BIPOLAR WEATHER ADVENTURE


Grabe lang ang weather ngayon ah. Bubuhos ang malakas na ulan tas maya-maya sisikat ang araw tas kukulimlim at uulan ulit. Paulit-ulit lang. Last Wednesday, na-suspend ang duty ko sa Caloocan because of the weather. So to compensate the number of hours needed to complete one duty, sa school na lang kami pinapasok. Okay fine. Wala namang problema dun. Ayoko na rin naman mag-absent kasi ayoko na ng problema at the end of the semester dahil sa make-up duty. Caloocan is far from home. Minsan umaabot ako ng 2 hours na byahe lalo na pag traffic. So the best thing for me to do is to sleep with my relatives in Manila. Ibang klase rin ang tagal ng byahe ko from my place to Manila lalo na pag traffic. Tondo, Manila is much nearer to Caloocan kaya sabi ko sa mom ko makikitulog na lang ako for 2 nights pag doon ako naka-duty. Ayun. Everything was set. Pinaalam ko na sa ninang ko na dun ako sa kanila tutuloy pag Caloocan ang duty ko.

Pero dahil sa na-suspend ang duty ko last Wednesday, akala ko cancelled na ang duty ko doon this week. Sabi rin nung dean namin na if ever di maganda ang panahon, sa school lang muna kami pupunta para may attendance. Kaya nung Wednesday night nakanuod pa ko ng taping ng GGV kasi hindi naman natuloy ang duty. Tapos kanina habang tulog pa ko, tumawag yung papa ko sa school kung may duty pa kami sa Caloocan. Sabi nung naka-usap niya, WALA DAW DUTY. SA SCHOOL LANG PUPUNTA. Then okay. Scrub suit na lang ang sinuot ko kasi alam ko pag ganun skills lab lang. Wala akong dinalang kung anong gagamitin para sa duty kasi panatag akong sa school lang ako pupunta.

Nainis ako dahil pag dating ko sa school, sinabi sa akin na may duty ako. WTF! Yung dean pa mismo ang nagsabi na pumunta daw kami doon para mag-orientation. Na-badtrip ako that time. SOBRA! Okay lang naman sa akin magduty. Ayoko lang nung hindi ako kumpleto. Like hindi ako naka-white at wala akong gamit. Inalala ko agad kung papano ako uuwi from Caloocan. Wala akong inisip nung papunta kasi kasama ko naman CI at kaklase ko kaya wala akong problema. Yung pauwi lang talaga. Pinipilit ko maging okay pero medyo nagpapanic ako kanina kasi hindi ko alam kung saan ako tutuloy eh. Kung sa Tondo na ko matutulog o uuwi pa ko ng Fairview. Tinext ko agad papa ko para sabihin na ipahatid na lang yung gamit ko sa Tondo kasi walang maghahatid sa akin sa ospital bukas. 

Sa tagal ng byahe at mahabang paglalakad, nawala na rin yung inis ko. Hindi ko rin mahawakan ang cellphone ko kasi maraming tarantado sa paligid kaya wala na rin akong update sa papa ko kung anong plano. Kwentuhan na lang kami nung kaklase at CI ko hanggang sa nakita ko yung landmark ko kung saan nakatira yung mga relatives ko. Kaya naging panatag na yung loob ko na alam ko na kung pano ako pupunta doon. One ride lang naman pala from the hospital in Caloocan hanggang dun sa bahay ng mga pinsan ko sa Tondo. Pag dating ko sa ospital saka ko tinext yung papa ko na okay lang na wag na nila akong sunduin kasi kaya ko na bumalik at umuwi sa Tondo. Yeah. Not in Quezon City. HAHAHA! Basta hind na ko nagpasundo para hindi na sila ma-stress. Tinawagan ko na din mom ko para ibilin lahat ng gamit na ipapadala – uniform, laptop, shoes, paraphernalia, at lahat ng kailangan ko. 

Natapos agad ang orientation kaya lakasan na ng loob para umuwi. Good thing kasabay ko pa rin magcommute yung CI ko at kaklase ko. Buti na lang ako ang mauunang bababa. Pag baba ko ng jeep, inisip ko kung magpapasundo ako sa kanto o lalakasan ko loob kong lakarin na lang mula dun hanggang sa bahay ng pinsan ko. Hingang malalim, sabay lakad. Di na ko nagpasundo. Ayoko kasi ma-stress pa sila. Makikitulog na nga ako tapos magdedemand pa ko?! Nakakahiya. Malaki na ko kaya kailangan ko matuto mag-isa. Ang tanging demand ko lang sa mom ko ay ihatid ang mga gamit ko dahil diploma ko ang nakasalalay. HAHAHAHA! Diploma talaga! Graduating na ko kaya ingat na ko sa absences. Ayoko na mag make-up duty. 

Now, I’m in ninang’s room with my cousin (Tondo, Manila). Tulog na sila, gising pa din ako. Hindi na ko sanay matulog ng maaga. My needed things are here already. Hinatid ni mommy kanina. Nasugatan pa ko sa jeep na sinakyan namin from QC to Manila. Masakit ah! Ginamot ko rin sa loob ng jeep. Adventure na adventure talaga!

Bukas after duty, balik na muna ko sa Quezon City. Dun na ko ulit sa kwarto ko matutulog. Babalik ako dito sa Tondo next Wednesday. Ayun. Wala lang. Gusto ko lang i-share mga karanasan ko ngayong araw.

Whatevs.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s