eh sila? Parang walang mga pamilya. 

Naiinis lang talaga ko, sobra. Sabay pa nito yung hindi ko magawang tumulong sa mga nangangailangan. Parang ang bigat sa pakiramdam makita yung iba na nahihirapan samantalang ikaw ang ayos-ayos ng sitwasyon, naka upo lang sa kama, may pagkain, pero yung iba lubog sa baha, walang makain… Mga ganun. Nakakalungkot kasi kaya kong tumulong pero hindi ako maka labas. Yun ang problema ko. Kaya sa simpleng donation sa Red Cross ginawa ko. Just a small amount to help the people. I know 300 pesos is not enough. Maybe tomorrow I’ll add another 300. Tsk. Matapos lang ito, magpapa-feeding program ako or medical mission. 

Hay. Sorry na. Mainit lang ulo ko dahil sa mga nangyayari. Nonetheless, I wish everyone’s safety. 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s