TWEETS


“There are no boundaries if two people who are destined to love each other.”

Tama naman. Distance, age, height, weight and all others, kung mahal niyo ang isa’t isa, kayo talaga. Love will lead you, tiwala lang. Lagi ko naman sinasabi yan. Kasi kahit ilang beses na kong nasaktan, hindi magbabago yung pananaw ko tungkol diyan. “No boundaries” kahit maraming hadlang o maraming negative feedback tungkol sa relasyon niyo, kayong dalawa ang magmamaneho ng buhay niyo. 

“Pag naalala kong nagkagusto ako sayo, Bwiset, pati ako, nahihiya sa sarili ko”

Ay! Hindi ako ganyan. Minahal ko eh. Hindi naman ako namilit at hindi ko pinilit ang sarili ko para mahalin ang isang tao. Kung natapos ang relasyon, may reason naman. Positive or negative man ang dahilan ng hiwalayan, di ko kinakahiya. Nagmahal lang ako at nagtiwala. Sadyang mapaglaro lang ang tadhana.

“If u love someone and let them go, be prepared for them not to come back ”

Hmmm. Pano ba ako magcocomment dito? Hirap ah. Hindi kasi ako naglelet go lalo na pag mahal ko eh. Ako yung ni-let go. Kung tatanungin ako kung babalikan ko pa ba yung mga nag let go sa akin, it depends. Ganyan lagi kong sagot. Nagseryoso ako, nagtiwala at nagmahal. Lahat sila naging importante sa buhay ko. Madali lang ako magmahal, tiwala na lang ang kalaban.

“All you have to do is speak up and ask.”

Mahirap yan gawin. Although nagawa ko na pero mahirap talaga. Nandyan yung nagdadalawang isip ka kung magtatanong ka ba o magsasabi ng nararamdaman. Minsan nauunahan tayo ng takot kaya gumagawa na lang tayo ng sarili nating sagot sa mga tanong na hindi natin sinubukang ilabas. Diba? Ang daling i-tweet ang mga ganyang bagay pero ang hirap na gawin.

“Hindi lahat ng ipinapayo mo sa iba, nagagawa mo kapag ikaw na ang nasa sitwasyon nila.”

Yes or no?! It’s hard to practice what you preach. Hands up ako dito. Guilty ako. Ang galing ko mag-advice pero pag dating sa sarili ko kailangan ko na ng mag-aadvice. Pero siyempre dumarating sa point na kailangan kong balikan yung mga naipayo ko para gamitin naman sa sarili ko. Pano ako magiging effective sa iba kung sa sarili ko hindi tumatalab? Ganun lang yun. I’m being a friend to myself too. 

“Yung lalaking marunong makuntento sa isa”

Still searching… Still waiting…

“It’s hard to tell your mind to stop loving someone when your heart still does.”

Nagawa ko na itanong dun sa taong mahal ko kung dapat ko na bang tigilan o hindi. Ang hirap noh? Based from my experience, I just go with the flow. Nasaktan kasi ako kaya takot na ko ulit. Pero sabi ko nga sa facebook status ko kahapon “I’ll love again after the pain.”🙂

“Yung feeling na ikaw iniiwasan mong saktan siya pero siya wala siyang pakelam kahit masaktan ka.”

May mga tao lang talagang masaya pag nakikita kang nasasaktan. Natutuwa sila pag nagmumukha kang tanga. Masakit kasi iniingatan natin yung relasyon natin pero sila naglalaro lang pala.

“Kapag mahal mo isang tao.. Hindi porket wala n kayo e wala n din un love.. A love that last forever stays in the heart of one another..”

Totoo yan. Pero depende na yan sa kung anong klaseng love ang naiiwan. Pano kung naka isang dosenang boyfriend o girlfriend ka na? Wag mong sabihing pare-pareho pa rin ng level ng love ang nararamdaman mo sa kanilang lahat. Hindi lang talaga mabilis nawawala ang love lalo na sa mga taong naging totoo sa mga nararamdaman nila. Kung hindi na kayo ngayon pero pinipigilan niyo ang mga sarili niyo na magkabalikan kayo dahil sa takot, ay nako! Gumawa na kayo ng paraan para magkasama ulit. Malay niyo, sa altar na ang bagsak niyo.

“Hindi porket CHICKBOY ka, gwapo ka na. Mas gwapo pa din yung lalaking marunong makuntento sa isa ♥”

Hindi lahat ng chickboy gwapo. Tandaan niyo yan. Yung iba feeling lang. At yung iba malakas lang ang appeal sa mga taong nasa paligid nila. Puro yabang sa katawan ang mga ganyan. Bakit mayabang? Kasi masyado silang confident na kayang kaya nila magbilang ng babae o ng lalaki. Bale wala lang ang feelings basta masabi lang sa mga mata ng tao na maraming nahuhumaling sa kaniya. Tama o mali?

