THE REALITY


Yesterday was really a big challenge for me. Bukod sa tumira ako sa ibang bahay, nagcommute at naglakad sa putikan with my all-white uniform, na-culture shock ako sa public (government) hospital. Nasanay kasi ako na sa lying-in at tertiary level hospital ang duty ko. Minsan private hospital pa kaya ibang-iba yung mga nakita ko kahapon during my duty. Nung Thursday hindi ko pa na-feel yung kaibahan kasi orientation lang naman pinunta ko dun. Pero kahapon, sumabak na ko bilang student head nurse. 

Pinaghandaan ko ang pagiging head nurse. Alam ko kung pano ako kikilos at kung pano ko i-hahandle yung mga pasyenteng mapupunta sa amin. But when I was there, chart pa lang litong-lito na ko. Pati medications na dapat ibigay, nakakalito. Iba ang pangalan ng pasyente na nakadikit sa wall at dun sa chart. So the best thing for me to do was to really ask the patient’s name. Okay lang na makulitan sa akin yung pasyente sa kakatanong ko ng pangalan nila kahit ilang beses ko na sila pinuntahan basta maging sigurado lang ako na sila talaga yun. GRABE! Nagugulat pa ko kasi kakakuha ko lang ng pasyente tapos madidischarge agad. Tapos kung kailan pauwi na kami saka namin nalaman na hindi pa pala umuwi yung isang pasyente. Samantalang “discharged” na yung nakalagay sa mga papel namin.

Nakakapanibago. Iba talaga pag public at private. For me, dapat nga mas kumpleto ang resources ng government hospital eh. Dapat mas maayos tulad nung sa ibang bansa na almost libre na lahat. Dito sa atin, mura nga pero hindi ka sure kung gagaling ka agad dahil sa mga procedures na ginagawa. Proper sanitary pa lang talo na. Syringes must be used ONCE. Pero kahapon napatunayan ko how poor our country is when it comes to health care. 

Nakakalungkot. We provide safety, comfort and wellness of people. Pero sa nasaksihan ko kahapon, parang kulang eh. Nakaka-stress ang ma-ospital. Dadagdagan pa yung stress ng pasyente kasi kailangan sila magdala ng sariling unan, kumot, electric fan at kung ano ano pa. Parang sinabi na “dalhin niyo po ang bahay niyo dito”. Parang ganun yung dating sa akin eh. So kawawa ka talaga pag wala kang pera? Ganun ba yun? Hindi naman kasi dapat ganun.

I know I have lots of negative feedback about our government hospital. Kung mayaman na mayaman na mayaman lang ako, I’ll donate enough equipment and materials for our government hospital para lang proper ang treatment ng health workers sa mga less fortunate at sa mga mayayaman. 

Masyado lang akong affected kasi naaawa ako. Siguro nga naaawa ako. But this is the reality. So people, take care of yourselves. Mahirap ma-ospital.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s