“Gusto kong subukang mahalin ka, kaya lang natatakot ako na baka katulad ka din nya.”

Hindi ko susubukang mahalin ka, natatakot lang ako na masaktan mo ko. HAHAHAHA! Pinalitan ang statement. LOL. Everyone is unique. Wag i-generalize ang pagkakamali ng isa sa mga iba pang lalaki o babae. I never love someone para lang sa “trial”. Ano yan? Trial and error?! When I love, I give it with no doubts and regrets. Pag nasaktan, I’ll just deal with it. I’ll go into moving on process. Ang negative lang kasi ng dating sa akin ng salitang “subukan”. 

“One LIE can ruin a thousand truth.”

Ehem. Naubo ako. I’m guilty without reasonable doubt. HAHAHA! Ayan… Parang nasa korte na. Eh guilty naman kasi talaga ako diyan sa statement na yan. Ayoko kasi sa sinungaling. Kung aaminin ang kasinungalingan, maraming salamat. Pero sinungaling ka pa rin. Tiwala ang sinira mo kaya gumawa ka ng paraan para ayusin yun. Dahil kung hindi yan maaayos, mahihirapan na kong ibalik ang tiwala ko at paniwalaan ka.

“Whenever I date a guy, I think, is this the man that I want my children to spend their weekends with? Cuz I don’t date just for fun.”

I don’t enter relationship just for fun. Yan ang sa akin. Kung date ang pag-uusapan, marami naman kasing klaseng date eh. Group, friendly, romantic at kung ano pa. OA naman kung iisipin ko agad na yung ka-date ko ay magiging tatay na ng mga anak ko in the future. Mas maiisip ko yun sa taong ka-relasyon ko, hindi sa ka-date ko.

“Break ups aren’t always meant for make ups. Sometimes relationships end in order for you to wake up.”

Relationship ends in order for you to wake up and correct the mistakes you’ve done. Yun ang dapat. Hindi yung gumising ka lang sa katotohanan na tama na ang lokohan o makipaglokohan o kaya naman ay tama na ang pagpapakatanga sa taong niloloko ka na. Sometimes, relationships end because time wants you both to grow. Malay niyo kayo ulit ang magkatuluyan or magkabalikan but this time pareho kayong natuto sa nauna ninyong relasyon.

“Sometimes you have to go back.. To remind yourself of why you left”

I go back to see my mistakes and correct it today and in the future. 

“I want an honest relationship. No lies. No mind games. No cheating.”

Sino bang may ayaw? Ah alam ko kung sino. Sila yung mga mapaglaro. Collect ng collect tapos select all ang ginagawa. Mga di marunong makuntento sa isa. Edi sige. Buhay niyo yan eh. Pero ako, simple lang ang gusto ko. Totoong pagmamahalan. Yun lang. Siya lang, ako lang… TAPOS ANG USAPAN.

“Problema ng mga kaibigan ko, problema ko na din…”

Pero ang problema ko ay problema ko lang. Ayokong pinapasakit ang ulo ng mga kaibigan ko dahil sa problema ko. Siguro magsasabi ako pero hindi aabot sa point na pati sila maaapektuhan. But for me being a friend, nagsasabi ka pa lang apektado na ko. Hahahaha! Ewan ko. Ganun ako magvalue ng kaibigan eh. Ganun ako magmahal. Kung ayaw niyo, edi wag!

“Keep the one who’s keeping you. Let go the one who’s letting you go..”

I never let go nga eh. I still keep them. 

“Ang tunay na lalaki, papatunayan agad sayo na katiwa-tiwala siya, sa umpisa palang ng relasyon niyo.”

Tapos pag di napatunayan ano na? Bakla na? Agad-agad?! LOL. 

“Nakakasira ng relasyon ang pagkukumpara”

When you compare your ex to your current boyfriend/girlfriend, one thing is for sure: you’re not over your previous relationship yet. Gaguhan ba peg mo? Bastusan? Wag ganun. Kaya when you enter a new relationship, dapat ready ka na. Handa ka na harapin yung ngayon, hindi balikan ang nakaraan. Kung mahal mo pa yung nakaraan, edi suyuin mo ulit. Hindi dahilan ang paghanap ng iba para kalimutan mo siya. Makakasakit ka lang.

This ends my comments for today. Mag-iipon muna ulit ako ng mga tweets na masarap bigyan ng comment. Salamat sa mga nagtweet niyan dahil na-inspire akong isalin dito ang laman ng puso at utak ko.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s